Airport
It's been 5 years since the last time na nalanghap ko ang hangin ng Pilipinas, pero hindi na tulad noong ako'y umalis dito sa bansa, ako'y umalis ng mag-isa at ngayon naman ay may kasama na ako, which is my 4 years old baby girl.
"Baby, hold mommy okay? Kukunin ko lang ang ating mga baggage, wait for mommy okay?" Sabi ko sa aking cute na cute na baby.
"Yes mommy, Khloe will behave and will wait mommy to finish her work!" Masiglang sagot naman ng aking bibong anak.
Habang kinukuha ko ang aming mga bagahe nang nasa huling maleta na ako napansin kong wala na sa aking tabi ang aking anak, kaya naman nagmadali akong hanapin ito sa buong lugar.
"Miss excuse me, may nakita ka bang batang babae na naka purple na dress, mga ganito kalaki?" Habang minumwestra sa kanya kung gaano kalaki si Khloe.
"Ahhh... Yung batang babaeng cute?" Sagot ni ate girl na sobrang kapal ng kolorete sa mukha. "Nakita ko dun sa may bandang entrance may kausap na gwapong lalaki, mukhang tatay n'ya nga eh dahil magkamukha silang dalawa" Pagpapatuloy ng babaeng kaharap ko.
Biglang binundol ng kaba ang aking dibdib nang mapakinggan ang huling katagang sinabi ng babaeng aking kausap.
"A-ahh... Ehhh salamat miss ha" yun na lang ang sinabi ko sa babae at bigla bigla na lang tumakbo papunta sa entrance ng airport.
Lakad takbo ang aking ginawa habang dala dala ang aking dalang maleta papunta sa lugar kung nasaan ang akin anak. At nakita ko nga si Khloe na may kausap na isang lalaki na nakatalikod mula sa akin. Agad ko namang itanawag ang aking anak.
"Baby, bakit ka naman umalis sa aking tabi, you made mommy scared!" Sabi ko habang niyayakap ang aking anak at hindi alintana ang mga matang nakatingin sa aming paligid. "Don't do that again okay? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sakin!" Patuloy ko na sabi sa kanya habang nakayakap.
"Mommy sorry, I didn't mean to scare you. Umalis lang naman ako beside you because I saw a butterfly, and while I'm running I bumped into someone and he help me po, and mommy he's so handsome po!" Masayang sabi ng aking anak sa akin na animo'y kinikilig.
"Kahit na don't do that again okay, and diba sabi ko sayo don't talk or entertain a stranger?"
"Mommy I know naman po pero, he's kind naman po and pareho kami ng color ng eyes!" Bibong sabi nito.
"Eh.. basta baby....." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng may tumikhim sa aking likuran.
"Mommy! he's the handsome stranger that I'm talking about po!" Masayang sabi n'ya. "Hi mister, this is my mommy, she's pretty like me diba po?" Walang tigil na daldal ng aking anak, kaya naman lumingon na ako sa lalaking tinutukoy ni Khloe.
..........
Parang biglang tumigil ang aking buong mundo nang masilayan ko nanaman ang kanyang berdeng nakakahumaling na mata. Ang ama ng aking anak na si Governor Knight Damon Vergara De Lucca , ay ang aming kaharap ngayon.
"cough.... cough... M-maraming salamat at tinulungan mo ang aking anak" bulol at kinakabahang sabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
Habang umiigting ang panga at walang emosyong mukha lang ang sinukli ni Damon sa akin.
"Ah.. eh... U-una na kami, salamat ulit" Iyon ang aking huling sinabi bago tumalikod sa kanya dala ang aming mga bagahe at ang aking anak na nakakapit sa akin.
Pero nakakailang hakbang pa lang kami ay may isang baritonong boses ang aking napakinggan.
"Kloris..." Tawag niya sa akin, na nagdala ng kilabot sa aking katawan.
Mabagal akong lumingon sa kanya dala ng aking takot, at ng magkasalubong ang aming mga mata ay parang gusto ko na lang ulit bawiin ito dahil sa nakakapaso niyang mga titig na binibigay sa akin.
"Ihahatid ko na kayo" Maotoridad niyang sabi.
"Ahh... Sa-salamat pero hindi na, susundin kasi kami nila Itay." Sabi ko sa kanya at tumalikod na ulit at kinarga na ang aking anak sa aking bisig at bilis-bilis na pumunta sa labas.
At ng nasa may hinatayan na kami ng mga sundo dito sa labas ng airport at bigla akong napapitlag ng may nag salita sa aking likuran.
"I know that she's my daughter" panimula n'yang sabi sakin sa may bandang tainga kaya naman para akong naestatwa. "Five years is enough for hiding from me mi amor, ngayong nagkita na ulit tayo I will not fucking let you to run away from me again lalong lalo na't may anak na tayo." Mabibigat ang mga salitang binibitawan niya ngayon.
"Pinagbigyan na kita ng ilang taon, at ngayon ay hindi na, kahit saang lupalop ka man pumunta ay mahahanap at mahahanap kita by hook or by crook, because you are fucking mine, mine alone, you get that mi amor?" Madiing sabi niya sa akin bago ako patakan ng tatlong magagaang halik sa aking leeg bago pumunta sa aking harapan.
Nang makita ko ang mukha nito ay ang nakikita ko lang sa kanya ay ang malamig nitong ekspresyon. Lumapit ang mukha niya sa akin at pinaglapat ang aming mga labi.
Ang tagal ko ng hinahanap hanap ang kanyang malambot na labi kahit noong nasa America ako at hanggang ngayon, kaya naman hindi na ako nakaangal sa kanyang ginagawa at hindi ko na namalayang may ilang segundo ng magkalapat ang aming mga labi at ang kanya ay gumagalaw na para pang miss na miss na niya ako at sabik na sabik siya sa labi ko.
"I miss your lips, baby" sabi niya habang hinihingal at magkalapat ang aming noo.
==========
Soooo... That's the prologue of this story, I hope na you guys will support my novel, the story of Governor Damon and Kloris. I hope you'd like it! Thanks.Disclaimer!
This is my first ever book na sinusulat and I'm a first timer in writing, so don't criticize my work and don't come at me please, be kind everyone! Love love love.❤️
YOU ARE READING
I love you Mr. Governor
Romance"Pinagbigyan na kita ng ilang taon, at ngayon ay hindi na, kahit saang lupalop ka man pumunta ay mahahanap at mahahanap kita by hook or by crook, because you are fucking mine, mine alone, you get that mi amor?" Madiing sabi niya sa akin bago ako pat...