Kadiliman yan lagi ang nakikita ko tuwing imumulat ko ang aking mga mata.
Iniisip kung kailan ko ba makikita ang liwanagMeron ba talagang liwanag, maganda kaya itong silayan?
Kailan kaya ako makakapunta sa mga lugar na gusto kung puntahan
Lugar na alam kung magiging masaya ako.
Lugar na hanap-hanapin ng aking mga mata.
Sa lugar na kung saan alam kung magiging payapa ako at Hindi na kailan man mahihirapan.
Ilang taon na ba akong andito sa loob ng puting kwarto, kung saan napaka lungkot, at halos walang makausap.Bakit halos lahat sila ay kinalimutan na ako?
Kailan ko uli masisilayan ang mga ngiti nila habang kausap ako.
Ilang taon pa ba ako mag dudusa sa kasalanan na pilit nilang pinapaako sa akin.
Kasalanan ko ba talaga ang nangyare sa nakalipas na taon.Flashback:
"Ria, samahan mo na kase ako, need ko lang talaga kausapin si Leo" hinging pakiusap sa akin ng aking kapatid na babae
"Hindi nga pwede, dilikado Angel, ako ang mapapagalitan ng mga magulang natin kapag sinuway ko ang utos nila" mahinahon kung saad sa kapatid ko.
" Pero ria,hindi naman kita ipapahamak, akong bahala kila mama at papa, please ria samahan mo na ako. Gusto ko lang syang makita kahit ngayon lang ria" napabungtong hininga na lang ako, sa taglay na kakulitan ng kapatid ko.
"Sige, pero last na ito angel mag bihis ka na at antayin mo ko sa baba" wika ko dito, wala din naman akong choice kundi ang samahan sya.
"Ria, maganda ba itong suot ko, tinggin mo magustuhan ito ni Leo" nakangiting tanong nito sa akin.
"Maganda ka naman sa kahit na anong isuot mo" nakangiting saad ko dito.
"Tara na ria, gusto ko na syang makita" makikita mo sa mga mata ng kapatid ko ang kasiyahan at pag mamahalPag mamahal na kailanman, ay di ko mararamdaman, favorite si angel ng aming mga magulang. Samantalang ako parang saling pusa lang sa kanila.
Lalapitan ka lang kapag may kailangan sayo.Nakatigil ang sasakyan namin dahil stop light ang nakalagay at kailangan padaanin ang mga tao.
"Ria daan tayo sa 7/11 may gusto lang akong bilhin" tanging tango lamang ang sagot ko sa kanya.
Sa kalagitnaan ng tahimik nang aming binabaybay patungo sa 7/11, nabigla na lang ako ng may humaharorot na kotse ang Sasalubong sa amin.
Tinggin ko ay nawalan ito ng preno, pinilit kung iwasan ito at iliko ang sinasakyan namin pero......
Kadiliman na lang ang bumungad sa akin, pilit kung kinakapa ang aking kapatid na si angel, ngunit hindi ko sya mahawakan.
Ang huling natatandaan ko lang ay ang mga tunog ng mga Ambulansya.
End of flashback
Pag katapos ng aksidente na yun, ay tuluyan na din akong nawalan ng mga magulang, kaibigan at kapatid.
Nawala na lang sila na parang Bula, na para bang di na ako naging parte ng buhay nila.
Siguro nga deserve ko ang mabulag, ang Hindi makakita.
Siguro ito na talaga ang Tadhana ko.Ang mamatay ng walang nakikita kundi ang kadiliman lamang.
"Hi ma'am ria, kamusta na po ang pakiramdam nyo? Ichecheck ko lang po ang BP nyo pag katapos painumin ko na po kayo ng gamot" naramdaman ko na lang na lumapit sa akin ang nurse na pumasok sa kwarto ko.
"Nurse, pwede mo ba akong isama sa inyo?" Nakakagulat man ang hiling ko pero yun ang kailangan ko, ang malayo sa mga taong hindi Naman ako nakikita.
"Huh? Ma'am ano pong ibig nyong sabihin?" Nag tatakang tanong nito
" Isama mo na ako sa inyo, ayaw ko na dito, Wala na din naman akong pamilya na uuwian. Lahat sila sinisi ako sa nangyare sa kapatid ko, please sama mo na ako sa inyo" pakiusap ko dito, kahit na di ko sya nakikita alam ko na naririnig nya ako."Sige ma'am mag sasabi ako sa mga kapwa ko nurse at doctor, ipag papaalam kita na mag babakasyon ka muna"
"Salamat"Kung ano man ang mangyayare sa akin, nakahanda ko na itong harapin.
BINABASA MO ANG
ALONE IN THE DARK
RandomHabang lumilipas ang bawat araw,buwan at taon. Patanda Tayo ng patanda hanggang sa inaantay na lang natin kung kailan ba tayo kukunin ng lumikha sa atin Madaming tanong sa ating isipan, mga tanong na di natin alam kung paano natin mahahanap ang kas...