"Ma'am?"

6 0 0
                                    


Alas dies ng gabi.


Nag-iikot si Mark sa loob ng madilim na eskwelahan. 

Hawak lamang ang kanyang maliit na flashlight at batuta, nagdesiyon syang mag roving. 

Siya lang kasi ang guard na naka on-duty ng araw na iyon. 


Madilim ang paligid, nakapatay na ang lahat ng ilaw sa loob ng mga silid-aralan. 

Tanging ang maliit niyang flashlight ang nagbibigay ng liwanag sa kanyang dinaraanan.

Habang naglalakad ay chinecheck niya ang bawat silid at sinisiguradong walang sino man ang naiwan sa eskwelahan.


Nakakarindi ang katahimikan ng paligid kaya pasipol-sipol siya habang naglalakad ng bigla niyang makita si Ma'am Annie. 

Nakita niya itong nakatalikod sa kanya habang nagbubukas ng pinto ng silid at pumasok.

Mahigit limang metro ang layo nito sa kanya ngunit nakikilala niya ito dahil sa hubog ng katawan at ayos ng buhok nito. 

Bigla namang nagtaka si Mark kung bakit ganoong oras na ay naandoon pa rin ang guro.

Sa isip-isip niya ay baka may nakalimutan lamang ito, kaya naman nagdesisyon siyang lapitan ang guro at tulungan ito.


Habang naglalakad siya papalapit sa silid ng guro ay pasipol-sipol pa siya habang inaaninag kung ano nga bang ginagawa ng guro sa loob ng classroom nito at bakit hindi man lang ito nagsindi ng ilaw gayong may hinahanap ito.


Nakalapit na si Mark sa pinto nang makaramdam siya ng kilabot sa buo niyang katawan. 

Ang silid ay nakalock mula sa labas dahil de kandado iyon. 

Sinilip din niya ang loob ng silid at inilawan ng dala niyang flashlight ngunit walang bakas na may tao roon.

Ramdam ni Mark nang magtaasan lahat ng balahibo niya sa katawan. 


Sino o ano ang nakita niya kaninang pumasok sa silid nito?


Tales of ParanormalWhere stories live. Discover now