Ms. Poor Girl Accidentally Inlove with Mr. Rich Boy

324 4 0
                                    

Third Person's POV (meaning this is Author's POV)

*FLASHBACK*.....

...."10 years ago"....

Masaya sila Timi noon kasama ang kanyang Nanay at Tatay. Para ngang abot hanggang langit ang kasiyahan ni Timi ng kasama pa niya ang tatay niya.

"Tatay mahal na mahal kita. Tay salamat po sa mga binibigay niyo po sa akin at kay Nanay. Salamat tatay! I love you po." sabi ni Timi.

"Halika nga dito. Mahal na mahal rin kita anak. Ikaw ang pinakamagandang regalong natangap namin ng nanay mo." sabi naman nung Tatay niya na si Tatay Fernando.

"Halika na nga kayong magama at kakain na." sabi naman ng nanay ni Mimi.

"Wow! Nanay ang sarap naman ng ulam natin. Hotdog at pritong isda. Ang sarap sarap Nanay!!" tuwang- tuwang sabi ni Timi habang kumakain.

"Sige Nak kain ka lang ng kain para may lakas ka sa pagpasok mo sa school." sabi ng Nanay ni Timi sa kanya.

Nagaaral pa noon si Timi sa school. Grade 1 noon siya. Napakasipag niyang magaral at nang makatapos siya ng pagaaral at nang makapagtrabaho. Mataas ang pangarap ni Timi noon kaya nagsumikap siya. Matalinong bata rin si Timi.

NGUNIT...

ISANG ARAW...
.
.
.

Nagmall ang pamilya ni Timi noon. Pinamili siya ng mga laruan at mga school supplies. Ganoon na lang ang labis niyang pagkatuwa sa mga natanggap niya.

Pero...

Napalitan iyon ng kalungkutan at kapighatian ng iniwan ng Tatay ni Timi ang Nanay niya at siya habang tumitingin ng mga damit.

"Nak, Ma, magccr muna ako." pagsasabi ng Tatay ni Timi.

"Sige. Hintayin ka namin dun sa may exit ng mall." sabi ng Nanay ni Mimi.

"Sige." sabi niya sabay pumunta sa cr.

Naghintay sina Timi at ang kanyang Nanay sa labas. Maglalagpas dalawang oras na at hindi pa ito bumabalik.

Natakot at naalarma na ang Nanay ni Timi at naiirita

"Nay saan na po si Tatay? Ang tagal naman po niya magcr." sabi ni Timi na kanina pa naiiritang naghihintay sa kanyang tatay.

"Ehh baka nak may pinuntahan lang ang tatay mo. Hintayin lang natin." pagpapaliwanag naman ng Nanay ni Timi sa kanya.

Magagabi na pero wala pa rin ang Tatay ni Timi. Medyo kinabahan na rin ang nanay ni Timi.

"Tara na nak. Uwi na tayo. Magsasara na ang mall." sabi nang Nanay ni Timi sa kanya.

"Ehh si Tatay nay, saan na po? Hindi po ba natin siya hihintayin?" nagtatakang tanong ni Timi.

"Sa bahay na lang natin hintayin ang tatay mo. Baka may pinuntahan lang siya." sabi nito sa anak niya.

Mag-uumaga na at hindi pa rin nakakauwi ang tatay niya
Dun na lang napagtanto ng Nanay ni Timi na iniwan sila ng Tatay ni Timi.
Ipinaliwanag na rin ito ng Nanay ni Timi.

"Nak iniwan na tayo ng tatay mo. Hindi na tayo babalikan. Naiintindihan mo ba yun?!!" pagpapaliwanag ng Nanay ni Timi.

Pero hindi pa rin ito matangap tangap ni Timi.

"Hindi Nay, babalikan tayo ni Tatay. Hindi niya tayo pwedeng iwanan. Diba mahal niya tayo??! Ehh bakit nya tayo iniwan Nay?!!?" galit at naiiyak at naguguluhang sabi ni Timi.

Dahil doon, nabaon sa utang ang pamilya ni Timi.

*END OF FLASHBACK*.....

Hanggang ngayun hindi pa rin matangap ni Timi ang nakaraan at ang pagkawala ng tatay niya.

Merong nagsasabi sa kalahting pagkatao ni Timi na "nasaan na si Tatay?? Babalikan pa niya tayo! Hindi niya tayo iiwan."at ang kalahti naman na nagsasabing "wala na akong tatay. Kailangan ko nang kalimutan siya at huwag na lang siyang intindihin dahil sakit siya sa ulo ko."

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ms. Poor Girl Accidentally Inlove with Mr. Rich Boy 🎉
Ms. Poor Girl Accidentally Inlove with Mr. Rich BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon