Chapter 3

116 6 4
                                    

| Sa Park|


'Kainis kahit saang sulok akong tumingin may mga couples.


Hello? May brokenhearted rito...


Sige kayo, kayo na ang sweet, kayong kayo na talaga.


bakit ba ako pa, ha? Saan ba ako nag-kulang sayo Niccolo Perez!


hindi ko mapigilang maiyak nang may biglang lumapit sa akin na cute na aso pomeranian.


"Sasamahan mo ba ako?" binuhat ko ito.


*arf *arf*arf


tiningnan ko ang tag ng aso. Pochi?


Bakit naman kaya Pochi ang pangalan ng asong 'to?


"Nawawala ka ba?"


*arf*arf*arf


bakit ba parang naiintindihan ko ang asong 'to?


"Brokenhearted ka rin ano? Naiintindihan kita kaya samahan mo na lang ako, okay?"


bigla itong tumakbo kaya sinundan ko, "Pochi, saan ka pupun-" napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong nagsalita


"Akalako san ka nagpunta. Hinanap kita kung saan saan" sabi nung lalaki , amo ata ni Pochi. infairness ang gwapo nang amo niya, teka nababaliw na ba ako? ano batong iniispi ko. Makalayo na nga lang baka mahawa sila sa kabaliwan kong to.



Aalis na sana ako nang biglang nag-salita yung lalaki, "Salamat"



tiningnan ko siya, "Wala 'yon"


Magsasalita pa sana siya nang mayhuminto na sasakyan sa tapat namin. Unti unting bumukas yung bintana



"Izyll! kanina pa ako palibot libot dito sa park kakahanap sayo, pumasok kana!" at dahil nga sumisigaw na tong si Briar wala akong nagawa kung di sumunod.


sasakay na sana ako nang maynaalala ako "Ingat ka Pochi...." hinaplos ko siya at napatingin sa amo niya " at-"


"Xander. Xander ang Pangalan ko, ingat ka rin...." sabi niya habang nakahawak sa lesh ni Pochi. Nginitian ko siya at pumasok na sasakyan.

May Binulong siya at narinig ko naman....


"Clarizyll"


Teka....Alam niyang pangalan ko? sa pagkakaalam ko hindi ko binanggit ang pangalan ko sa kanya. Magtatanong sana ako pero, bigla nang hinarorot ni Briar ang sasakyan niya. kainis naman!

Captivating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon