Paglisan

12 0 0
                                    


Araw na ng pamamaalam kay Don Juancho. Lahat ng mga tauhan ng pamilya ay linya.Sumakay ang lahat ng mga apo at mga anak kasama kami sa coster. Bago nilagak ang labi nagsalita ang unang anak at nagbigay ng mensahe sa kanilang ama. Bago matapos ang libing bumuhos ang lakas ng ulan at doon ko nakita at naramdaman ang lungkot ng bawat tauhan anak at apo ni Don Juancho. Lahat ay tahimik ng pasakay sa coster. Kinabukasan Alas sais ng umaga at naisipan kong magkape. Paglabas ko sa Veranda. Nakita ko sa malayo si Miguel nakikipagharutan sa kanilang aso na german shepherd. Hindi ko napansin asa likod ko na sa Cami at nagreact sa aking tinititigan. Lucy ganda ng tinitignan natin dyan ah. Ano lumamig na kape mo. Agad ko naman itong sinabihan na, hindi ah doon lang ako sa aso natutuwa. Tignan mo parang walang nangyari sa paligid. Mga alas otso na ng umaga ng dumating ang taga pamahala ng mga Dela Cruz. Ms. Lucy kayo po ay pinapupunta po ni Ms. Connie sa Main house po. Ako'y sumunod sa kanilang katiwala. Nakarating kami sa library nila at kinausap ni Ms. Con. Magandang umaga Lucia, kamusta ang iyong tulog. Sumagot ako, masarap maam nakakarelax po. Mabuti naman. Mapunta na tayo sa paguusapan. Naikwento ka kasi ni Papa sa amin. Tuwing umaga daw ay nakakasabay ka niya sa elevator at nakita din niya kung paano ka naging Assistant Manager. Kami ay natutuwa at meron empleyado na kasing sipag ng aking ama. Kaya naman ooferan ka namin ng trabaho dito.

Pwede ko po kaya pagisipan ito Ms. Con? Sagot ko sa kanyang tanong. Cge Hija bigyan kita ng 3 araw para mapagisipan. Inutusan ko pala pumunta si Miguel sa Pagudpud para magreserve kung gugustuhin mo sumabay ka patungo sa inyo nasabi kasi sa akin ni Alex na taga dito ka din. Baka makatulong din pamilya mo para makapagisip sa aking prinopose. Habang palabas ako nasalubong ko si Sir Miguel bigla niya akong kinausap at nagabiso. Lucy right? Yes Sir ang sagot ko. Sasabay ka daw sa akin. Yes po sir. okay intayin kita sa harap ng cottage ninyo. Salamat po Paglabas ko sa aming cottage. Nakaabang si Sir miguel sa harap ng kanyang sasakyan. Asa Isip ko ay kay gwapo naman nito. Pero syempre nagwapuhan lang ako sa itsura nito na naka White Shirt baseball Cap at shorts ito. Habang kami ay nagbabaybay tumunog sa sasakyan nya ang kantang kings and queens ng thirty second mars. hindi ko akalain kakanta at sasabayan niya eto. hangang sa nakarating na kami sa aming lugar. Nagulat ang aking ama at nakita na bumaba ako sa sakyan tinulungan ako sa aking gamit. 

Kinagabihan pagtapos naming kumain akoy nagtungo sa maliit na hardin ng aking ama at humihigop ng tsaa. Nagulat ang aking Ama at andun ako nakatambay. Anak andito ka pala. sagot ko Opo dad nagiisip ako inofferan po kasi ako ng anak ng boss namin na namatay. Anong trabaho anak. Mamahala daw dad sa mga documentation pagimprove ng media para makilala ulet ang Hacienda Emilia. Sagot sa akin ng aking ama. Nasa iyo yan anak. Okay din naman mas malapit kana sa amin.Presko ang hangin dito.  O sha pasok na ako sumunod kana din at mahamugan ka baka sipunin ka diyan. Opo dad tapusin ko lang ito. Good night po.









LuciaWhere stories live. Discover now