Meeting him

335 10 2
                                    

Chapter 3! Hahahaha ENJOY!!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Princess' P.O.V.

Ayos na ako. Ang suot ko ay pants, blue t-shirt, at Vans. Kailangan ko na lang si Chaleene. Tinawagan ko siya.

*Ring Ring Ring*

C-Hello?

P-Uy ano ayos ka na ba?

C-Ah oo! Ano kita kits na lang sa Starbucks?

P-Geh! Bye!

C- Bye!

*end of conversation*

Yes! Finally! Makikita ko na si Daniel Padilla! OMG!

Chaleene's P.O.V.

Ang suot ko ay pants, green t-shirt na may malaking heart sa gitna at converse.

Kakatawag lang sa akin ni Ces. Ready na daw siya. Sa starbucks na lang daw.

"Chaleene! Halika na!" Sabi ni mommy

"Opo!" Sabi ko

Pagkababa ko takbo agad ako sa sasakyan.

Makikita ko na si Daniel Padilla!

"Iiwanan ko na kayo dun ha?"

"Opo mommy!"

Text mo nalang ako pag pauwi na kayo."

"Ok!"

*SM Calamba, Starbucks*

"Ces!"sigaw ko

"Cha!"sigaw ni ces

"Ano? Ikot ikot muna tayo?"tanong ko kay ces

"Sige! Saan muna?"sabi niya

"Kahit saan para may libangan tayo habang nagiintay."sabi ko

"Ok pero bago yun. Dalawa nga pong Peppermint Mocha" sabi ni ces.

Ilalabas ko na sana yung pera ko biglang

"Hindi treat ko na." Sabi ni ces

"Sure ka?" Sabi ko

"Oo. Ako nang bahala" sabi niya

Kinuha na namin yung Starbucks namin. Nagikot ikot kami sa Dept Store. Sa mga damit.

*2 hours later*

"Ces halika na! Baka mawalan tayo ng upuan!" Sabi ko kay ces

"Ay oo nga! Halika na!"sabi niya.

Tumakbo kami kung saan maramirami na ang mga tao. Buti nalang umabot pa kami sa third row.

"Hahahahaha! Yes! Malapit tayo kay Daniel!" Sabi ko ng patigil tigil kasi hapong hapo na kami kakatakbo.

"Ready mo na camera mo! Bilis!" Sabi ni ces

"Ok" sabay hanap ng camera ko sa bag."Ito na"

"Ito na rin akin" sabi niya.

*45 minutes later*

"Ano ba yan ang tagal eh!" Sabi ni ces

"Oo nga eh. Siguro nandyan na yun. Hintayin na-"

Biglang nagiritan na yung mga tao. Ih! Nakakabingi naman!

Nakita ko yung isang pamilyar na lalaki... si Daniel Padilla.

"OH MY GOD! OH MY GOD! OH MY GOOOOOOOD!!!!!!!!" Sigaw namin ni ces.

"Hello po!" Sabi ni Daniel habang paakyat ng stage

Pinicturan agad namin ng pinicturan habang nairit. Bakit ba? Ang pogi eh!

Nagsimula na siyang kumanta ng 'Hinahanap hanap kita'

'Prinsesa'

Nasayo na ang lahat'

At iba pa.

*3 hours later*

"Salamat po sa inyong lahat! Bye!" Sabi ni Daniel habang pababa ng stage.

"Ayy, tapos na!!! Bye Daniel!!! I Love you!!!" Sabi ko.

"I love you!!!" Sabi ni ces."Cha, uy! Tingnan mo nag papapicture at autograph sila! Taraaaaa!!!"

"Oo nga taralets!!!!"sabi ko.

Tumakbo kami dun. Panghuli kami sa pila... Pero ok lang yun atleast makikita namin si Daniel ng malapitan. Yay! Excited na ako!!!

Daniel's P.O.V.

Habang nakanta ako sa stage, may isang babae dun na sobrang ganda! As in sobra! I can't take my eyes off of her! Nakakabaliw!

Gusto ko siyang makilala mamaya.

-

Pagbaba ko ng stage nagpilahan agad ang mga babae, at nakita ko siyang pumila.

Yes!!!

-

Ayan na siya. Hooo! Kaya mo yan, Daniel kaya mo yan.

"Hi" sabi ko ng nakangiti

"Hello" sabi niya. Ang cute niya!"Pwedeng papicture?"

"Oo naman"sabi ko.

"Um ano nga palang pangalan mo?"

"Um Chaleene but Cha for short"

Inakbayan ko siya habang nagpapapicture... ang bango niya grabe! Amoy strawberry! Ang bango! Gusto ko nalang siyang amuyin!

Nagpaautograph din siya. Pero bago siya umalis

Hinawakan ko yung kamay niya at sinabing

"Pwede bang makuha number mo?"tanong ko at nagmamakaawang sabihin niya na oo

Nagblush siya. Ang kyoooooot! "Umm..." please please please. "Ok"

Yeeeeeeeesssssss!

"Akin na phone mo eto phone ko" nagpalitan kami ng number

"Daniel? Pwedeng ako din?" Tanong nung babaeng katabi niya

"Sure! Anong pangalan mo?" Tanong ko

"Princess. But Ces for short"sabi niya

"Ok." Nung tapos na kaming magpalitan ng mga numbers. Binulungan ko si Chaleene at sinabing "Text or tawagan kita mamaya" sabi ko.

"Umm sure!" Sabi niya. Kyut.

"Bye!" Sabi nila.

"Bye!" Sabi ko

Princess' P.O.V

OMG! Di lang kami nagpapicture kung hindi may number pa!

God! Help!!!! Di ko kaya!!!

Chaleene's P.O.V.

Hay nako... BINIGYAN AKO NI DANIEL JOHN FORD ESTRADA PADILLA NG NUMBER NIYA!

Di ako OK!!! Grabe nakakakilig!!!

Naaadik na talaga ako sa kanya!

*sa bahay*

Di ko na talaga kaya. Kaya natulog na lang ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tell me what you think.

Fan, vote or comment!

Yay! Long chapter! Try kong magupdate agad agad!

Try ko talaga!

-Louise/Elise

Tadhana (Daniel Padilla Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon