"S-sino yan?"
"What the— Who's that?"
Ano raw?
Kaagad akong bumaba sa puno na aking tinatambayan.
"S-sino ka? I-isa ka bang halimaw o isa ka bang maligno?"
"The heck?"
Nagulat naman ako ng may biglang lumabas na lalaki sa likod ng kariton. Mataas ang kariton na ito kaya hindi ko kita na naroon siya sa likod noon. Napaka kisig namang lalaki nito.
"Tsh. I'll call you later!" pagkatapos ay ibinaba na niya ang hawak niyang parang maliit na sangkalan. "Who are you?" seryosong tanong niya sa akin.
"A-ano ang iyong sinasabi? H-hindi ko maintindihan. Hindi ka taga rito, ano? Ngayon lamang kita nakita rito."
"Taong bundok," bulong niya kaya hindi ko narinig. Nagpaikot pa ng mata.
"Anong sabi mo?"
"Sino ka ba?" tanong niya sa akin.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan dahil halatang hindi ka taga rito," sagot ko.
"Ano namang pakialam mo kung hindi ako taga rito?"
"Dahil baka masamang tao ka."
"Wow! Do I look like some stinky brats to you? Oh come on!"
"Ano bang sinasabi mo?" nakakunot noo na tanong ko.
"Hindi ka marunong mag-English? Oh yeah, you're a mountain person, that's why."
"Wag mo akong ibahin ng salita. Masyado kang banyaga."
"Tsk."
"Wag mo akong tingnan ng ganyan sapagkat isa ka lamang dayuhan!" untag ko.
"Tsk. Sino ka ba kase?" Napapadyak pa siya. Parang si Diego at Dasha lamang rin minsan kapag hindi nakuha ang gusto. Napailing tuloy ako. "Oh bakit ka umiiling iling riyan?"
"Wala. Hindi ako magpapakilala sapagkat hindi ka rin naman nagpapakilala."
"Arte arte," bulong niya pero rinig ko naman.
"Narinig ko ang iyong sinabi!"
Tinalikuran niya lamang ako at hindi sinagot.
"T-teka!"
"Ano?"
"Maaari ba akong magtanong?"
"You already are... Tsk! Ano yun?"
Napansin niya siguro ang pagkunot ng noo ko kaya iniba niyang muli ang salita.
"Taga... Kapatagan ka?"
"Halata ba?"
"Hindi ka ba maaaring makausap ng maayos?!" Medyo naiinis ng tanong ko.
Huminga siya ng malalim. "E sino ka ba?"
"Ako si Dihara, ikaw?"
"I'm.... Nobody." Humina ang kanyang boses ng banggitin ang huling salita. "Tsk! What the hell am I doing?" bulong niya pero narinig ko.
"Anong ginagawa mo rito sa taas?"
"Bakit ka ba tanong ng tanong?"
"Bakit rin ba kay sungit sungit mo? Ganyan ba talaga kayong mga taga kapatagan?"
"Ewan ko sayo!" Pagkasabi niya noon ay pumunta siya sa likod ng kanyang kariton.
Sinundan ko siya roon. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa ngunit mayroon sa loob ko na gusto siyang makilala kahit na hindi ko mawari kung mabuti ba siya o masama.
YOU ARE READING
Under the World
RandomMaari ko bang malaman ang reyalidad? Ano ba ang mayroon sa mundo na ipinagkait sa amin? Bakit napakalayo ng agwat ng tao sa iba? Bakit hindi patas ang batayan sa mundo? Can I ask something? I hate this feeling. Hell yeah! Why do I have to do these...