*Where do broken hearts go?🎶
"Ang sakit" sabay tulo ng luha sa pisngi ko.
"Pero friend W-a-l-a k-a-n-g k-a-r-a-p-a-t-a-n" sabi netong bestfriend ko. Lahat naman sila pinapamukha saken yan. Pero pinapaniwalaan ko kase yung lalaking nagsasabi saken na mahal niya RAW ako.
"Pero sabi niya mahal niya ako, sabi niya may karapatan daw ako" paghikbi ko.
"Friend katangahan na yan e. Alam mo namang walang kayo at ni ligaw hindi niya ginawa. Lahat nang sinabe niya ay wala lang. Kesyo 'Mahal kita' pa yan. Wala kang panghahawakan kung walang COMMITMENT" sabi niya habang pinapakalma at hinihimas likod ko.
"E bakit brinobroadcast niya sa buong klase na ako lang ang babae g maganda sa paningin niya.. Binibigyan pa niya ko ng choeychoco at bulaklak na gumamela. Drinawing pa nga niya ako na stick man, yung araw araw na nakakatanggap ako ng sulat sa locker ko. Ano yon? Biro lang?" Sabi ko
"Friend last na to ha? Lahat yun ay ginagawa niya rin doon sa babaeng yun (sabay turo dun sa kasama nung kaM.U ko) piso lang nagagastos nun araw araw. Kahit ilan pa kay, tsaka maraming halaman ng gumamela sa gate garden. Yung loveletter naman e pinupunit niya lang sa papel mo at humahanap sa google nang quotes. Tumahan ka na ha? Grade 3 palang tayo. Marami pang dadating. Kaya tara na" pangaral niya sabay hatak saakin at hinatid ako pauwi.
Yes, Grade 3 palang kami noon ay nangyari na ang lahat at nasaktan ako. Kase etong guy na nagngangalang paolo ay napaka PAASA. He gave efforts that a girl will fall. Akala ko ako lang marami pala kami.
Back then simula noon ay di na uli ako umibig at di nagentertain ng manliligaw. Until I graduated in highschool at ngayon ay 3rd year college na ako. Totoo nga ang sabi nila, kapag maaga ka nasaktan ay maaga ka rin magmamature.
By the way. I'm Demi rei Tolentino. A victim of this what you called Magulong Usapan.

BINABASA MO ANG
EHEM YOU: Malanding Usapan, Magulong Ugnayan
RomanceNagseselos ka. May karapatan ka ba? Gusto ka raw niya. Di ka naman nililigawan. Nagiiloveyouhan kayo pero di kayo. That thing called M.U