Chapter 4

147 2 1
                                    

Naging masaya ang umaga ko ikaw ba naman ang masabihan ng goodnight din.. kinilig lang naman po ako.. at eto halos araw-araw na kaming magkachat.. nga pala pauwi na kami ng isa ko pang friend si Gretchen, nakasakay na kami sa jeep ng may makita yung mata ko..

“Grets si Ken oh” sabi ko sabay turo kay Ken

“Oo nga.. gash napatingin dito” sabi niya syempre si ako biglang nagtago sa likod ng friend ko nasa may bandang estribo kami ng jeep nakasakay…

“HahaxD Mella Joke lang.. talagang nagtago pa sa likod ko” yun  lang yun ee. Lakas ng trip ng friend ko. Since may internet service naman yung cell phone ko, nag FB ako at nag message sa kanya

Ako: uwian niyo na? Nakita po kita naghihintay ng jeep.. ingat sa pag uwi:)

Yan yung sinabi ko infairness lang aa.. pahirapan magtype sa jeep pero makalipas ang ilang minutes..

Siya: ako nga yun. Yup pauwi na ko:)

Ako: “bakit parang may hinihintay ka? Girlfriend?”

Siya: wala:)

Ako: sa school wala pero sa labas ng school meron

Siya: wala din:)

Ako: sabagay, study first kasi mas marami ka pang makikilala. Kaya  ako hanggang ngayon NBSB pa rin

Siya: nainlove na rin ako dati tas niloko lang ako.. sobrang mahal ko pa naman

Ako: ang shunga naman nung girl pinakawalan pa ang mala Daniel Padilla :) hehe

Siya: mukha rin kasi akong tanga nung hs ee.. tapos lokoloko pa ko nun. Kaya buti na lang niloko niya ko

Ako: minsan kasi ang love siya yung nagiging dahilan para magbago ang isang tao.. nandyan na yung masasaktan ka pero lahat naman ng yun may dahilan.. studies muna kasi mas marami ka pang mahahanap na mas deserving sayo:) pero okay lang naman magkaroon ng crush parang inspirasyon like me crush ko si Daniel Padilla hehe:))

Siya: hehe:) magkahahanap ako ng chicks yung naka eye glasses

Ako: “bakit naman naka eye glasses?”

..trip niya pala malabo mata. hehexD

Siya: fetish ko yun. Ang cute kaya ng mga babae kapag may eye glasses

Ako: si Kathryn Bernardo nag aa-eye glasses hehe:)) chos lang

Siya: hahahaxD

Ako: cge po goodnight na:)

Siya: goodnight:))

Sa araw-araw na ginawa ng diyos ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya. Pero hindi ko din alam kung kailan matatapos ‘to.. ang sabi ko pa nung una gusto ko lang makipagkaibigan pero ano na ba ‘tong nangyayari sakin? Inlove na ba ulit ako? Sana hindi kasi ayoko ng masaktan pang muli…

a/n: ANSAVEEH ng chat conversation nila.. kung ako nasa kalagayan niya kikiligin din ako.. biruin mo kachat mo lang naman yung campus crush and take note may pabaon pa hehe:) kamukha pa ni Daniel Padilla.. penge nga ng kanin may ulam na oh! hahahaXD salamat po sa mga nagbabasa

Chat Box (shortstory) KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon