I've always wanted to bring this out of my chest and i guess sa platform na ito ko nakita ang chance na iyon. I don't know if anyone would even read this but well who cares hahahahaha share ko lng naman.
"Kumusta naman ang pagiging mula sa Star Section?" ni minsan hindi ko naisip na ang isang ordinaryong tanong ang magbibigay kulay sa mapurol at nakayayamot na mga araw ko sa High School.
Simula Grade 7, hindi sa nagpapasikat or anything pero kasama na ako sa Star Section. Siguro para sa iba, swerte iyon o nakakaproud. Ganun rin ang akala ko nung una, pero nang lumipas ang ilang araw, naramdaman ko na ang hirap ng high school. Nahirapan akong mag adjust at in the end, walang silibi ang pagiging top 1 ko sa elementary. Nagtapos ako ng grade nang hindi kasama sa Honor rolls for the first time. I can't say na nalungkot ako, in fact i only felt numb. And that continued to my Grade 8.
Sa Grade 8, medyo nakapag adjust adjust na ako and my grades improved too, compared last year pero it still feels dull. Among that time, it happened. Habang papauwi galing sa school, nakasabay namin ang isang Grade 9 na mula rin sa Luneta just like us. Kilala ko siya, he was one of my bullies when i was still in elementary. Pero i clearly remember na, he changed after having an appendicitis surgery. He grew silent and let's say, introverted. Kaya inexpect ko na mauuna siya sa amin or hindi niya kami papansinin pero siya ang naunang nagsalita.
"Kumusta naman ang pagiging mula sa sa Star Section?" tanong niya. Of course, ang sagot namin ng kasama ko, Mahirap, Sobra. And the conversation goes on, hanggang sa magkahiwa hiwalay na kami.
Ang hindi ko inasahan ay ang pagtuloy tuloy ng pangyayaring ito. Hindi ko pa nga namamalayan na kami laging dalawa ang magkausap kapag pauwi habang nasa harap naming nangunguna ang mga kaibigan ko. He's mostly the one who initiate the conversation, too. I can say na we grew closer. In fact, we exchange smile and greetings every time we walk pass each other. Naalala ko pa nga noong nakatambay kami ng pinsan ko sa isang store mula sa school para magpahinga muna nang lalagpasan na sana niya ang store nang makita niya ako, huminto siya at "Mauna na muna ako" paalam niya sabay ngiti, "Sige kuya" sagot ko naman. Labis ang kilig ng kaibigan at pinsan ko nun habang ako litong lito lang.
Nagtuloy tuloy pa yun, minsan pa sabay lang kaming umuuwi with comfortable silence around us bago magpapaalam kapag maghihiwalay na kami ng daan. Malapit na ang bakasyon nang marealize ko na lagi akong natutuwa kapag nakikita ko siya, napapangiti agad ako kapag ngumingiti siya tapos meron pa yung urge na gusto ko siyang makita araw-araw. My once boring and cold life become bright and colorful. Familiar yung feeling na iyon pero the genuineness is deeper.
His kindness, thoughtfulness and the warmth he gave off when i'm with him was a blend of a characteristic i've never seen on someone before and i guess was which had attracted me towards him.
Dumating na ang graduation at good to say na i was one of the honor students.
Summer Vacation came, and everyone would think that i would have many occasions where i can meet my crush, given that we live in the same sitio but sad to say, na minsan ko lang siya nakita, and that was when i saw him buying something at his aunt's store. Hindi siya lumalabas ng bahay nila, at kung lumalabas man siya i wasn't in the situation para makita siya. Iyon ang unang beses na napaisip ako, "Ang saklap ng tadhana, ayaw makisama".
Grade 9 was fast to come. And i still have a crush on him. Nga lang, never na ulit kami nagkasamang umuwi. It must be either maaga siyang umuuwi or kasama niya mga barkada niyang umuwi pero never na ulit nangyari yun. The only moment na makita ko siya is sa jeep papuntang school or when im lucky, i get to catch a glimpse of him kapag tumitingin ako sa 2nd floor ng building nila where their room is located.
For the first time, on my 9th year, nakaramdam ako ng selos. Staring at their building to catch a glimpse of him also meant that i get to witness moments where i find him casually smiling and being comfortable with another girl. I get to watch similar situations occasionally and it breaks me everytime.
YOU ARE READING
3 Years Crush(love?) Oneshot
RandomEver had a crush on someone for a long time? I did. Sinubukan mo bang magconfess? Absolutely NO. Never!!!!