February 16, 2013-8:54AM-12:50PM
Dedicated to: Ms. Alesana Marie, nag-iisang IDOL ko actually haha xD. Dahil sa kanya nakilala ko si Timmy at Sammy :)... Marami akong Idol pero iba talaga siya haha :D.. Thank you for inspiring us Ms. Ales :)..
____________________________________________________________
GroupMessage (GM)
Nicole's POV
Bakit ba ang sungit sungit niya.. Magpapadaan lang naman ng GM akala mo kung sinong lagi kung kinukulit. Psh! Bakit siya lang ba pinapadaanan ko? Nakakainis! Napakasuplado >.<
"Oh bakit nakabusangot ang mukha ng magandang babaeng to?" Napalingon ako sa umakbay sakin si Jonas. Isa sa mga close friend ko.
"Wala! Nababadtrip lang ako kay Lance. Ang arte arte!" Sabi ko habang nakapout.
"Bakit naman? Ano na naman bang ginawa mo ha Nicole?" Pang-aasar sakin ni Jonas. Nilingon ko siya at marahang tinanggal ang pagkakaakbay sakin.
"None of your business! Dyan kana nga!" Sigaw ko sa kanya at iniwan siya don.. Aga-aga naman kasi talaga..
***************
Pagdating ko sa next subject ko. Nakita ko agad si Lance sa may bandang likuran, nag-iisa! Classmate konga pala siya dito. Late na pala ako, at wala ng iba pang vacant seat kundi yung nasa tabi niya.. Pag nga naman minamalas oh..
"Ms. Fuentes.." Napalingon ako sa prof ko. Tinaasan ako ng kilay, at dun ko lang napagtanto na lahat pala ng classmates ko nakatingin sakin, including him. Ngunit ng tumingin naman ako sa kanya, agad niyang binawi ang tingin sakin. Blocksection kami. So what do I expect? Classmate ko talaga siya.. Tourism ang course namin!
Si Lance Yael Herradura, isa sa pinakagwapong studyante dito sa University nato. Madami akong kaagaw sa kanya, yeah right. Crush ko siya, actually hindi nga lang ata basta simpleng pagka-crush tong nararamdaman ko sa kanya. Pakiramdam ko Mahal ko na siya.
Pagkaupo ko sa tabi ni Lance. Hindi niya ako nililingon, siguro dahil awkward narin sa pagitan namin or galit padin siya sakin..
"No GMs. Please!" Bulong ng katabi ko. Paglingon ko sa kanya darecho parin naman siyang nakatingin sa prof namin na nagdidiscuss sa unahan. Alam ko naman na ako ang sinasabihan niya non.
"Sorry.." Bulong ko din. Alam ko namang makulit ako sa GM. Mayat-maya ay magsesend ako ng groupmessage na walang kakwenta kwenta.
Katulad ng pagbati ko ng "Gudmorning. Have a nice day!" "Gud afternoon, eat your lunch. Dont skip." o kaya naman. "Gud evening. Eat your dinner. Take care :)." Mga ganung bagay ba. Ang haba kung mag-GM. Pero yan nalang ang sinabi ko.. Kasi sa GM ko! May message din ako na pinatatamaan ko siya.. Minsan nga, hindi ko alam kung tama batong ginagawa ko. Dahil ang totoo, ang GM na sinasabi ko, sa kanya ko lang isinesend.
BINABASA MO ANG
Group Message (One-Shot)
Teen FictionTrue story? Somehow! :).. Please vote and leave your comment.