My Roleplay Boyfriend

212 8 19
                                    


"Kyaaa! Ang sweet niya talaga. Kinikilig ako! Omo!" sigaw ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Bakit ako sumisigaw? Kachat ko kasi ngayon yung boyfriend ko.. I mean, roleplay boyfriend ko.

I'm Kate. Kpop fan since 2008. Isa akong Dara RP, yung boyfriend ko nakilala ko lang sa RP World, GDragon RP naman sya. Di ko pa siya nakikita sa personal o sa picture man lang. Pero kung pangit man siya, ayos lang. 8 months na kaming in relationship, pero di pa namin nakikita ang isa't-isa. Di nya alam ang real name ko, at ganun rin ako sa kanya. 'Kei' ang tawag niya sa akin at 'JC' naman ang tawag ko sa kanya.

*Chat*

GD RP: Kei, kumain ka na ba? Wag ka magpapagutom ha? Ayokong magkakasakit ka, okay?

Me: Tapos na ko kumain. Ikaw din ha, wag mo papabayaan sarili mo.

Siya: Gustung-gusto na kita makita. Kelan ba pwede? Diba taga Manila ka lang rin naman?

Me: Di ko pa alam kung kelan e. Gusto na rin kita makita, JC.

Siya: Hays, darating din siguro tayo jan. Bye na, goodnight.

Me: Goodnight din. Sweetdreams

-log out-

Kelan ko kaya siya makikita? Gusto ko na talaga syang makita. Itutulog ko na nga lang to.

****

"Good Morning Sunshine!" sabi ko.

Makapag-open nga, baka online sya.

Pero...

Offline sya eh. ._.

Maliligo muna ako.

-after few minutes-

Pagkatapos ko maligo, lumabas na ako ng kwarto ko.

"Anak, doon daw tayo kakain kila Tita Aida mo. Kasama ang mga pinsan mo." sabi sakin ni Mama.

"Ah, sige po. Pupunta na ba tayo dun ngayon?" tanong ko.

"Oo, tara na."

Umalis na agad kami at dumiretso sa bahay nila Tita Aida.

"Oh, buti naman at nakapunta kayo." sabi ni Tita Aida.

"Syempre naman, matatanggihan ba kita?" sabi ni Mama.

"Tara sa kusina."

Pagkapunta namin sa kusina nakita ko ang pinsan ko, si Jenny.

"Hi, Ate Kate." bati niya.

"Hello, cute mo talaga."

"Thank you po."

"O sya, mamaya na kayo magusap jan. Umupo muna kayo." singit ni Tita Ai.

Umupo naman agad kami. Pansin ko lang wala si Kuya John? Kapatid ni Jenny.

"Iha, pakitawag naman si John oh. Baka tulog pa yun sa taas o kaya nanood pa ng mga Kpop." utos sakin ni Tita.

Si Kuya John kasi Kpop fan din. Mas matanda lang siya sakin ng isang taon pero kinukuya ko pa rin siya.

Pagdating ko sa kwarto niya. Nakita ko siyang natutulog. Napansin ko namang nakabukas ang laptop niya. Lumapit ako para sana patayin ang laptop niya, pero nakita kong may fb na nakabukas.

Siguro may girlfriend na to? Hmm.

Dahil sa curious ako, tinignan ko yung laptop niya at....

Nadurog ang puso ko sa nakita ko.

Sya yung GDragon RP na boyfriend ko.

My Roleplay Boyfriend [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon