Simula noong namatay ang nanay ko ako ang tumustos sa at kumayod para sa sarili ko.
Buti, nag-iisa lang ako kung hindi baka buhayin ko pa ang kapatid ko kung sakali. Hindi sana ako ganito ngayon, kung hindi ako iniwan ng iresponsable kong tatay na babaero.
Nang dahil mahal siya ni mama, ayun, na-brokenhearted. Nalulong sa bisyo at nagpakamatay. Mabuti sanang kahit papaano pinaramdam niya na mahal niya ako. Pero wala, wala akong naramdaman kahit minsan.
Kaya ito ako, walang emotion. There's so much anger inside me.
Is there any reason to believe in love?
"Kisses!"
"Nandyan na po tita!"
Tinulungan ako ng tita ko, ito nga, ang maging waitress sa restaurant nila.
"Number 8. Ito order nila."
Tumango nalang ako at saka inihatid ang order nila.
Apat sila. Kaya pala mas dumami ang tao dito, may gwapo. Pero hindi ibig sabihin non, interesado nako.
Pagkababa ko ng order, maslalong ngumisi yung lalaking brownish ang buhok. Gwapo nga, pero parang mayabang.
Tatalikod na ako paalis kung hindi niya ako tinawag ng pagkalakas lakas.
"Waitress!"
"May o-orderin pa ba kayo Sir?" Tinignan ko siya ng walang expression.
Maslalong lumawak ang ngiti niya, "Interesting."
"Kung wala na po, aalis na ako." Ubos pasensya kong sambit.
"Pwede ba kitang orderin?"
"Hindi ako nabibili."
Sa pagkaasar, tuluyan na akong umalis. Umupo nalang ako sa bakanteng upuan, pinanood ko ang mga chef na nagluluto.
Ang bango naman, nakakatakam. Kaso hindi ko afford, masyadong mahal. Minsan na akong nakakain nyan, pero nakakahiya naman kay tita kasi tinutulungan na niya ako aabusuhin ko pa.
Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan.
"Anong nangyari sayo Kisses?" Tanong ni Tita, "Ikaw talagang bata ka, ang hirap mong unawain. Ni wala kang pinapakitang expression kahit minsan." Ngiti niya.
"Basta Kisses, mag aral ng mabuti. College ka na."
"Yun nga po, buti nga tita pumasa ako sa Southville University. Scholar ako, yon nalang pag-asa ko."
"Pag butihan mo lang, nga pala, may gustong kumausap sayo."
Umiling ako, "Sino naman tita? Wala akong kaibigan."
Lumabas nalang ako para malaman kung sino yon. Wala naman talaga akong kaibigan, sa panahon ngayon prefer nila ang masasaya kasama kesa ako, iisang expression at puro pag aaral ang inaatupag ko.
"Hello!" bumungad sakin ang lalaki kanina.
Tinitigan ko lang siya, pero siya ang unang umiwas ng tingin.
"Ano bang tingin yan miss! Kinikilig ako!" ini-cover niya ang mukha niya gamit ang palad.
Naluwagan ata ng turnilyo 'to. It's so gay.
"Can I get your number?"
"Ayoko!"
Wala naman ako cellphone, ano pa bang ibibigay ko? Tapos sino namang ite-text ko. Ito naman ang palaging nangyayari. Maraming kumukuha ng number ko.
Nang dumating si tita, nabuhayan ako ng loob para isumbong yung lalaking 'to.
"Tita/Auntie!"
Napalingon ako sa lalaking makulit na nasa harap ko. Pinsan ko ba siya?!
"Ashton, ikaw pala." Nakita ko ang pagkatuwa ni tita, mata pa lang niya.
"Ako nga po, kadadating ko lang auntie kanina gusto ko lang kumain muna with my friends." Lumingon pa ito sa'kin.
"Naku, naku Kisses! Oh sige, maiwan ko na muna kayo." Tawa pa ni Tita.
"Wag kang mag-alala, hindi tayo mag pinsan. Kaya pwede pang maging tayo."
Plain ko lang tinignan si Ashton daw, sinusuri ko ang itsura niya, mukha talagang mahilig mantrip 'to dahil sa kanina pang ngisi niya.
"Bestfriend ni Mom, tita mo Kisses. Wow, ang cute naman ng name mo. Nakaka-inlove."
So, sa pangalan ko pa siya nagkagusto?
"Hindi ko naman kailangan opinyon mo." Ngiti ko.
Teka, ngumiti ba ako? Nagawa ko yon, alam kong hindi posible dahil natural sa tao yon. Pero walang rason para ngitian ko siya.
"A-Alis na ako." Nauutal kong paalam.
Salamantalang siya'y nakatulala lang sa harap ko. Nagtataka ako kung bakit napahinto siya sa pagngiti ko.
Tumingin ako sa salamin kung madumi ba ang mukha ko o ano.