Sorry
Meghan
"Kung ayaw mo talaga ede jan ka na lang. Kanina pa ako nagugutom, kakainin ako nun. Dyan ka na lang hanggang gutumin ka. Sumunod ka na lang sa akin" walang kaekspresyon niyang pagkasabi sa akin sabay talikod.
Hanggang kelan talaga napakakulit niya. Alam naman niya noon pa na ayaw at allergy ako sa mga street foods pero pinipilit pa rin niya.
'Bahala siya jan. Isaksak niya sa baga yang kinakain niya' sabi ko sa sarili ko at ibinaling nalang ang atensyon sa tanawin.
Sayang at ang ganda pa naman ng view at ang presko pa ng hangin, masisira lang ng pagiging makulit niya. Nakahalumbaba ako at sininghap ang malamig na hangin. Nakacrop top pa naman at leggings with matching converse ako ngayon kaya medyo nilalamig ako. Di niya man lang inoffer yung jacket niya.
Lumingon ako sa kinaroroonan ni Mike at nakita ko siyang masayang nakikipag usap kay Manong.
Gustuhin ko naman kasing kumain ng mga ganyan pero hindi ako pwede. Since elementary, sinubukan kung kumain ng street foods pero mga rashes at allergy lang napala ko. Halos tatlong linggo din akong absent sa klase nun. Kaya napagtanto at pinangako ko sa sarili ko na hinding himdi na talaga ako kakain ng street foods.
Naramdaman kung nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito mula sa kulay asol kong sling bag. Nakita kong tumatawag pala si Ninang Nery, yung bestfriend ni mommy since highschool.
"Hello ninang?" Bating panimula ko sa kanya. Biglang umingay dun sa kinaroroonan ko kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto.
"Teka lang po, di ko po kayo madinig"sabi ko.
Liningon ko muna si Mike at akmang magpapaalam pero may tumatakbong bata ang nakabangga sa akin at nahulog ko yung phone ko.
Nabigla naman yung bata at agad na kinuha yung phone at ibinigay sa akin.
"Sorry po ate ganda, nagmamadali po kasi kami sa ice cream"sabi niya sakin at tumakbo na sa kinaroroonan ni Manong sorbetero.
Tiningnan ko yung phone ko at nakitang nawala na yung tawag ni Ninang. Tatawagan ko sana siya ulit pero nakita kong nawala bigla yung signal ng phone ko. Naglakad lakad muna ako para makasagap ng network.
Nang mapadpad ako sa medyo malaking space at walang masyadong kahoy ay nagkanetwork na yung phone ko at natanggap ko na rin ang tawag ni Tita.
"Hello? Sorry po kanina nawala yung signal" pagpapaumanhin ko sa kanya.
"Bat po kayo napatawag?" Dagdag ko naman.
"Kelangan mo ng pumunta dito sa bahay niyo iha. Yung daddy at mommy mo nag-aalala na. May sasabihin pang importante sayo" sabi niya at parang may narinig akong hikbi sa kabilang linya.
"Ano pong nangyayari? Wala po akong maintindihan?"
"Basta umuwi ka na agad ngayon din. Hindi ko pwedeng iwan ang mommy mo hanggat di ka pa nakakauwi" sabi ni Ninang sakin at pati ako natataranta na rin.
"O-okay sige po. I'm on my way na. Bye po" Inilagay ko agad ang phone ko sa bag at dali-daling pumunta sa high way.
Buti nalang at may taxi na naghatid sa turista dun sa high ridge. I'm already half running at buti nalang naabutan ko ang taxi.
"Manong bababa po ba kayo?" Tanong ko habang hinahabol ang aking hininga. Tiningnan ako ni Manong driver.
"Oo iha" sabi niya sabay tango.
Pumasok ako sa loob ng taxi at naghahabol pa rin ng hininga. Umandar na ito at tila ba parang nabunutan ako ng tinik. Habang pababa ay kumuha ako ng pamasahe at nakitang wala na namang signal yung phone ko.
'Ano ba namang phone to' sabi ko sa sarili ko.
Maya maya ay nakita kong may signal na ulit at may 21 missed calls. 7 missed calls galing kay Daddy, 3 missed calls na galing kay Ninang at 11 missed calls na galing kay Mike.
Halos lumuwa ang mata ko sa pagkagulat. Di ko man lang naalala na may kasama ako kanina. Natataranta na kasi ako at naiwan ko si Mike dun sa high ridge. Sigurado akong galit na galit na yun sa akin.
Di na nga ako kumain nung isaw at kwek-kwek, iniwan ko pa siyang mag-isa dun.
Dali-dali kong dinial ang number niya. Sinagot niya agad ang tawag nung nag isang ring palang.
"Hello Meg? Meg, san ka ba nagsususot? Alam mo bang alalang alala na ako sayo? Di ka man lang nagpaalam sa akin. Halos nilinot ko na ang buong high ridge pero di kita makita. Nasan ka ba?" Bakas sa boses niya ang hingal at pag-aalala.
"I'm really really sorry Mike. Di ako dapat nagtampo sayo kel...." Di ko natapos yung sasabihin ko kasi nalowbat na yung phone ko. Kung minamalas ka nga naman.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa frustration. Lord ano bang ginawa kong kasalanan. Bakit ang malas ko po ngayon? Karma ko na ba po to kasi di ako kumain ng kikiam?
Ibinalik ko nalang sa bag ang phone ko, pinunasan ko ang konting luha sa cheeks ko. Napaluha ako, gustong gusto ko talagang umiyak. Ano bang nangyayari sa bahay? Pano ko kokontakin si Mike? Sana makauwi na ako.
BINABASA MO ANG
Walang Forever
RomanceLahat ng tao naglalaho, iiwanan ka hanggang sa wala ka nang masasandalan at kakampi kundi ang sarili mo lang. Lahat ng feelings nawawala, maaaring ngayon ay masaya ka pero maya maya malungkot ka na. Lahat ng alaala nabubura. Lahat ng bagay hindi per...