Chapter 8

292 20 2
                                    

JUSTIN

Pinilit kong idinistansya ang sarili mula kay Josh. Napapagod na kong umasa. Napapagod na kong masaktan.  Alam ko namang walang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kanya kaya kailangan ko nang itigil.

Palaging lumalapit sakin si Josh, on or off cam man. Pero ako na ang lumalayo. Ayoko na. Tama na. Wala rin akong balak sabihin sa kanya ang feelings ko. No. Never.

Si Josh, ganun pa rin. Parang nagpapalit lang ng damit sa bilis ng pagpapalit ng girlfriend.

Pero one time, may pinakilala siya samin. Nagulat talaga kami nun kasi that was the first time he introduces a girl to us. Mukhang seryoso na siya this time.

I tried not to be bothered pero nasasaktan pa din ako. Lalo na sa tuwing may lakad ang grupo, kasama lagi ang girlfriend nito, si Cayla. Wala akong magawa kundi pagmasdan ang hayagang paglalampungan nila sa harap ko. Inaaliw ko ang sarili sa kung ano anong gawain pero di ko namamalayan na bumabagsak pa din ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Ang sakit.

"Don't stare at them. Lalo ka lang masasaktan." si kuya Pau.

Umupo ito sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa isang bayan sa probinsya ng Quezon. Ineenjoy ang maikling bakasyon. Nag eenjoy nga ba ako?

Nakaupo kami sa buhanginan.

Hindi ako agad nakasagot.

Gusto ko mang tumanggi pero mukhang malabo yata. Malakas ang pandama ni kuya Pau. Isa ito sa skills nito.

Napatungo lang ako.

Tinapik nito ang balikat ko.

"Ang sakit kuya Pau." ngayon lang ako mag oopen up. Gusto kong ilabas ito. Kahit sa isang tao lang. At alam kong mapapagkatiwalaan ko siya.

Naiiyak na ako.

"Ganyan talaga pag nagmamahal, hindi pwedeng hindi ka masaktan." habang hinihimas ang likod ko.

"Pano mo pala nalaman?" tanong ko.

May sumilay na mumunting ngiti sa labi nito.

"I saw it in your eyes. I saw it on how you look at him. Alam ko na noon pa. I know that look." sabi nito. "That's also the look I have right now." he said at gumawi ang tingin sa dalawang taong naglalaro sa buhanginan.

Tumingin ako sa tinitingnan nito.

Naguluhan ako.

Nakakunot ang noong tiningnan ko si kuya Pau.

Napangiti ito sa reaksyon ko.

Mahina akong napausal.

"Sino?" halos bulong na tanong ko.

Tumanaw ito sa malayo.

"Si Stell." halos walang boses ng sabihin nya yun pero naintindihan ko pa din dahil nakatitig ako sa buka ng labi niya.

Nagulat ako. Talaga? Gusto nya si kuya Stell? Oo close sila. Given na yun, pero di ko alam na ganitong level na pala para kay kuya Pau.

"Talaga? Kelan pa?" pag uusisa ko.

"Nito lang." sagot niya. "I'm not sure kung gusto ko na talaga siya pero one thing is definite, that is i'm so happy when i'm with him. Yung happiness na kakaiba. Yung happiness na you can't feel when you're with other people. Even with your family and friends." he smiled. "And the peace in your soul that he brings you. The warmth you feel when he's near. If that wasn't it, then I don't know what it's called." pagpapaliwanag nito.

Tumango ako.

Yun din yung nararamdaman ko sa twing kasama ko si Josh. Siya lang yung may kayang iparamdam sakin ang mga bagay na yun. Siya lang.

"You agree with me right?" tanong nito.

"Yes kuya Pau." diretso kong sagot.

"Kaso I want it to stop na eh. Hindi ko na kaya kuya Pau. I am always in pain kasi alam ko namang walang patutunguhan 'tong nararamdaman ko." I said. "Lucky you, kuya Stell isn't playboy. Hindi mo siya nakikitang may mga kalampungang iba't ibang babae." I looked at kuya Stell. Naglalaro pa din ang dalawa ni Ken.

"Yeah. I agree." pag sang ayon sakin nito. "But are you sure about that?" tanong nito sa akin.

"Sa totoo lang, hindi ko alam." sabi ko. "But I want to try to move forward. I don't want to be stuck with the person  who can't see my worth and can't reciprocate the love that i've given. I think i've had enough kuya Pau." saad ko.

Siguro naman sapat na yung tagal ng pagpapakatanga ko sa maling tao diba.

Napatango si kuya Pau.

"If that's what you want, then you have my back." ngumiti ito. "Just call me kapag kailangan mo ng palusot, I will help you."

Napangiti din ako. Ang gaan pala sa pakiramdam na may napagsabihan ka kahit isang tao lang. At nauunawaan ka pa nito.

"Salamat kuya Pau." I said. "Don't worry, hindi ko sasabihin kay kuya Stell." sabay kindat ko pa dito.

"Pag nakarating kay Stell, yari ka talaga sakin." sabay tawa nito.

Napabuntong hininga ako.

So maybe this is really it.

I need to move on.

I hope I can.

---

Loving the Playboy Idol [SB19 - Joshtin AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon