CHAPTER 1

9 2 2
                                    

Sa isang madilim na kagubatan isang babae ang tumatakbo upang matakasan ang kanyang nalalapit na kamatayan puno ng luha ang kanyang mga mata at puro galos ang kanyang katawan. dalagang pinagkaitan ng pagmamahal at kalayaan "Ayoko na parang awa nyo na pagod napo ako"Bulong nito na tila nawawalan na ng hininga sa sobrang pagod

"Wala ka ng ibang mapupuntahan kapag nahuli kita papatayin na kita dahil sagabal ka lang sa mga plano namin makikita mo nang muli ang mga magulang mo sa kabilang buhay pero bago yon titikman muna kita bago kita patayin kaya tumakbo kana dahil kapag naabutan kita mas pipiliin mo na ang mamatay agad BWAHAHAHAHA" Sigaw ng isang lalaki na patuloy humahabol sa isang dalaga habang may dala dalang baril sa kanyang kaliwang kamay

Sa hindi inaasahan isang bangin ang tumambad sa dalaga.Takot yan ang nararamdaman ng dalaga sapagkat alam nyang malapit na siyang matunton ng taong kanina pa nya tinakbuhan walang pag aalinlangan na tumalon ito dahil mas may pag asa na makaligtas sya kung tatalon sya sa bangin na may tubig sa ibaba isa lang ang panalangin nya ang matapos na ang lahat ng paghihirap na kanyang natatamo dahil pagod na syang lumaban pa.

Sa kabilang banda

Isang mag asawa ang masayang nakatingin sa magandang tanawin ng palubog na araw habang sila ay nagsasaya napukaw ang tingin ng lalaki sa isang babae na naka yakap sa isang sanga ng kahoy habang palutang lutang ito.

"Diyos ko tama ba ang nakikita ko mahal tingnan mo tao ba iyon" wika ng nasa edad 40 na lalaki sa asawa nito napatingin naman ang asawa nitong babae at makalipas ang ilang minuto na pag titig ay napatakbo ang mag asawa ng makumpira nila na isa itong tao.

"Mahabaging panginoon anong ginagawa ng isang magandang dalaga dito sa ilog at puno ng sugat ang katawan"Gulat na wika ng ginang agad naman na binuhat ng kanyang asawa ang dalaga at dinala nila ito sa kanilang bahay upang alagaan.

"Mahal ko ano kaya ang nangyari sa kanya at puro pasa at galos ang kanyang buong katawan"Wika ng ginang pagkalabas nito sa kwarto kung saan nya binihisan ang dalaga.

Hindi naman naka imik ang asawa nito dahil pati siya ay nagtataka kung bakit nasa ilog ang dalaga na walang malay at puno ng pasa ang buong katawan ngunit ang ipinag tataka nito ay nasa isang liblib na kagubatan ang ilog na iyon paanong andon ito at isa lang ang pumasok sa isip nya sobrang hirap ng pinagdaanan ng dalaga bago nila ito makita.

Makalipas ng tatlong araw ay hindi pa rin nagigising ang dalaga at labis na nag aalala ang mag asawang Anderson dahil wala man lamang silang alam kung ano ang nangyari sa dalagang kanilang natagpuan sa ilog at hindi man lamang nila alam ang pangalan ng dalagita. Hapon na kaya naman nag pasya ang mag asawa na tingnan muli ang kalagayan ng dalagita at sa kanilang pag pasok na datnan nila ang dalaga na nakaupo umiiyak at paulit ulit na binanabanggit ang salitang tulong

"Iha kumalma ka hindi ka namin sasaktan nakita ka namin sa may ilog kaya tinulungan ka namin at dinala dito sa bahay namin ako nga pala si kaxandra jane anderson at ito naman ang asawa kong si alexander anderson kamusta na ang pakiramdam mo?"

Napatigil naman ang dalaga sa pag iyak at napa titig sa mag asawang anderson pinilit niyang kinalma ang kanyang sarili ngunit patuloy pa din syang umiyak

"Tulungan nyo po ako ilayo nyo po ako sa lugar na ito nagmamakaawa po ako ayoko pa pong mamatay"pagkatapos banggitin ng dalaga ang mga katagang iyon habang umiiyak ay nawalan ito ng malay kaya agad naman na nataranta ang mag asawa habang naiiyak naman ang ginang sa kanyang nasaksihan at narinig labis syang naawa sa dalaga

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Learning how to forgetWhere stories live. Discover now