Chapter 15

96 9 0
                                    


💫 STORY OF WHITE ROSE CASTLE 💫

  Nag pupuyos sa sobrang galit Ang kalooban ni bright at gusto Niya sanang sumigaw , mag Wala at saktan si Zel dahil  sa sobrang inis na  nararamdaman Niya... Pero Hindi Niya magawa Kaya sa halip ay kuyom Ang kamao na tumayo SI bright at nilisan Ang conference room...agad namang sumunod Sila Mew, Gulf and Top

Tinungo ni bright Ang office Niya, nang maka pasok sa loob ay agad niyang ni lock Ang pinto at Doon  ay nilabas Niya Ang Galit na gustong kumawala sa dibdib Niya simula pa Kanina,  malakas na sinuntok Ni Ang lamesa at Saka sumigaw...

Aaaaaahhhh!!! Bullshitt!!! Nanggigil na sigaw ni bright

Nang hihina Ang mga tuhod na napa- upo SI bright sa sahig at tahimik na umiyak.. Hinayaan ni bright na kumawala Ang masaganang luha Niya na Kanina pa gustong lumabas..

Sa lakas Ng pag suntok ni bright Kanina  sa table Niya ay nalaglag Ang picture frame ni Win sa sahig at ang picture na ito ay kuha pa ni bright noong nasa   Bright Paradise Sila.. nahagip  ito Ng mata ni bright Kaya agad Niya itong kinuha Saka pinag masdan, Ang Ganda Ng ngiti ni Win sa picture habang inaaayos nito Ang mga black roses sa isang vase na  hinaluhan Ng nag iisang puting Rosas.. 

Habang pinag mamasdan ito ni bright ay may isang alaala Ang namutawi sa isipan niya.. eksena  yon matapos Niyang kunan nang picture SI Win..

☀️ Flash back ☀️

Bakit may puting Rosas sa gitna? Tanong ni bright habang nakatitig sa muka ni Win

Na kwento ko na ba Sayo Ang kwento tungkol sa prinsipe na nakatira sa white Rose Castle?? Saad ni Win

Umiling SI bright, bilang tugon at Saka kinuha Ang puting Rosas sa gitna..

Sige Ik0-kuwento  ko Sayo Kaya makinig ka dahil pag dating Ng Araw makakatulong din ito sayo.. Saad ni Win

Go ,baby makikinig Ako.. tugon ni bright Saka umupo sa sofa at niyakap Ang unan na naroon..

Umupo narin SI win sa harap ni bright , okay May isang palasyo na kung tawagin ay
White Rose Castle at sa palasyo na Yun may nakatirang  dalawang prinsipe Yung isang prinsipe mahina habang Yung Isa Naman matapang at malakas.. Yung matapang na prinsipe lagi niyang pino-protektahan Yung mahinang prinsipe at ayaw na ayaw noong matapang na prinsipe na masasaktan Ang mahinang prinsipe..

Pero isang Araw nawala Yung mahinang prinsipe sa palasyo sa pagkawala Ng mahinang prinsipe sa palasyo naging madilim Ang Buhay Ng matapang na prinsipe at naging masama ito Lalo na noong mamatay Ang inang Reyna Ng matapang na prinsipe.. dahil pakiramdam Ng matapang na prinsipe ay nag iisa nalang  Siya Kaya Hindi Niya pinagkakatiwala kahit kanino Ang Buhay Niya.. Kaya Yung matapang na prinsipe kumuha Ng  kaibigan na mapagkakatiwalaan Niya   at Yung kaibigan  na Yun Ang nag sisilbing kakambal Ng matapang na prinsipe at palihim na  tumutulong sa matapang na prinsipe para Hindi Siya Basta masaktan Ng kahit sino..  Sabi kasi Ng inang Reyna Hindi lahat Ng Nakangiti sa palasyo ay mapagkakatiwalaan Kaya dapat may Isa Kang kakampi na nakatago at tanging Ikaw lang Ang makakakita at nakakakilala sa kanya.. 

Yung kaibigan Ng matapang na prinsipe pinag damot Niya Yun sa lahat para Hindi Makita at binansagan Niya Yung  kaibigan Niya na shadow dahil para lang itong anino sa likod niya at Hindi nakikita Ng mga kalaban..

Simula noon Wala nang nakakatalo sa matapang na prinsipe at kinatakutan na Siya Ng lahat dahil isang kumpas lang Ng matapang na prinsipe ay masisira na Ang kinabukasan Ng sino Mang babangga sa matapang na prinsipe..

Sa Lugar kung saan nakatayo Ang White Rose Castle ay napalilibutan Ng mga itim na Rosas at sa mga itim na Rosas na Yun Doon nag kukubli SI Shadow..  mahabang kuwento ni Win

The president Husband ( Ongoing )Where stories live. Discover now