Nakaranas ka na bang managinip na kaya mong kontrolin ang sarili mo?
Eh yung 2 o 3 ang sarili mo sa isang panaginip?
Eh bangungot?
O kaya naman…panaginip kasama ang crush mo?
------------
“Nay! Kelan tayo aalis papuntang mall?” sabi ko sa nanay ko na busing-busy sa paghuhugas ng pinggan.
“Bukas. Bukas tayo aalis.”
“Bakit bukas pa? Hindi ba pwede ngayon?” pagmamakaawa ko sa nanay ko. Hindi naman kasi ako pala-alis ng bahay. Bihira lang din ako umalis ng bahay. In short, taong bahay ako.
“Ano ka ba! Hindi mo na nga ako tinutulungan ditto sa gawaing bahay, pinipilit mo pa akong paalisin nga bahay. Abay wala na akong pahinga.” reklamo ng nanay ko.
Ayan na. Nagsisigaw na si madur. =__= Nagtatanong lang naman kung pwede tapos kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.
Naisipan kong hawakan ang cellphone ko.
Hindi pa din siya nag-tetext. -___-
2 linggo na ang nakalipas, di man lang niya makuhang magpadaan ng message sa inbox ng cellphone ko.
Na-mimiss ko na siya. TT__TT
“Haayy..” nakikita ko pa lang cellphone ko, nalulungkot na agad ako. Naghihintay ako sa wala.
“Makapanood na nga lang.”
Halos matapos ang araw ko sa panonood ng TV. Since hindi nga ako pinapayagan umalis ng bahay, hanggang text at nood TV lang ang nagagawa ko.
*vibrate vibrate*
Oh. Nag-vibrate ang cp ko. Ano meron? Mabasa nga.
From: “crush”
Gud evening mga dre. :-)
Loading…
Loading…
Loading…
Shheeemmmaaayyyy~ Nag-text na din siya. Kyaa~ After 10 years. XD
Ay teka…..
Gabi na pala? O.o
Eh ano naman? Magrereply ba ako? Nakakahiya naman eh. >///<
Pero kasi.. 2 weeks siyang di nag-tetext.
Kyaa~ di ko alam gagawin ko. >___<
“Ano ba kasi gagawin ko?”
“Sinong kausap mo diyan ha?” Hala. Narinig pa ng nanay ko yun? Mahina na nga yung pagkakasabi ko eh. o__o
“Wala-wala po. Kausap ko po sarili ko.” Palusot ko kay nanay. Sabihin, may boyfriend ako kahit wala naman talaga. Alam mo naman ang parents. Over protective sa anak lalo na’t only child.
Ano na gagawin ko? O______O
Fast Forward tayo. XD
Eto na. Tapos na akong maghilamos. Tapos na akong mag-toothbrush. Tapos nang linisin ang katawan. Matutulog na ako. Di ko na kailangang tignan ang cellphone ko uli dahil ugali ni crush yung magpabitin. Mag-tetext tapos di na uli magpaparamdam. Kesa naman problemahin ko siya, itutulog ko na lang to.
………
“Ugh.. Nasaan a----“ o___o
Bakit nakikita ko ang sarili ko? At bakit lumulutang ako?
Sinubukan kong magsalita pero… bakit wala akong boses?!
Leshe oh. Kung wala naman pala akong papel ditto, bakit ako nandito? Pero sige, kung ako magsisilbing narrator ng weird na nangyayari dito, ikekwento ko na lang.
Nakikita ko ang sarili ko sa labas ng bahay naming. Hinihintay ko ang nanay ko. Naka-suot ako ng polo shirt, skinny jeans at doll shoes with matching shoulder bag. (Weird di ba?) Nagbabasa ako ng mga messages sa cp ko dahil kasali ako sa isang anime clan. Nabaha ng mga mensahe ang cp ko.
Nang matapos kong basahin ang mga text msgs., sakto naming lumabas na ang nanay ko galling sa bahay namin.
“Tara na. Hanap na tayo ng jeep na masasakyan.” Sabi ng nanay ko.
Medyo harsh tong nanay ko dahil sa lagi niyang hawak ang braso ko. Tapos minsan pa, pag ako ang nauunang maglakad sa kanya, tinutulak-tulak pa ako. Mabagal daw kasi ako maglakad. O.o
Let’s skip that. Haha. Nakahanap na kami ng masasakyan papuntang mall. Umupo kami sa kanang bahagi ng jeep dahil “mainit” sa kaliwang partng jeep. At dahil na din sa mainit ang part na iyon, nagkaroon ako ng magandang view. Wala kasing masyadong nakaupo.
Naisipan kong mag-sightseeing sa kaliwang bahagi ng jeep.
O_____________________O
May naaninag ako!! Sheetteee~!!
Lumingon agad ako sa partend dulo ng jeep para siguraduhing si crush nga ang nakita ko. Si crush nga! Kumakaway siya sa’kin. Nakangiti pa. O/////O
Di ko namalayan ang sarili ko na kumaway na din pala ako. O_O (Baliw lang?)
1
2
3
4
Kyaa~! Kilig to the bones. Napangiti na lang ako ng sobra-sobra dahil sa nakita ko siya.
^_____^
Magpapara sana ako sa jeep para puntahan si cursh nang biglang…
Nag-aalarm ang cellphone ko. =_______=
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TEKA? Bakit nag-aalarm to eh Linggo pa lang ngayon? O.o
- END-
______
NOTE: uhhmm.. pasensya na kung bitin. yan lang po talaga ang mga natatandaan ko sa aking panaginip. di ko din po masyadong na-edit kasi daming katabi. LOL
sensya na po talaga (_ _)
- Lena.chan