13 Days

10 3 11
                                    


"Bessss, sabi sa'yo true 'yung chika ko na 13 days eh!" pangungulit ng kaibigan kong si Vea, kanina niya pa kinekwento sa'kin 'yun, ayaw manlang tumigil nakakarindi na.

"Vea, tumigil ka nga, sabi sa'yo hindi ako nagpapaniwala diyan eh." saad ko rito pero ayaw padin talagang tumigil. "Dapat maniwala ka! Look, Josh is my boyfriend already after ko siyang i-wallpaper ng 13 days, isn't so cool?" aniya habang yakap yakap ang unan at todo kilig.

"What's cool about that?" I asked. "Na totoo 'yon." sagot naman nito. I rolled my eyes at lumabas ng apartment para tumambay sa may balcony sa kabilang apartment na walang nag mamay-ari, I'm living with my bestfriend since we're 19 kasi wala ang parents namin rito sa Pinas.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang cellphone ko, agad namang bumungad sa'kin ang mukha ng iniidolo ko, He's Kim Seungmin, and he is an idol. I'm also working to their building kaso minsan ko lang siya makita roon dahil busy silang pag handaan ang gaganaping comeback nila next month.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Vea dahil pang 13 days ko na ngayong araw na wallpaper si Seungmin pero walang nangyari. Well, hindi ko naman hinihiling na magustuhan niya ako pabalik o maging kami dahil naiintindihan ko naman na isa lang akong normal na babae habang siya, idolo siya ng lahat.

Sobra ding perpekto niya para sa isang babaeng katulad ko, kaya malabong magustuhan niya rin ako.

*Ring ring*

Agad na naputol ang pag-iisip ko nang tumawag ang manager ng girl group na kung saan ay ako ang nag aassist sakanila. 

"Manager?" pag tawag ko rito. "Arwen I need you here right now, Kyujin suddenly don't feel well." saad nito kaya agad akong napatayo at nagmadaling pumunta sa kaibigan kong si Bea para sabihin rito na baka late akong maka-uwi.

Bago ako dumeretsyo sa building ay bumili muna ako ng gamot na pang-lagnat kung sakali mang lalagnatin siya, Kyujin is the only member na ka-cloce ko sakanila, madali namang pakisamahan ang iba pero sakan'ya talaga ako mas close.

Nang makarating ako sa building ay pumasok agad ako at nagmamadaling pumasok ng elevator.

I was about to go out when I suddenly bumped into a tall guy pero hindi ko na 'yon pinansin dahil kailangan ako ngayon nila Manager. Nang maka pasok ako ay nakita ko silang nakatingin sa'kin habang may bahid na pag-aalala.

"Eunnie Arwen?" mahinang pag-tawag sa'kin ni Kyujin kaya agad naman akong lumapit sakan'ya. She's laying on the sofa while the other members are looking out for her. "Kumain ka na ba? You should eat first before you drink your medecine." wika ko.

Dahan-dahan siyang tumayo, inalalayan ko naman siya pero ngumiti lang ito sa'kin. "Thankyou, Eunnie Arwen." pasasalamat nito, nginitian ko rin siya pabalik at sinenyasan na wala lang 'yon.

Pinainom ko muna siya ng gamot bago ito matulog muna, wala naman silang ginagawa masyado ngayon dahil nag papractice lang sila, nasobrahan siguro si Kyujin kaya napagod ito at sumakit ang pakiramdam.

Being an idol is really not that easy.

"Thankyou for taking care of Kyujin, Arwen." I heard Manager talked kaya tumingin ako sakan'ya at nag-bow ako bilang pag galang nadin. 

I was about to get my phone but then I stopped when I can't feel anything on my pocket, where the hell is my phone? Tumingin ako sa paligid pero puro cellphone lang din 'yon ng ibang staff at members.

Nag paalam muna ako sakanila bago ako lumabas at hanapin ang phone ko. Pero napaisip ako na ang laki laki ng building pa'no ko mahahanap 'yon. Lumapit ako sa isang kakilala kong staff para hiramin ang phone niya at tawagan ang number ng phone ko, luckily may sumagot.

"Hello? Omg, this is the owner of the phone, can we meet sa 2nd floor para maibalik phone ko? Thankyou!" madali kong sabi at ibinalik na ang phone sa kakilala ko para mag tungo sa 2nd floor. 

Nang malapit na ako ay may nakita akong lalaking nakatalikod at mukhang may hinihintay. He's familiar but I can't tell who is it, 'yung damit at pants niya din is parang nakita ko na, siya ata 'yung nabangga ko kanina.

"Uhm excuse me?" pag tawag ko. 

Humarap ito sa'kin at inilahad ang phone ko sa harap ko pero ni isang galaw ay hindi ko ginawa. Hindi ako makagalaw, hindi din ako makahinga. My crush is infront of me, Kim Seungmin is infront of me!

So he's the guy na nabangga ko kanina and he's also the guy na nakapulot ng phone ko, omg gusto kong sumigaw!!!

"Back to earth, Miss." aniya kaya bigla nalang akong napatigil sa pag de-daydream ko. He chuckled and pointed at my cheeks, I can feel it's burning because of embarassment. He's smile is so cuteeee!

"Uhm t-thankyou nga p-pala." utal kong sabi rito, hindi ko padin talaga inexpect na siya ang makakapulot ng phone ko.

"Welcome and I need to go, Bye!" pagpapaalam niya, bigla akong nakaramdam ng lungkot, ngayon na din siguro ang una't huli ko siyang makakausap at makikita ng malapitan. "Oh by the way.." I heard him speak kaya lumingon ako sakan'ya.

"You owe me a date." he said and winked.

Wait what? WHAT? I owe him a date? A DATE? 

Then it suddenly hits me, I opend my phone and iba na ang wallpaper ko, it's still him pero I think he took this photo kanina lang dahil wala akong password. 

Omg, Kim Seungmin's cuteness will be the death of me. I can't believe that this is really happening right now.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

13 Days | Kim Seungmin | One-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon