Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, school, places, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.This story will contain LOTS of grammatical error. I am not used to writing in straight Filipino so please bare with me.
Warning tags will be provided is necessary.
© 2022 by adorkablue
ALL RIGHTS RESERVED. No part of the books may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the publisher. Except where permitted by law.
-
"Tol, wag mo kalimutang mag sign up para sa ACES league, ah!"
Napabaling ang atensyon ko sa kaklase ko na nagsalita. Kakatapos lang ng pasok namin at inaayos ko ang gamit ko para makapunta na sa student longue kung nasaan ang mga kaibigan ko.
Kakasimula palang ng semester kaya puro orientation lang. Yung ibang subjects nga ay wala pang pumapasok na mga professors kaya sobrang dami naming vacant time ngayon.
"Sige, tol." sagot ko nalang sa kanya bago siya tuluyang makalabas ng silid.
Yung ACES league ay palaro para sa mga sibil. Nag semis ang team namin last season kaya hanggang maaga ay naghahanda na sila para sa league ngayong taon.
Bata pa lamang ako ay alam ko na kung ano ang gusto ko. Sa murang edad, desidido na ako na balang araw magiging engineer ako. Buong buhay ko sinikap ko na makarating kung nasaan man ako ngayon. At ito na nga, pagkatapos ng mahabang panahon, 3rd year engineering na ako.
Habang inaabot ang mga pangarap ko ay hindi ko tinigil ang paglalaro ng basketball. Simula elementary hanggang high school ay varsity ako. Ngayong college na lang hindi dahil alam ko na magiging busy ako. Kaya nang malaman ko na may palaro para sa mga sibil, hindi na ko nag dalawang isip.
Simula mag-college ay dalawa lang ang pinagtuunan ko ng pansin— pag-aaral at basketball.
Sabi kasi ng mga kaibigan ko ay mahina daw ako sa time management, kaya kapag nag dagdag pa ako sa mga priorities ko, baka hindi ko na ma tuon ang aking buong atensyon.
Hindi ko na lang din pinilit kasi masaya naman na ako sa kung ano ang ginagawa ko. Hindi biro ang engineering kaya madalas ang buong atensyon ko ay nasa pag-aaral. Hindi pu-pwede ang distraction.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko at nakitang may text ang kaibigan ko. Kanina pa nila ako hinahanap kasi kakain na daw.
Minor kasi yung huling subject ko at hindi ko sila ka-klase. Mamaya pa sa major kami magkakasama.
Pagka dating ko student longue ay kumpleto na sila. Hindi na ako umupo kasi aalis na din kami kaagad. Ako nalang pala talaga yung inaantay.
"Bagal," reklamo ni Meg. Si Meg ang nag iisang babae sa tropa. Siya ang boss, pero siya din ang baby ng barkada.
Naglakad ako kasunod niya. Nang naabutan ay inakbayan ko siya, "Sorry na nga." inabot ng kamay ko na nakaakbay sa kanya ang pisngi niya para pisilin ito. Tinampal niya naman kaagad ang kamay ko.
"Masakit ha!" reklamo niya ulit, naka kunot na ang noo. Tinawanan ko lang siya at pinirmi ang kamay sa balikat niya.
"San ba kakain?" tanong naman ni Cj na nasa kabilang gilid na ni Meg.
"Nagyaya si Franco mag samgyup eh. Libre niya ata." walang emosyong sagot ni Adi habang nag ta-type sa cellphone niya.
"Eh nasan ba si Franco?" tanong naman ni Nico nang mapansin na oo nga, hindi namin kasama si Franco.
"Nasa parking na kanina pa," sagot na lang ni Meg. Kaya naman ay nag lakad na kami papuntang parking area kung saan madalas pina-park ni Franco ang sasakyan niya.
Lima kaming magkakaibigan. Sila na yata ang kasama ko simula nang magsimula ako sa college. Blockmates kasi kami. Kaya ito nga, tatlong taon ang nakalipas ay magkakasama pa rin kami.
Pagkadating namin sa parking area ay nakita naming nag-aantay na si Franco kaya dali dali kaming sumakay sa sasakyan niya. Alas dos pa naman ang major namin kaya okay lang na kumain kami sa labas.
Si Meg na ang umupo sa shotgun seat dahil siya nga ang boss. Siya rin ang navigator at madalas siya rin ang nakatoka sa music. Tatlo naman kaming nag papalit-palit ng pwesto sa likod. Minsan naman pag tinatamad mag maneho si Franco ay si Cj and sub niya.
"May schedule na raw ng profs ah." sabi ni Cj na abala sa cellphone niya.
"Oo, dumaan ako ng office kanina. Wala pang naka assign sa Differential Equations, pero kita ko na si sir Jose yung sa Surveying." sabi ni Niccolo
"Gagi, sana wag si sir Ram, ano?" singit naman ni Cj "Muntik na ko bumagsak dun eh." muntik muntikan na kamo kaming bumagsak lahat last sem sa kanya. Unang beses nagka tres ni Meg sa kanya, kaya medyo nanganib sa DL si Meg at Niccolo.
"Buti na nga lang hindi magkasabay yung DE saka Statics." sabi ni Franco habang nagmamaneho.
"Oo tangek, eh hindi ba may design din tayo this term?" pagsang-ayon ni Cj sa kanya.
Ang dami naming pinag kwentuhan habang papunta sa kung saang samgyupsalan kami dadalhin ni Franco. Di na kami umangal kasi libre niya naman.
Pagkadating namin ay agad kami pina-upo sa table at saka sila nag serve. Nangunguna sa pagkain itong si Cj na akala mo hindi pinapakain, "Hoy pota ka, wag mo ubusin yung cheese." binatukan pa nga siya ni Meg.
"Ang bigat ng kamay mo, ha!" singhal niya rin pabalik habang sinusubo yung isang piraso ng manok na niluluto ni Adi, na dapat ay para kay Meg.
Nagtagal din kami doon. Sulit na sulit nila ang pagkain. Nagpaalam ako saglit para mag CR. Noong nag huhugas na ako ng kamay ay nagulat ako nang biglang may humatak sa akin paharap.
"Sorry, can you please pretend you're talking to me?" napakunot ang noo kasi ano daw?
Tinitigan ko lang siya. Basang basa ang mga kamay ko kasi nga hinatak niya lang ako bigla. Sinuri ko ang pagmumukha niya. Mukhang nagmamadali siya na ewan ko ba.
Kunot noo ko siyang tinitigan. Hindi siya masyadong katangkaran hindi rin siya maliit, sakto lang para sa isang babae. May pagka balingkinitan at morena siya. Ang mga labi niya ay pula, hindi ko alam kung natural na kulay ba iyon or may nilagay siya. Ang mata niya ay kulay brown, hindi bilog hindi rin singkit, sakto lang. Pero ang napansin ko sa kanya ay ang ilong niyang cute.
Napansin niya yata na sinusuri ko ang mukha niya kaya napa awang ang bibig niya at may sinabi. Ang naintindihan ko lang ay, "Please."
"Ano?" naguguluhan ko pa rin na sabi. Hindi ko din gets kung bakit di ako maka react agad. Nagulat ata talaga ako sa kanya?
"Kunyare kausap mo ko." pagtatagalog niya sa sinabi niya kanina.
That's easy.
Hindi ko naman kailangan magpanggap kasi kausap ko naman talaga siya? What's with her?
Napalingon lingon siya sa paligid, parang may hinahanap. Nang masiguradong wala siyang nakita ay bumaling siya ulit sa akin, "Thank you, Mr!" ngumiti pa siya ng tipid ay hinawakan ang magkabilang balikat ko saka siya nagmamadaling umalis.
Naiwan tuloy ako na nakatayo doon. Gulong gulo sa kung ano man ang nangyari. Sinundan ko pa siya ng tingin habang papalabas siya sa restaurant.
Okay?
What was that for?
—

BINABASA MO ANG
Engineering and Everything in Between I: Keanu
RomanceEngineering Series #1 Keanu Mendoza is a 3rd year Civil Engineering and the eldest child in an Asian family. Ideally, he has to graduate on time and help his family. Along the way of struggling with balancing his time, family, and college in general...