Chapter 2

2 0 0
                                    

.Eh kasi, FIRST TIME!

••••••••••••••••••••••

"Ang ganda ko naman." Sabi ko habang sinusukat ang unipormeng kakadeliver ni kuyang pogi..

"Sayang yung uniform." Nanghihinayang na sabi ni Jackileng.

"Huh? Bakit naman?" Pagtataka ko, isusuot ko namam yun sa school ah from Monday to Friday. Wash n' wear kasi isang pares lang yun.

"Sayang kasi ikaw ang magsusuot. Magkakamatya na, papangit pa yung uniform." Pang-aasar niya.

"Eh kung ipukpok ko itong sapatos ko sa noo mo?" Pananakot ko. Grabe yung concern niya sa uniporme ko, parang hindi pinsan.

Nilabas niya ang dila niya na may halos pang aasar. "Neknek mo." sabay takbo sa kusina.

Umiling na ako at hinubad na ang bago at magandang uniporme. Nahiya dahil baka kumapit ang libad ko sa katawan.

••••••••••••

FIRST DAY OF SCHOOL SA DESMOND VALERIO UNIVERSITY

"Good luck pinsaaan! Sana makauwi ka nang ligtas. Ingatan mo yang uniporme mo, baka masira sa ka-clumsy-han." Paalala ni Jackileng habang lumalabas ako ng bahay.

"Anong akala mo sakin? Pabaya?"

"OO, kaya wag ka na pumalag. Humayo ka at magpakarami. " aniya.

Diko na lang pinansin at umalis na. Baka ma-late pa ako dahil sa bwisit na to. Umagang umaga, sinisira na agad araw ko.

Sumakay na ako sa tricycle. "Manong, sa D. V. U po. "

After 10mins, huminto kami sa maganda at malaking gate ng university. "Manong, nasa langit na ba ako?" Sabi ko habang kunwaring nasisilo sa gold na gold na gate.

"Swerte mo naman at nakapasok ka sa school na yan." sagot niya

" Ah oho. Magkano po sa pamasahe?

"Singkwenta na lang, ganda. " Pambobola niya.

"Ho?! Ang mahal naman kuya, 5mins lang byahe kasi malapit eh " reklamo ko dahil ang laki ng singil niya. "Ang lapit-lapit lang nito tapos singkwenta?! " Dagdag ko pa.

"Kung malapit lang pala eh sana nilakad mo na lang miss. Mayaman ka naman tsaka isang pasahero ka lang. Dapat nga may kasabay ka para mura. " Sagot niya habang nagkakamot sa ulo.

Aba at talaga namang..!  Grrr

Salubong ang kilay na kumuha ako ng singkwenta sa bag at inabot sa kaniya. Baka mag away pa kami at ma-late ako. 'Bahala na mamaya' sa isip ko lang yan. May lunch time pa noh. Ano naman kaya mabibili ko sa natitirang singkwenta sa baon ko.

"WOW! Chanel! Kelan ka bumili nyan? Why didn't inform me!? That's latest edition and naunahan mo ako!" rinig kong reklamo ng isa kong kaklase pagpasok ko sa isang classroom.

Mukhang hindi classroom. Mukhang special room ng isang 5 star hotel. Feeling ko kumikinang ang mata ko habang tinitingnan ang magagarbong kurtina.

"Magkano ko kaya ito maibebenta kung sakali?" wala sa sarili kong sabi.

"WHAT? U have plan on stealing that?" isang babaeng mukhang maldita ang lumapit sakin. Sa likod niya ay isa pang babae na mukhang vini-videohan kami.

Napalingon-lingon pa ako para siguruhinh ako ang kinakausap niya.

"Ix-cuse mih? Hindi ko nanakawin yan." Sabi ko at agad na naghanap ng mauupuan. Narinig ko silang nagtawanan dahil sa sagot ko.

"So jologs. Tara na nga." Sabay alis nila.

"Bago ka lang ba dito?" Isang babae ulit ang lumapit sakin. Ang ganda niyaaaa.

" Ah oo, sinuwerteng maging scholar. Hehe" sagot ko habang nakangiti. Pakiramdam ko bahagya rin lumalaki ang butas ng ilong dahil sa simpleng pagsinghot ng pabango niya. Amoy chocolate.

"Wow. So you're a smart-y. I'm Kira. Nice to meet you...?"

"Jessica, ako si Jessica." Then nagshake hands kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eh kase...FIRST TIME !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon