Mystique

6 0 0
                                    

-----

"Sanji, may naghahanap sa'yo" dumungaw si Mike sa office ko.

Meron akong recording studio at si Mike ang assistant ko.

"Papasukin mo." Utos ko sa kanya.

Ilang segundo pa eh pumasok ang isang babae. Matangkad at maputi. Sexy at maganda.. tsk. Ke aga namang dessert to.

"Hi." Bati niya.

"Hello. Have a seat." Pinaupo ko naman siyempre.

"Thank you"
Abah. Walang emosyon. D ata marunong ngumiti.

"Ano ang maipaglilingkod ko?"

"Gusto ko sanang malaman kung may pumunta ba ditong babae na maputi, matangos ang ilong, maganda ang boses, katamtaman ang tangkad. At..."

"Well sorry to interrupt you miss pero marami po at baka kung yang tinutukoy nyo eh nakapunta na nga at hindi ko matandaan. Wala ba kayong picture niya?" Common naman kasi ang mga katangiang ganyan.

"Wala.. thank you sa oras. I guess I cant find her here." Nadismaya siya. Tumayo na at nagpaalam

Mukha ba kaming hanapan ng taong nawawala? Tss..

----

"May naiwan sa table kahapon. Walang nakalagay.. CD yan. Di ko pinakealaman baka magalit ka." Si Mike ulet

"Salamat" inabot ko naman.

Pinlay ko sa laptop.

I was thinking 'bout you
Thinking 'bout me
Thinking'bout us
What we're gonna be

I open my eyes
It was only just a dream....

"Yun lang?" Nabitin ako. Napakaganda ng boses niya. Napakalamig pakinggan. Kanino kaya to?
Saka bkitiniwan dito?

----
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kung kaninong boses ba yun. Haaay
Niyaya ko si Mike mag arcade para makapagliwaliw.

"Wahaha matatalo na kita!" Sigaw ni Mike. Nagbabasketball kami. Paramihan ng shoot sa loob ng 10 mins. Ang talo manlilibre ng lunch.

"Asa! May isang minuto pa. 5points lang lamang m!" Nagmamayabang to akala niya papatalo ako sa kanya. Binilisan ko pa ang tira at siniguradong maipasok ko lahat.

3...2...1... time's up!

"Wahahaha sa KFC tayo.!" Tawa ako ng tawa. Talo si Mike 10points ang lamang ko.

"Oo nalang ako -_-"

Papunta na sana kami dun nang may marinig ako....

"'Cause everytime I see your bubbly face....

I got a tingles in a silly place

Natigilan ako... siya yun..

It starts in my toes
And a crinkle my nose
Wherever it goes
I always know

Tumigil siya sa pagkanta. Hinanap ko kung saan ang videoke room

Andaming tao... asan na?! Asar!

Ayun! Tsk. Bigla siyang tumalikod.

You make me smile even just for a while now
Just take your time
Wherever you go.

Kumakanta pa siya eh tapos na yung kanta kanina pa. May score na nga. Baliw.

Bigla siyang tumayo at hindi ko na makita.. maraming tao. Tsk. Anliit pa namang babae.

---
*from: Mike*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MystiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon