kumPARE ko (One Shot)

402 26 3
                                    


"Oh pare! Andyan na crush mo!" Masungit na sabi ni pare. Pagtalikod ko,si crush nga! Grabe,ang guapo niya!

"Yipiii! Haha. O sige pare,babatiin ko lang." Tinapik ko ang kanang balikat niya at tumakbo na pagkatapos.

"Hi Jay." Bati ko sa crush kong si Jay. Well,hindi naman ako impokrita para itago 'tong pagnanasa ko sakanya kaya gumagawa ako ng effort para mapansin niya ako pero hindi niya alam na may gusto ako sakanya kaya oks na oks lang yun.

"Ow. Hello Chin." Ngumiti siya sa akin. Omg! Ang cute ng ngiti niya. Mas nahuhulog tuloy ako sa kanya.

Pagkatapos kaming bumati sa isa't isa eh nagchikahan kami kaya lang etong isa pa naming kaklase eh pabiro kaming tinulak. Nasalo naman niya ako kaya ayan tuloy,nakahiga ako ng kaunti sa bisig niya. Wooo! Infernes ha,ang bango niya. Shet! Nagsalubong ang mga mata namin. Oh my! may nangyaring Skinship saming dalawa! Grabe kung kumabog ang puso ko. Sobrang okay na sana kaso may epal.

"Heppp! Hep! Hep! Pare,Hindi muna 'yan puede." Biglang inaalis ni pare ang mga braso't kamay ni crush na sumoporta sa katawan ko at inaayos niya ang pagtindig 'ko. Bigla namang nagtawanan ang lahat. Aaah. Strike two! Strike two na ang kahihiyan ko.

"Ooooh. Protective masyado si bestfriend ah." biro nang isa pa naming kaklase.

"Syemps! Baby girl 'yan namin e." Seriously?! BABY GIRL?! Nagawa akong tawagin ni pare ng BABY GIRL sa harap ni crush?! Dyuskupu!

"Ah He.he. Oh s-sige. May pupuntahan pa pala ako." Tumakbo na ako agad palabas. Shit! Awkward ang pagtawa ko kanina. Tapos,nauutal pa talaga ako. Waaaa! Ang laking kahihiyan!

Naisipan kong pumunta nalang sa likod ng building. May mga bakanteng upuan kasi doon tapos walang taong pumupunta doon kaya doon na lang siguro ako magmunimuni. Agad akong tumabling-tambling doon. Parang baliw nga eh. May halong kilig factor akong nararamdaman. Napawi ang kasiyahan ko ng naalala ko ang kahihiyang nangyari.

"Tssss. Nakakahiya talaga." Panay ang palo ko sa isang upuan na nasa gilid. Tumigil lang ako nong nakarinig ako ng ingay na galing yata sa labas. Napagtanto kong may lumalakad papunta dito. Nung sumilip ako,si pare ang bumungad sa aking harapan.
akin.

"Oh bakit ka andito?!" Naiinis kong tanong sa kanya. Kasalanan naman niya eh. Okay na sana ang lahat kaso umepal pa siya at tinawag akong Baby Girl. Tss!

"Sorry na pare. Hindi ko naman sinasadya yun e. Lumabas lang talaga ng kusa sa bibig ko."

"Sinungaling! Gusto mo lang talaga akong mapahiya sa harap ni Jay e." Tapos pinalo ko ang balikat niya.

"Oi dapat nga magpasalamat ka sa akin. Naranasan mong maging feeling prinsesa sa bisig ni crush." Tumawa siya ng tumawa. Baliw talaga 'to!

"Atleast ako nakakapuntos sa crush ko. Eh ikaw? Hanggang ngayon hindi mo pa pinopormahan." Asar ko sakanya.

"Tamang timing ang kailangan diyan noh." aniya.

"Teka nga,nasabi mo na ba dun sa crush mo na gusto mo siya?"

"Wala pa."

"Eh engot ka pala eh! Sige tutulungan nalang kita. Sabihin mo na kasi sino."

"Secret." Sabay labas ng dila niya. Aba! Binelatan ba naman ako.

"Pare naman e. Sabihin mo na." Hinila-hila ko siya habang siya naman eh walang kahirap-hirap na naglalakad.

"Secret nga e."

"Pare!"

"Secret. Secret. Secret." Inilabas na naman niya ang dila niya sabay takbo. Hinabol ka naman siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

kumPARE ko (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon