Chapter 1

99 2 1
                                    

Maaga akong bumangon dahil walang na ring gigising sakin. Ako lang mag-isa dito sa apartment na inuupahan ko dahil nasa probinsya ang pamilya ko at ako lang din ang inaasahan nilang kumayod para sa gastusin sa bahay.

Ngayon din ang interview ko sa isang malaking company at ito nalang ang pagasa ko dahil super laki ng sweldo!

Biruin mong 40,000 pesos a month at ang gagawin mo lang ay ang maging secretary ng attorney!? Grabe lang ang yaman nung may-ari non. Pwedeng pwede ko ng ipagawa yung bahay naming sa Bulacan at magbayad utang.

Tinapos ko ang agahan ko at naligo na rin.

I just wear my white long sleeves and a pencil cut skirt. Kinuha ko na rin ang resume ko at ang iba pang mga documents na kakailanganin ko.

"Alex! Ang sexy mo ngayon!" Sabi ni Aling Mira. Tindera sya sa isang karinderya. Nakakautang din ako sa kanya ng ulam kung sakaling walang na kong makain. Oo na. Ako na ang mahirap!

"Salamat po! Una na po ako." Sabi ko matapos magmano dito.

"May pamasahe ka ba? Oh eto baunin mo. Baka magutom ka din sa byahe." Sabi niya sabay abot ng pancit. Nakakahiya man pero tinanggap ko na din. Pag naman natanggap na ko sa trabaho ko, mababayran ko na din ang mga utang ko sa kanya.

"Maraming salamat po. Meron pa po aking pamasahe. Salamat sa pancit Aling Mira. Pakilista nalang po."

"Naku libre na yan bata ka. Magiingat ka!" Nginitian ko nalang sya dahil di ko na matagalan ang malalagkit na titig ni Gardo. Ang ampon ni Aling Mira.

Sumakay na ako sa jeep at di nagtagal ay bumaba na ako at naglakad ng konti.

Di ri. Nagtagal at nakadating na din ako sa lugar ng interview ko.

Lumapit ako sa reception area at nagtanong sa isa sa mga receptionist doon.

"Ahm Miss. I'm here for a job interview." Sabi ko ngunit inirapan lang ako nung babae. Aba't maldita?!

"31st floor. Office of the President." At irap na naman niya sakin. Kung ako lang prof nito nung college, hinding hindi papasa sakin 'to ng hospitality.

"Ah Miss bakit Office of the President? Diba HR ang mag iinterview?"

"Strikto si Sir. Asa nalang makakapasok ka dito. Pumunta ka nalang don. Ang dami mong satsat!!"

"Kung ako di papasa, eh bakit nandito ka? Do you think your attitude suits you here? Ibase sa ugali ang ganda te!!!" Bwisit na babaeng yon. Tinalikuran ko na bago pa ko masabunutan. Dinilaan ko siya pagkapasok ko ng elevator. Laughtrip kasi yung naguumusok na nyang ilong sa inis. Hahahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon