Kabanata 18

6 0 0
                                    

Yes

Alas singko ng umaga kami nagising nila Felip. Kita niyo? Alas dos ako natulog kanina tapos ngayon alas singko gising na ako. Apaka immortal HAHAHAHAHA.

"Nag puyat ka ba?" tanong sa akin ni Felip nang umiinom kami ng kape sa kusina.

"Ha? Hindi naman bakit?" taka kong tanong.

"Uh-huh! Don't me! Sinabi naman namin sayo na maaga tayo ngayon tapos nag puyat ka."

"Ito naman, hindi lang ako naka tulog kaagad kasi na excite." rason ko

"Hmm! Maaga kasi tayo ngayon para makabalik tayo agad ng Cagayan kasi mahirap na gabihin sa daan." paliwanag niya.

"Kaya nga, teka? Asan na ba si Kuya?" taka kong tanong.

"Ewan, kinatok ko na yon kanina sabi niya baba daw siya kapag aalis na." sabi ni felip sabay inom ng kape.

Mga after 5 minutes naming magkape lumabas naman si Kuya sa kwarto niya at sinabihan na kaming mag handa na dahil aalis na kami. Kaya umakyat lang ako ng kwarto para kunin ang bag ko na may dalang extra t-shirt, wallet, cellphone, at charger. Agad na rin akong bumababa dahil alam kong nag hihintay na rin si Kuya.

"Tara na ba?" tanong ni Kuya sa akin ng makababa ako ng hagdan, nasa sala na pala silang dalawa.

"Ah opo, tara na." sabi ko naman.

Kaya sabay sabay na kaming lumabas at pumunta na sa garahe kung saan nandoon ang sasakyan ni Kuya. At pumasok na rin ng makarating na kami doon.

I check my phone and its already 5:30 in the morning, tama tama mga 7 nasa Iligan na kami. Maganda rin na maaga kaming bumyahe para masarap ang simoy ng hangin at hindi mainit. Nag text na rin ako kay Ken na aalis kami ngayon at pupunta kela Lola. Wala pa namang reply kaya okay lang dahil tulog pa siguro yon.

Ngunit sa oras ng byahe nakaramdam ako ng antok kaya natulog na lang ako dahil malayo pa naman kami. Sinabihan ko na lang si Felip na gisingin ako kapag nakarating na kami kela Lolo.


After 2 hours.....

"Marie! Huy!."

"Aaahhhh! YAWA." sigaw ko na kinagulat ni Felip at kinagulat ko rin.

"Hala sorry!" agad kong sabi sa kanya.

"Nanaginip ka nu? Masama ba?" tanong agad ni Felip.

"Oo iih." sabi ko

"Singsama ba ng mukha mo?" tanong niya.

Agad akong napatingin sa kanya at sabay sabing "Gaga! Sing sama ng mukha mo, hindi mukha ko." sabay tawa naming dalawa.

Nasa Iligan na pala kami ngayon pero dumaan muna kami ng Palengke para makapamili ng lulutoin mamaya sa bahay nila Lola.

"Hmm! Kuya alam kong magpapaluto ka lang kay Lola Andeng ng putchero, kaya ka nag presinta na sumama." sabi ni Felip sa kanya.

"SIRA HINDI NU! kasi naman ih sayang naman pamasahe niyo, edi ipang gas na lang natin sa sasakyan ko, unlimited pa sakay niyo." paliwanag ni kuya.

"Tologo lang ha? O baka gusto mo lang din yon sinamahan natin." Agad napatakip si Felip ng bibig niya dahil sa sinabi niya.

Ha? Ano daw? Gusto? Ih?

"Ikaw talaga kung ano ano pinagsasabi mo, iwan kita dito mamaya, at tanggal ka na rin sa grupo. " banta ni Kuya sa kanya.

HAHAHAHHAHA TIKLOP FELIP!

"Huy! Walang ganyanan oh ito na sus. Ang gwapo mo talaga Kuya." sabay kapit sa braso ng Kuya niya.

I want something real (On- Going)Where stories live. Discover now