Chapter 15

37.4K 687 116
                                    

CHAPTER 15


Lumipas ang mga araw ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Ikaw ba naman kasi ang hindi tigilan ewan ko lang kung di ka rin maiimbalido.


Nang maghapon ay nagpasya kaming dalwa na maligo ng dagat dahil sayang naman kung di masulit.


Dahil wala akong dalang damit ay mga malalaking T-shirts mya at boxer ang suot ko. Lumusong ako sa dagat at nagsimulang lumangoy.


Napaka gandang tingnan dahil palubog na ang araw at nag rereflect ito sa tubig. Pinagmasdan ko ang paglubog ng araw.


"Ang ganda." Manghang sabi ko.


"Sobrang ganda." Nilingon ko si priam na bigla nalang nagsalita.


Nasa likod ko na pala sya ni hindi ko man lang namalayan. Ang mga bisig nya ay kusang pumalibot sa aking bewang. Hindi ko alam nakasanayan ko nalang din iyon dahil palagi nyang ginagawa.


Habang sinasambit nya ang mga katagang iyon ay nakatingin sya sa akin. Matamis ko itong nginitian.


"Ang ganda talaga. Hindi nakakasawang tingnan." Sambit nya habang nakatingin sa aking mga mata.


"Bolero!" Winisikan ko ito ng tubig dagat at lumangoy palayo sa kanya.


"Love!" Sigaw nito at lumagoy rin upang sundan ako.


"Ah!" Sigaw ko nang hulihin nya ako.


"Takbo ka kasi ng takbo papalayo para namang hahayaan kita."


Tumawa lang kaming dalwa. Sinabuyan nya ako ng tubig gayon din ang ginawa ko.


Nang mapagod ay sumampa ako sa likod nya. Ang mga braso ko ay nakapalibot sa kanyang leeg habang ang mga binti ko ay nasa bewang nya.


"Ang gaan mo." Ani priam.


"Syempre nasa tubig. Anong gusto mo maging mabigat ako?"


"Bakit hindi. Gusto kitang patabain para di ka na maagaw ng iba sakin."


"Sira."


"Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung pwede nga lang itali na kita sa bewang ko para di ka na makuha ng iba."


"Wow feeling possesive boyfriend ah."


"Sa susunod hindi na ako mag fefeeling."


"Asa ka." Bumaba ako sa pagkaka sampa sa likod nya.


Pinisil naman nito ang pisngi ko.


"Ang ganda mo." Nakangiting sabi nya habang nakatitig sa akin.


"Sus di mo ako madadala sa mga matatamis mong salita."


"Kung di kita madadala sa matamis na salita edi sa matamis na dila nalang." Pilyong sabi nya.


Hinampas ko naman ito sa braso.


"Bastos!"


Nang magdilim na ay pareho na kaming umahon dahil malamig na.


Sabay na kaming naligo. Nung una ay hindi ako pumayag pero bigla nalang itong pumasok sa banyo.


"Hoy! Lumabas ka rito! Naliligo ako ano ba!"


"Sabay nalang tayo para tipid sa tubig."


"Ibang klaseng manliligaw ka rin eh no. May pasabay pagligo."


Deception Series: Priam Carrius AckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon