July 1st
"Ang init dito" bulong ni ate
Ibinaba ko ang hood ng hoodie ko kasi mainit nga. Pinayapayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko habang sila mama at ate ay hinahanap ang sundo namin. Yung mapapangasawa ni mama ang susundo sa amin tsaka yung boyfriend ni ate at ang bestfriend ni mama. Doon kami tutuloy sa tabing bahay ng bestfriend nya habang nagbabakasyon.
"Ayun na" itinuro ni mama ang kulay puting van "bff!" pagtawag nya sa lalaking naka gray na polo "raymond!"
Umangat ang kilay ko at umiwas ng tingin. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling umuwi sa pinas. Si ate ay galing dito two years ago dahil first aniversarry nila ni kuya jeff.
"Tara na sa van" yaya nila nang makarating sa amin
Napailing ako nang makita si ate na nakalambitin sa batok ni kuya jeff. Ang harot talaga. Tinulungan nila kami sa mga bagahe at ilang gamit hanggang sa makapasok na sa van at bumyahe na.
"Dadaan ako ng jollibee kasi nag request yung anak ko" sabi ni kuya jun habang nagdadrive, sya yung bestfriend ni mama "kayo may gusto kayong kainin?"
"Wala po" sagot ko at sinalpak ang earphones
Pagod pa ako sa byahe kaya naman pumikit ako at nagpahinga. Hindi biro ang 16 hours na byahe. Hindi ko akalain na nakatulog ako dahil pag gising sakin ni ate ay nandito na daw kami sa Monte Amor. Probinsya ito na gustong bisitahin nila ate at sakto namang nandito nakatira ang bestfriend ni mama.
"Excited na ako maligo sa Monte Falls" my sister squeled like a kid
Natawa si kuya jun "pasasamahan ko kayo sa anak ko dahil laging tambay yun doon" aniya at nakamot ang batok
"Lagi syang naliligo doon?" tanong ni mama
"Hindi naman" sagot nya "madalas na gawin nun doon ay maglatag sa gilid ng talon at mahiga para magbasa at panoorin ang talon" pagpapaliwanag nya "iyon daw ang paborito nyang lugar dito"
Hindi ko na pinakinggan ang iba pa nilang pinag uusapan at tumulong na din sa pagbubuhat ng gamit sa katabing bahay nila kuya jun. Up and down ito na may tatlong kwarto. Mas malaki ang bahay nila kuya jun pero hindi naman kami magtatagal dito kaya ok lang.
"Anak dito kami ni tito mo sa baba tapos kayo ni ate mo sa taas" paalala ni mama na tinanguan ko
Pagkatapos kong ipasok ang mga gamit ay umakyat na din ako sa taas at pinili ang kwartong may bintana kung saan makikita ang nasa harap ng bahay kung saan tumatama ang sinag ng araw at veranda. Nagulat pa ako dahil malinis na ito at may iilang gamit na.
"Nagustuhan mo ba?" napalingon ako sa pinto at nakita si kuya jun na nakatayo doon "yung anak ko yung naglinis ng kwarto nyo ni ate mo kagabi"
I nodded and smile "pakisabi thank you po"
Tumango din sya "kung bukas hindi ka pagod ay maaari kang sumama sa mga anak ko sa pag labas para naman makita mo yung magagandang tanawin dito"
"Sige po" sabi ko
Nagpaalam syang bababa na kaya naman sinara ko na ang pinto. Sinalampak ko na ang mga damit at gamit ko sa cabinet at nahiga sa double size bed. Hindi na ako nag abalang mag bihis o kumain pa dahil hinatak na ako ng antok.
Hapon na nang magising ako kinabukasan kaya naman bumaba agad ako at naligo. Isang black shorts at gray sweatshirt ang sinuot ko. Pinasadahan ko lang ng palad ang kulay itim kong buhok na medyo tumatakip sa kilay at mata ko.
"Nasaan si ate?" tanong ko kay mama na naka upo sa couch sa sala
Liningon nya ako "nasa labas kausap yung anak ni jun" aniya "sumama ka kay nag aya si talia na manood ng sunset kuno"
Kumunit ang noo ko at tumango. Lumabas ako ng bahay suot ang tsinelas ko at doon nakita sila ate sa tapat bahay na nasa ilalim ng puno ng santol at nakaupo sa mahabang punong kahoy na napagigitnaan ng malawak na mesa. May nakita pa akong ilang pagkain sa mesa at pitsel ng juice at baso
"Uy troy!" sigaw ni kuya jeff
Tinanguan ko sya at tipid na ngumiti. Lumingon din si ate na busy sa pakikipag usap sa anak siguro ni kuya jun na babae. Nakalugay ang hanggang baywang na itim na buhok at nakasuot ng kulay puting long sleeve na dress na umaabot hanggang sa ankle nya.
Nakakunot ang noo ko hanggang sa lumingon sya sa akin. Hindi ko alam kung kapani paniwala pero pakiramdam ko bumagal ang takbo ng oras. Natigilan ako at nakatitig lang sa napakaganda nyang mukha.
Una kong napansin sa kanya ay ang napakaganda nyang almond shape brown eyes na medyo nasisinagan ng araw. Makapal at brown ang kilay at maliit ang matangos na ilong. Mahaba at itim na itim ang pilikmata na kapag kumukurap ay kitang kita. Hindi ko alam kung natural ang kulay rosas na pisngi at labi pero talagang bagay sa mala gatas nyang kutis. Medyo natatakpan ng ilang hibla ang kanyang mukha dahil sa buhok nyang sumasabay sa ihip ng hangin.
I've seen pretty girls but she's freaking different. Natauhan lang ako nang marinig ang malambot nyang boses.
"Sya ba yung kapatid mo, ate talia?" she asked softly
Saglit nyang nilingon si ate na nakataas ang kilay sa akin saka nginitian sya at tumango. Ang tagal ko sigurong nakatitig sa kanya.
"Yep" nakangiting sagot nya "sasama sya sa atin para manood ng sunset"
Tumango sya at tipid akong nginitian. Pucha. Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko dahil sa matipid na ngiting iyon. Hindi pa man nagsisimula ang araw ko ay pakiramdam ko kumpleto na ito
"Tara na po" pag aaya nya at tumayo
Naglakad ako palapit sa kanila at masasabi kong matangkad sya dahil hanggang labi ko sya. I'm still 17 pero 6 feet na ang height ko.
"Okay lang naman po kung lalakarin natin diba?" tanong nya
Nauna pa ako sa first kung tumango "okay lang"
Nawiwirduhan akong nilingon ni ate at kuya jeff pero hindi ko sila pinansin dahil nasa anak ni kuya jun ang buo kong atensyon. Our stay here will be fun.