Part 13

11 0 0
                                    

Dahan-dahan kong inangat ang ulo niya,para buhatin siya. Napagpasyahan ko na kasing dun siya patulugin sa kwarto ko.

Tiningnan ko ulit ang mukha niya,Napapailing na lang ako. Bakit ang ganda niya kanina saka nakikita ko si sasa sa kanya.Pero ngayong nakikita ko na sa maliwanag at malapitan yung mukha niya.Dun ko lang talaga masasabing ang pangit niya talaga. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naiisip ko, dahil sinasabihan ko siya ng pangit na tulog siya parang nilalit ko tuloy siya na hindi niya alam.


Inilapag ko na siya sa kabilang side ng kama ko bandang kaliwa. Saka ko hinarang ang dalawang unan sa pagitan namin saka pinatungan ko pa ito ng dalawa pang unan.


Nang matapos na ako sa ginagawa ko,pumunta ako sa closet para mag-palit ng damit kumuha ako ng isang boxer at isang sandong puti saka pumasok sa CR. Ayaw ko namang mag-bihis dun baka magising siya bigla baka ano pa isipin niya.


Ilang segundo lang natapos na din ako sa pagbihis.saka ako humiga sa kabilang side ng kama. Hindi ako sanay sa ganito na hindi sakop buong higaan,pero ano nga ba magagawa ko.Kailangang mag-tiis.


Ilang minuto din akong nakadilat ng mapagpasyahan kong pumikit na."Pero agad din naman akong napamulat, Shet!"

Bakit ba hindi ako makatulog! gusto ko nang pumikit pero itong utak ko kung anu-ano ang naiisip.


Inis kung naisabunot ang mga kamay ko sa buhok ko.Saka padabog na umupo. Binalingan ko ng tingin ang tulog na babaeng wala paring malay hanggang ngayon.Bakit ba gustong-gusto siya nang gurang na matanda na iyon?Katulad ko siguro akala niya mganda itong babae na ito,pero hindi pala pag sa liwanag o baka naman sadyang manyak lang yung gurang na iyon kaya kahit pangit papatulan niya. Hayst! bakit ko ba iniisip yun.


Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama,saka pumunta sa pintuan,gusto kong uminom nang malamig na tubig baka sakaling marelax itong isip ko.


Kumuha ako nang malamig na tubig sa ref.saka sumalin sa isang baso. Pagkasalin ko agad ko itong ininom.


Wooh! ang sarap sa pakiramdam medyo relax na din ang isip ko. siguro naman makakatulog na ako nito.


Bumalik na ako sa kwarto pagkatapos kong uminom,gustong-gusto na talaga pumikit nang mga mata ko itong utak ko lang ang makulit at maraming iniisip.


Di ko na inabala pang buksan ang ilaw ng kwarto ko,Pagkalapat na pagkalapat ng katawan ko nakaramdam na agad ako ng antok.Salamat naman kung ganun. Mahina kong sambit saka tuluyan ng pumikit.


Alyssa POV

Ang sarap nang tulog ko,at ang gaan-gaan nang pakiramdam ko.

Hinahanap ko pa nga ang ingay ng bibig nang rapper kong nanay pero di ko naririnig.Himala! sabi ko sa likod nang isip ko.

Nakapikit pa rin ako.gusto ko kasing lubusin ang mabangong amoy na nalalanghap ko ngayon. Minsan lang kaya ako maka-amoy nang ganito.Ang bango! mahina kong sambit. ang sarap amuy-amuyin saka hindi masakit sa ilong.

Asan na ba ang mabahong amoy na nalalanghap ko tuwing umaga?Bakit di ko naaamoy ngayon? H'wag niyong sabihin na nilinis na yung creek pero impossible kasi kahit anong gawing linis nang creek na iyon ay wala pa ring saysay kung..

My Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon