Simula

2 0 0
                                    


Malakas na pagkabasag ang aking narinig sa loob ng aming mansion. Bitbit ang aking Barbie doll, mula sa garden ay nagtungo ako sa loob ng bahay.

"Maghiwalay na tayo Macario! Wala ka nang ginawa kundi ang magsugal! Lubog na sa utang ang kumpanya at kaunting panahon na lang ay siguradong kukunin na ito sa atin ng bangko!" rinig kong sigaw ni Mommy habang pababa ng hagdan bitbit ang isang malaking maleta.

"Dyan ka magaling Salvacion, kaya palagi tayong minamalas dahil sa kakakontra mo! Sa oras na lumabas ka ng pamamahay na ito wala kang madadala kahit ano! Kahit pa ang anak mo!" nanggalaiting sigaw ni Daddy.

Wala akong ibang nagawa maliban sa umiyak na lamang sa likod ng pinto. Mahigpit ang kapit sa laruan ko at tahimik na humihikbi. Kitang kita ko kung paano sabunutan ni Daddy si Mommy at kitang kita ko din kung paano suntukin ni Mommy si Daddy para maging dahilan ng pagkawala sa mahigpit na kapit nito.

Ipinikit ko na lamang ang aking mata at tinabunan ang dalawa kong tainga upang hindi masaksihan ang tuluyang pagkawasak ng aming tahanan. At ng wala na akong marinig na ingay ay binuksan ko na ang aking mga mata.

Dala ang malaking maleta ay nakita ko si Mommy na palabas ng gate ng aming bahay. Dagli akong tumakbo papunta sa kanya at yumakap sa mga binti nito ng sobrang higpit habang patuloy na umaagos ang masaganang luha sa aking mga maliliit na mata.

"M-mommy wag mo po akong iwan mommy. Sabi mo po love mo'ko. Bakit iiwan mo po ako mommy. I want to go with you mommy," patuloy akong nakikiusap na wag niya akong iwanan. "Ayoko po kay Daddy, he's a monster mommy please isama mo na po ako."

Umupo siya sa harapan ko at kita ko sa mga mata niya ang mga masasaganang luha na umaagos.

"Baby Mommy want to be with you too because Mommy loves you so much but baby I can't. I promise I'll be back okay, wait for me okay baby?"

"But why? Mommy please sama mo na po ako."

"Listen baby," nagpunas siya ng luha. "Babalikan kita I promise, please trust Mommy okay?" I nodded while biting my lips to prevent to cry. "I love you Faith, Mommy loves you very much."

And then she turned her back to me. Pinanood ko na lang siyang makaalis. A 7 year old me left crying in front of our house.

"Merciless, pumasok ka na dito!" rinig kong sigaw ni Daddy at dahil sa takot ay napatakbo ako sa loob ng aming bahay.

Sumalubong sa akin ang yakap ni Manang Felissa, ang nanny ko. At sa bata kong edad ay naranasan kong umiyak ng sobra.

Kinabukasan ay nagising ako sa mahinahong haplos ni Manang Felissa sa aking pisnge. Ngiti niya ang bumungad sa akin at ang nag-aalala niyang mga mata.

"Pinapatawag ka ng Daddy mo anak, halika na at maligo para makakain ka na bago mo harapin ang iyong ama."

Kahit walang gana ay napilitan akong kumilos at kumain. Pagkatapos ay nagtungo ako sa library ng mansion dahil sa nandoon daw si Daddy. Takot man ngunit kailangan kong pumunta.

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagpasoko ko ng silid. Nag unahan nanaman tumulo ang mga luha sa aking mata dahil sa sakit na nararamdaman.

"Napakabagal mong kumilos! Simula ngayon wala ka nang ibang gagawin kundi ang mag training at palakasin ang iyong katawan nang magkaroon ka naman ng silbi, hindi katulad ng nanay mong walang kwenta!" sigaw niya. "At simula ngayon ayoko nang nakikita kang umiiyak naiintindihan mo! Hindi pwede ang maging mahina! I didn't named you Merciless for nothing!" kahit nasasaktan ako sa kapit niya sa panga ko ay nakuha kong tumango.

Pinipigilan ko ang umiyak sa takot na saktan niya ulit ako.

And starting from that day, gigising akong may takot at matutulog nang masakit ang katawan dahil sa walang awang pagte-training sa akin ng aking ama.

Sa edad na pitong taon natutunan kong hindi umiyak kahit nasasaktan na ako. Natutunan kong makipaglaban kahit hindi akma sa edad ko. Natutunan kong humawak ng iba't ibang klase ng baril at kutsilyo.

At sa tuwing magkakamali ako, isang sampal ang makukuha ko mula sa kaniya.

"Napaka hina mo!"

"Wala kang kwenta!"

"Kagaya ka din ng nanay mong walang silbi!"

"Wala akong anak na kagaya mong mahina!"

Ilan lamang yan sa mga masasakit na salitang ibinabato sa akin ng sarili kong ama sa tuwing nagkakamali ako. Kaya pinagbutihan ko ang pageensayo. Hindi para sa ama ko kundi para sa sarili ko.

At habang lumilipas ang panahon ay naging normal na lang ang mga bagay bagay na nangyayari sa paligid ko.

Hindi kasing normal ng mga ordinaryong tao pero normal na sa akin na masaktan, magtiis, hindi umiyak, ni tumawa ay nakalimutan ko na kung paano gawin. Nagmistulang impiyerno ang buhay ko sa kamay ng aking ama, kung ama pa nga ba siyang maituturing.

Hindi ko naranasan maging normal na bata. Hindi ko naranasan makipag laro sa mga kapwa ko bata, ang lumabas para mag mall ay ni hindi ko man lang natikman.

Nawalan na ako ng pakialam sa mundo dahil parang mismong ang mundo ay nawalan na din ng pake sa akin.

Nang pumasok ako sa edad na labing walong taong gulang ay alam kong magbabago nanaman ang mundo kong gagalawan.

"Kumpadre wag kang mag alala, handa na ang unica hija ko para maging miyembro. Sa ika labing walong taong gulang niya ay pwede mo na siyang kunin. Amanos na siguro tayo sa utang ko sa iyo, hindi ba? Ang unica hija ko ang kabayaran," rinig ko ang mala demonyong tawa niya mula sa sala ng Mansion.

Kaya pala hindi tuluyang nawala ang mga negosyo niya ay nangutang siya at ako ang kabayaran sa utang na iyon.

Masakit? Hindi ko alam, limot ko na ang totoong depinisyon ng pakiramdam ng nasasaktan.

Kaya naman matapos ang normal na araw ng aking ika labing walong taong karawan ay wala akong ganang nag impake ng mga gamit ko, habang si Nanay Felissa ay tahimik na umiiyak sa gilid ko.

Siya lang ang matuturing kong pamilya sa nagdaang panahon. Siya ang gumagamot sa mga sugat na nakukuha ko sa pageensayo. Siya ang yumayakap sa akin kapag tahimik akong umiiyak sa kwarto ko. Siya ang walang sawang nagpapaalala sa akin na wag kakalimutang gumawa ng mabuti sa kapwa kahit gaano pa kasama ang mundo sa akin.

Siya ang nagpapaalala sa akin na may Diyos pa na laging nandiyan para sa akin.

Siya ang naging ina at ama ko dahil walang dumating na ina na matagal ko nang hinihintay para sana iligtas ako sa impiyernong buhay ko. Hindi na ako umasa na darating siya, nilimutan ko na din na mayroon akong ina dahil sa loob ng labing dalawang taon ni anino niya ay hindi ko nakita.

Kahit labag sa loob kong iwanan si Nanay Felissa dito ay wala pa akong magagawa.

"Nay Felissa kukunin kita dito kapag kaya ko na." wika ko dito at niyakap ko siya ng mahigpit bilang pasasalamat.

Walang lingong likod akong umalis sa Mansion na iyon kahit alam kong nakatingin sa akin ang taong iyon habang may mala demonyong ngiti sa kanyang labi.

Hindiko alam kung maganda ba ang mundong gagalawan ko ngayon pero ang alam ko langay handa na akong lumaban. 

Wounded FaithWhere stories live. Discover now