Arrabelle Exra
"Hoy Arra ano ba antagal ah!" Sigaw ni Donna mula sa ibaba ng aming bahay.
Dali-dali kong inayos ang aking blouse na hindi ko pa pina plantsa kasi naman nag mamadali yung bruhildang Donna pa'no hindi ako nakapag-plantsa.
"Eto na! Masyado kang excited eh!" Pasigaw ring sabi ko, at nag takbo na pababa ng bahay.
"Ayy bakit gusot gusot uniporme mo?" Tanong nya sakin.
"Ikaw kasi eh nag mamadali ka di tuloy ako nakapag-plantsa." Sabi ko habang sinusuot ang aking black shoes na may konting takong.
"Eh kung maaga kang nagising edi sana nagawa mo pa dapat mong gawin!" Pag sasali ni mama sa usapan na halatang kaka gising lang din.
"Nakisali pa si mama, sige na ma alis na kami." Pag papaalam ko sabay hawak sa kamay ni Ara papalabas ng bahay.
Maaga pa para pumunta sa school pero napag-planuhan namin ni Donna na maagang pumunta para makapag-pasyal kami sa buong school. First day of school kasi eh masyado naming namiss pumasok, Third year high school student palang kami.
Papasok na kami ng school ni Donna ngunit huminto muna kami sa harap ng gate para pag masdan ang skwelahang aming papasukan ganito kami taon-taon.
"Ara another one year nanaman tayo, bale konting kembot nalang mag ka college nadin tayo." Ma dramang sabi ni Donna.
"Siguro naman matatagpuan ko na din ang soul mate ko dito." Sabi ko at nilibot ng aking mata ang buong kapaligiran ngunit napatigil ng bigla akong batukan ng bruhilda.
"Aray sakit non ah!" Inis na singhal ko sa kaniya.
"Ikaw seryoso na nga ako dito tapos soulmate, soulmate ka pang nalalaman!" Mataray na sabi nya. Tsk ang Kj!
Nag simula na kaming lumakad para puntahan ang mga kapatid ni Donna, may ibibigay daw siya.
Pagkatapos naming puntahan ang mga kapatid niya'y naglakad-lakad kami until we decided to check on the other student section.
Kasalukuyan kaming nag titingin sa isang room na medyo ma dami-dami na ring tao malapit na kasing mag simula ang klase.
I decided to check the list kung saan naka lista ang mga klase dito sa room na ito.
When i saw an unfamiliar name written at the bottom of the list. Dali dali kong hinila si Donna papalapit sa akin para ipakita ito.
"Kilala mo to, wala naman to last year sa batch natin diba?" Takang tanong ko sa kanya habang titig na titig sa pangalang iyon.
"Transferee ata." Mabilis na sagot nya. "Rocky Jonas Ville sa pangalan palang siguro pogi ito." Dagdag na sabi nya.
Lumapit ako samay pinto ng kanilang room para sana hanapin kong sino yung Rocky ngunit tumunog na ang bell hudyat na mag sisimula na ang ceremony.
"Tara na, hahanapin pa natin classmates natin." Alok sakin ni Donna dali dali naman akong sumunod sa kanya.
Nang makita namin ang pila ng aming section pumila na rin kami sa may harap ng flag pole at dahil magkalapit ang section namin ni transferred guy, earth ako at Jupiter sya, at magkatabi kami!
Pareho kaming may ka-tangkaran kaya parehas kaming nandito sa dulo ng pila at don ko nakita ang mukha nya, ang pangalan nya ang unfamiliar ngunit ang mukha nya ang familiar na familiar it was like i saw him before pero diko alam kong kelan.
Matangos ang ilong niya, maliit pero mapulang labi, mahaba ang kaniyang pilik-mata pero straight lamang ito, makapal din ang kilay nya and his body we're so perfect!
YOU ARE READING
Promise's Never Kept (On-Going)
Teen FictionThis story is about the girl studied in sta. elena high school. This is a series po!