VAMPIRE'S LAST ROYALTY
BY: -ASTRIANNACHAPTER ONE: OTHER WORLD
"The Vampire World"
' -You will never know until you already saw what's behind this mysterious bloody place '
-Kenji FurukawaCANDERIES IMAGI EMERSTINE
POINT OF VIEW.Nanginginig na Umahon ako sa Tubig. Pagkaapak ko sa Buhangin ay Mabilis akong napasalampak dahil sa pagod.
Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko pati na din ang pagod sa paglangoy papunta dito sa dalampasigan. Sunod-sunod na huminga ako ng Malalim at dahan-dahang binuksan ang mata ko.
'Damn it..'
Napabalikwas ako ng Higa, Na agad kong pinagsisihan dahil napuwing ata ang mata ko sa Buhangin.
Dali-dali akong pumunta sa May dagat at hinugasan ang kamay ko bago kinusot ang mata ko.
Nang matapos ay Tumingala ulit ako sa langit. Dahan-dahan akong napaupo ng makita ko ang kaperpektohan nito. Ang perpektong hugis na parang Isang scythe.
Napabuntong-hininga ako. Wala akong maalala kung nasaan ako bukod na lang siguro sa Itinulak ako ni.. Hansol.
'Si Hansol!'
Tama. Siya ang may kasalanan nito! Napatiim ako at matalim na binato ang naligaw na shell sa tabi ko pabalik sa dagat.
Tumayo ako at bahagyang pinagpagan ang uniform ko na suot ko pa din hanggang ngayon.
Lumingon ako para makita ang Isang lalake na nakasandal sa gilid ng puno habang Humihithit ng Sigarilyo.
Kahit malayo siya at madilim na ay hindi ko pa din Mapagkakaila na gwapo ito at may kakaibang aura siya na hindi ko malaman.
Nagulat ako ng mapalingon ito sa akin at ngumisi. Itinapon niya ang sigarilyo at tinapakan ito bago kalmadong naglakad papalapit sa akin.
" Who are you? " kunot noong tanong ko dito pero Tumayo lang ito sa harapan ko at nagkibit-balikat. " Guardian "
Muntikan na akong magpagulong-gulong dahil sa sagot nito. 'Guardian? Nagbibiro ba siya? Anong akala niya sakin? Bata?'
Oo. Alam ko namang bata pa ako, a teenager to be exact pero Hindi ko na kailangan pa ng Guardian na sinasabi niya. I can handle myself.
" nagpapatawa ka ba? Who do you think you are para sabihin na ikaw ang Guardian ko? "
" I am Kenji Furukawa " pakilala nito as he shrugged his shoulders.
" I dont know who the hell you are, I don't fucking care and I don't give a damn "
Nagsimula na akong maglakad papaalis dahil Una sa lahat, ayokong mastuck sa lalakeng nagngangalang Kenji na nagsasabing Guardian ko daw siya.
Hindi pa man ako nakalalagpas ng tuluyan ng mahigpit niyang hawakan ang braso ko.
" Really? " natatawang tanong nito sa akin. Pilit kong itinanggal sa pagkakahawak niya ang kamay nito at sinamaan siya ng tingin ng hindi ko mapagtagumpayang makawala dito.
" Hansol. He's the one who send you here right? and yeah, he is also the one who gave me the permission to be your Guardian " nakangising sabi nito sakin kaya napanganga ako.
BINABASA MO ANG
Vampire's Last Royalty
VampiriUNDER HEAVY REVISION. "You can fool the naked eyes but not your heart, body and mind" 04|25|15 -Astrianna 04|27|15