Pinatay ko agad ang alarm clock ko nang magising ako. At as usual, hindi agad ako bumangon sa kama ko dahil tinatamad pa ako. I really hate waking up in the morning, gusto ko yung kusa akong magigising kase hindi na ako inaantok. Hindi yung kailangan mo pang mag alarm para magising ka. I don't know, hindi naman ito ang first day of school para magreklamo pa ako , hindi lang talaga ako sanay gumising ng maaga.
The first thing I do in the morning is to check my phone, wala akong pake kung masilaw ako at isang mata lang ang pangbasa ko. Pero agad na tumaas ang kilay ko sa nakita ko "Sinu 'to?" I asked myself.
"I'm breaking up with you, babe."
The last time I checked, eh wala naman akong boyfriend pero may nakikipag break sakin? Hahahaha funny! At isa pa, makikipag break na nga lang sweet parin? May babe pa? At isa pa ulet, makikipag break na nga lang, sa text pa?
"Sira ulo ata 'to eh."
Hindi ko na pinansin pa dahil baka may nangtitrip lang saken. Kinuha ko yung charger ko sa may cabinet malapit saken para sana i-charge ang phone ko pero may nagtext ulet.
"Sorry about that, let's talk about us. 10 AM sa starbucks malapit sa Lincoln's University. Ingat!"
"Sa gilid pa talaga ng school kung san ako nag aaral ha? Engot ata 'to eh."
Nag compose ako ng message para replyan yung nagtext saken.
"I don't know who you are, but I will find you and I will kill you. Wag kang mangtrip, leche!!!"
Message not sent!
Napangiwi ako. Ako na walang load!
I scoop my hair into a ponytail and headed to the bathroom.
After an hour bumaba na ako para kumain ng breakfast. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan na nakapatong sa table kasama ang telepono.
Meron pa akong ng one hour bago magsimula ang first class ko which is 10:30. Puntahan ko kaya?
"Ma, alis na po ako."
"Sige anak, Ingat."
"Pa, alis na po ako. Wag niyo na po akong ihatid, ako nalang po ang mag dadrive."
"O'sya sige mag-iingat ka."
Nang makarating ako sa kotse ng papa ko ay agad akong tumungo sa Ministop at nagpaload. Tinext ko rin yung nagtext saken.
Nakaka curious naman kase diba!
"Where are you?"
Naghintay ako ng reply na agad din namang dumating.
"I'm already here."
OH MY GOSH!
Hindi na ako nagreply at pumunta nalang ako sa starbucks malapit sa school namin. Nang makarating ako ay ayoko pa sanang bumaba, pero 10:02 palang eh.
ugh!
Nang makapasok ako ay hindi ko iginala ang paningin ko dahil baka may nakatingin rin saken. Naghanap agad ako ng bakanteng upuan at umupo doon. Isinilent ko rin ang phone ko dahil mahirap na kapag tumawag yung nagtext saken at mabisto ako.
Nag dial ako sa loob ng bag ko at doon tinawagan ang nagtext saken. Habang nagriring ay unti unti ko ng iginagala ako paningin ko para makita kung sino ang sasagot.
Nakakakaba naman 'to! Syet!
"Ang tagal namang sagutin." I whispered.
Papatayin ko na sana pero yung lalakeng nakaupo sa harap ko ay biglang nagsalita!
"Hello, babe? Where are you?"
Tiningnan ko ang cellphone ko at hindi na ito nag didial pa. "Babe?" Ashley?" sabi pa ng lalake.
Nakatikom ang bibig ko habang nakatitig sa kaharap ko. Should I end the call or nah? Anung gagawin ko? Sabihin kong ang tanga nya kase na wrong sent sya? Sa sobrang kaba ko ay pinatay ko nalang ang tawag. Hindi pa nakakatagal ay nakatanggap ako ng text.
"Babe, tawagan mo ulet ako para alam ko kung may hinihintay ba ako."
Nang mabasa ko ang text nya ay agad akong tumayo at pumunta sa harap niya. Kita ko ang pagtataka sa itsura nya dahil sa ginawa ko.
"Do you need anything?" He asked.
I just stared at him.
"Miss?" He asked again.
Oh my gosh! Bakit ako tumayo?