Diane's PoV
" Diane! Diane anak! May naghahanap sayo sa ibaba!!! Kaya bumangon ka na diyan!!" Sigaw ni mama sa akin sa itaas ( si mama talaga oh!! Kaaga-aga haist!!)
" Sino po ba yan ma?! " sigaw ko din sa ibaba
" Ang bespren mong si CHARISE!!!" Sigaw ni mama...( Ang ingay namin noh!! ala-sais pa lang putak kami ng putak haha)
" Ok. po mama! Pababa na po ako.." niligpit ko na yung hinigaan ko at maayos na bumaba ng biglang -
" OH MY GOD!! (O_O) " paksy*t hilahin ba naman ako sa hagdanan ni Charise...muntik na talaga ako malaglag -_-
" Namiss kita Dayang!!! Mwah! Mwah!" Si Charise Garcia " Charing" haha palayaw niya po .. Matagal ko na siyang bespren simula nung nasa kinder pa lang ako hanggang ngayong kolehiyo!! Nakakahawa talaga ang pagiging baliw-baliwan nung babaeng yun... :3
" Hindi kita namiss! Ang aga-aga sinira mo tulog ko!!!" huwag kayong maingay talagang namiss ko siya.. Sssshhh!
" :( Ah! Ganun ba? Akala ko bespren kita uuwi na lang ako.." akma siyang aalis pero kaagad ko ring pinigilan siya
" Sandali lang.. Gaga ka talaga meron bang mag-bespren na hindi nagkamisan ha! Ang Drama mo! Kunwari ka pa " ako at sinapok siya sa ulo
" Aray te! Masakit ha! Ou na.. " Charise himas-himas ang ulo haha XD
" Besprend's Hug's " sabay naming sabi at humiwalay na sa pagkakayakap
" Iha! Kumain ka na dito sa amin ni Dayang! " Pag-aanyaya ni mama kay Charise
" Huwag na po nagdedyeta po ako ngayon!! hihi" ngiti ni Charise kay mama
" Ganun ba?! Iha! Ok sige." mama =D
" Hindi halata!! >__> " pang-babanat ko sa kanya.. sa totoo nga niyan tumataba siya haha kain kasi ng kain
" Bad Ka! Mama oh! Away ako ni Dayang! Dayang! " pagsusumbong ni Charise kay mama na isip bata nitong sabi
" Hoy! Charing! tigilan mo ako sa kakatawag mo na Dayang diyan!! " pagbabanta ko :3
" ^0^ As if naman kung in-lab ka kay Ivan ayieeeee!! " lol
" Tse! " Kaagad na rin akong umalis ng bahay at pumunta sa eskwelahan ang sama ko noh!! Di man lang ako nag-paalam kay mama