UNANG YUGTO

7 2 0
                                    

Makulimlim ang kalangitan habang binabagtas ko ang madamong daan patungo sa tagong parte ng biyateryong aking tinutuluyan. Nasa unang lingo palamang ako noon simula nang ako'y pumasok dito nang matagpuan ko ang lugar na ito. Simula noon ay parati na akong dumadalaw rito tuwing bukang liwayway, bago pa man sumikat ang haring araw. Sa halos tatlong taon kong pamamalagi rito ay ito na ang nag mistulang pampalipas ko ng oras upang maibsan ang lumbay na nararamdaman na makita at makapiling muli ang aking pamilya.

Ang parte na ito ay tila isang abandunadong hardin. Napabayaan na ang lugar na ito base sa mga nag tutubuang ligaw na halaman, gayun din ang mga halamang napabayaan nalang gumapang sa mataas na pader. Gayon paman ay napaka ganda parin ng nito. Mabuti nalamang at mayroong mauupuan dito, iyon ay ang putol na puno ng nara. Makapal na baro't saya ang aking suot, kasing kulay ng gatas ang pang itaas at ang mahaba kong saya ay kakulay ng mayamang lupa ngunit dama ko parin ang pag dampi ng malamig na hangin dala ng makapal na hamog sa aking nakalantad na balat sa braso at pisnge.

Nasa malalim at payapa akong muni-muni nang marinig ang pag kalembang ng kampana. Nag papahiwatig na malapit na mag umpisa ang unang padasal sa kombento bawat umaga. Kailangan ko nang umalis dito at bumalik doon upang sumama sa pag dadasal. Sa huling pagkakataon ay inilibot ko ang tingin sa buong lugar bago napag pasyahang ihakbang ang aking mga paa papalayo. Tila umayon sa akin ang pagkakataon sapagkat walang katao-tao sa dinadaanan kong pasilyo. Nakakagaan din sa loob ang mga awit ng ibon na namamahay sa mga puno ng nara na nag kalat sa biyateryo. Ang matamis na samyo ng hangin na syang mas lalo pang nakadagdag sa hatid nitong hiwaga.

" Magandang umaga po, Madre Rosana."-mahinhin na pag bati ko.

Isang malumanay na ngiti naman ang ganti ng punong madre sa aking pag bati. Hindi pa ganoon ka rami ang mga kababaihan sa loob ng maliit na kapilya, isa-isang nag sisidatingan ang iba sa pag lipas ng bawat sigundo. Hindi nag tagal at nag umpisa na ang oras ng dasal.

" Boning, nais mo bang sumabay sa aming mag burda sa may hardin?"-nakangiting pag-aanyaya ni Lolita. Isa sa mga malalapit kong kaibigan dito sa biyateryo.

" Ipamalas mo ang iyong talento sa bag buburda, Bonifacia. Kung maaari ay iyo ring ituro sa amin ang iba mo pang nalalaman sa pananahi."-dagdag pa ni Isabel at ikinawit ang mga braso sa akin.

Akoy mahinang napa halikhik sa kanila. Katatapos lang naming mag dasal, hindi lang din ganoon ka tagal mag mula nang umalis si Madre Rosana nang malamang may mga liham na dumating.

" Masyado nyo namang pinapalaki ang ulo ko, mga binibini."

Akmang magsasalita pa sana ang dalawa nang bigla namang humahangos patungo sa direksyon naming ang isang dalagitang serbidora ng biyateryo. Tila galing pa ito sa pag akyat panaog at hingal na hingal habang naglalakad bitbit ang isang sobre.

" Binibining Bonifacia, may liham ho kayo galing sa inyong Ama."-anito sabay pag abot sa akin nito.

Nag pasalamat muna ako bago tinanggap ang nasabing liham. Bagamat hindi ito ang unang beses na makatanggap ako ng liham galing sa aking pamilya, ito naman ang unang beses na nakatanggap ako ng liham galing sa aking Ama. Tuloy ay hindi ko maiwasang makaramdam ng samot-saring emosyon. Kadalasan ay ang aking ina ang nagpapadala sa akin ng liham, naiintindihan kong abala ang aking ama bilang isang Heneral sa aming bayan.

Para sa aking panganay at pinakamamahal na anak, Bonifacia.

           Anak ko, kamusta na ang iyong kalagayan diyan sa biyateryo? Ikaw bay kumakain sa tamang oras? Ipinapanalangin naming ng iyong Ina at mga Kapatid na naway maayos ka riyan at hindi nagkakasakit. Pag pasensyahan mo na kung ngayon lamang ako nakapag hatid ng liham sa iyo. Batid kong ikay nalulumbay na at nais kaming makapiling. Kaya naman sa araw na matanggap mo ang liham na ito, magiliw kong pinapabatid sayo na tayo'y magkakasama nang muli. Ikaw ay uuwi na kasabay ng pag daraos ng isang selebrasyon dito sa ating bayan. Aabangan ko ang iyong pagbabalik, nasisiguro kong ikay lumaking marikit at kaibig-ibig kagaya ng iyong Ina. Magiingat ka sa iyong paglalakbay, hija.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hasta Que La Muerte Nos SepareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon