: kabanata 1

1 1 0
                                    

I woke up the feeling of sun rays on my skin, slowly I opened my eyes. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kong nasaan ako. It has comfortable bed, everything is not made of wood, mode like flushing stones like jade and such(s).

Umupo ako sa pagkakahiga at inilibot ang paningin sa paligid, the last memory I remember is the lake where I passed out. Habang nag iisip ako kung nasaan ako ay sakto naman bumukas ang pinto, napunta doon ang atensyon ko. Naroon ang malamig na mukha ni Zaldon, na may dalang kahoy na tray na may lamang pagkain. Napalunok ako dahil masasarap ang amoy ng pagkain dahilan mas takamin ako.

Hinayaan kong makalapit ang diyos ng kamatayan. Hindi ako makapaniwala, dahil ito ang diyos ng kamatayan pero ngayon ay may dala itong pagkain na siyang halata namang ipapakain sa akin. Sa halip na panindigan ang pagiging diyos ng kamatayan nito ay parang pinapakain ako nito para mabuhay.

Hindi ko alam kong nasa tamang isip pa ba ito.

Tumikhim muna ako bago nag salita, “so, binibigyan mo rin ng pagkain ang mga alay na tulad ko?”

Baka kasi fan ito ng last supper. Malay mo diba?

Nangunot ang noo nito halatang ayaw sa tanong ko, pero napakakisig parin ng diyos ng kamatayan kahit papaano.

“I told you, they did the moment they're near me. Be thankful your body is weird enough to survive. Baka nga hindi ka tao, humans don't have the ability to be alive near me. They die, unknowingly.” Sabi nito na siyang kinalunok ko, tamad naman nitong inilagay ang tray sa harap ko dahilan mapangiti ako ng kunti. My Mom never missed my food, I mostly stayed in my room because of the trauma I suffered I couldn't handle gazes.

“B-Bakit ako hindi...?” Naguguluhan kong tanong rito, his blank expressionless face broke through a sighed before returning his gaze to mine.

“The truth is, hindi ko alam.” Nakatingin lamang ako rito sa amber na mata nito, napakaganda non, parang dilaw at ginto na pinaghalo, hindi ko akalain ganito ka kaganda ang mata ng diyos ng kamatayan na kinakatakutan ng lahat. Akala ko ay bayulente ang diyos ng kamatayan o pumapatay ito dahil gusto nito. Kusa lang palang namamatay ang tao kapag malapit ito sa kawatan nito o sa presensya nito.

“Hindi ba pwedi mag pasalamat ka nalang na hindi ka pa namamatay?” Asik nito sa akin, naiinis pa nitong sinuklay ang buhok nito. Napanguso ako at iniwas ang tingin sa mata nito. Mainitin naman ang ulo ng lalaking 'to.

“And stop pouting,” mabilis na saway nito sa akin, nangunot ang noo ko.

“Nakakamatay ba?” Inosente kong tanong, e, kailangan ko mag tanong baka mamatay nalang ako bigla dahil ngumuso ako! Nalukot ang gwapong mukha nito, dahil siguro sa naging tanong ko. Nakakairita ba ako? Hindi naman siguro diba? Curious ko kaya.

“Fuck woman, stop asking question just eat.” Naiinis nitong sabi at tinulak ang tray ng pagkain sa hita ko. I just nodded and let my question slide, pero itatanong ko rin iyon mamaya. Humanda siya. Iniwan ako nito mag-isa sa silid, nang matapos akong kumain ay iniligpit ko ang kinainan ganon na rin ang kama na hinigaan ko.

Lumabas ako, sa totoo lang napakalaking tao si Zalndon kumpara sa normal na laki ng tao, siguro ay given na iyon sa kaniya lalo na't hindi naman ito tao. Titan? Tama, pasa ito sa pangalang titan. Napakatangkad at laki nito kumpara sa akin.

Buti ay naabot ko pa ang doorknob, nang makalabas ako, namangha pa ako sa labas na parte ng silid, mayroon itong simpleng kagamitan na wala sa amin, mukhang mahiwaga, ginto at berde ang nakikita ko. Napakaganda ng mga bagay sa loob ng bahay na ito.

“Wow...” mahinang sabi ko, iginiya ko ang sarili kung saan, hinahanap ko ang kusina nito na siyang madali ko naman nahanap. Sa totoo lang ay napalayo ng kesame nito kaysa sa bahay namin, halos hindi ko talaga maabot, napangiwi na lamang ako lalo na't malaki ang ilang bagay na narito, halatang malaking tao ang naninirahan. I mean, hindi siya tao, kundi diyos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

deep underWhere stories live. Discover now