Sa gitna ng gabi, maririnig ang pagsabog at sigaw ng mga tao. Ang kalansing ng kanilang mga espada at ang lumilipad na mga pana. Ang nagtatakbuhang mga tao upang lumayo sa kagulohan.
Walang gustong sumuko. Walang gustong magpatalo.
Sa isang banda, tumatakbo ang isang batang babae sa gitna ng madilim na gubat. Puno ng sugat ang braso at binti nito dahil sa mga sangang tumatama sa kanya at ang minsang pagkadapa niya. Umiiyak ito at palingon-lingon sa kagulohan.
Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang magtago. 'Yun ang sabi ng kanyang mga magulang. Hindi siya dapat makuha ng mga kaaway.
Malakas ang hampas ng hangin at dinadala ang puting bestida niya na madumi. Sumasayaw ang mahaba at itim niyang buhok sa kanyang likod. Maraming sugat ang nakayapak niyang paa. At ang itim na itim niyang mata na puno ng takot at luha.
Sa itaas ng langit ay ang bilog na bilog at ang nagliliwanag na buwan. Walang kahit na ano'ng bituin na makikita na tila sinasabing may nangyayaring masama. At sa bawat takbo ng batang babae, nakasunod ang buwan. Binibigyan ng ilaw ang dinadaanan.
Nadapa ito nang sumabog ng malakas ang pinanggalingan niya. Mas lalo itong naiyak habang inaalala ang mga magulang.
Muli itong tumayo kahit nanginginig ang tuhod. Pinunasan niya ang mga luha at muling tumakbo. Hindi niya alam kung saan dapat pupunta. Ngunit ang tanging alam niya'y makalayo sa mga taong gustong kumuha sa kanya.
Sa kabilang banda, masayang tumatakbo ang isang batang lalaki dahil sa wakas ay nakatakas siya sa kanilang palasyo. Palagi siyang kinukulong sa kanyang kwarto at pinag-aaral kaya gustong niyang makalaro na hindi naman niya magawa dahil hindi siya pinapayagan. At ngayon nga'y hindi siya pinalabas sa kanyang kwarto at binilinan na wag na wag lalabas.
Ang alam niya'y umalis ang kanyang mga magulang dahil sa mahalagang pupuntahan. Mabuti nga't nakalabas siya sa palasyo dahil kaunti lamang ang mga kawal at mga bantay niya. Nakakapagtaka ngunit pinagsawalangbahala niya.
YOU ARE READING
Entangled Strings
FanfictionA hero and a villain Their fate is written Yet destiny love games The story is now ruined With a twist of fate The hero fell asleep The villain is cursed What the ending would be?