PWF : 44

25.7K 375 20
                                    

CHAPTER 44

TWYLA

"WHAT DO YOU mean you want the baby? Y-you want to stay with me? You want to marry me and give her a complete family? Is that it, Twyla?"

He looks very, very happy. Halos kuminang ang mga mata niya sa sobrang tuwa sa sinabi ko. Agad lumipad ang kamay niya sa t'yan ko at hinimas himas 'yon. Halos umabot sa langit ang ngiti niya.

"You make me so happy," He said before he kissed me. Namilog ang mata ko sa ginawa niya.

Umangat ang kamay ko para itulak siya, but he caught them and started to kiss me deeper. What?! seriously?! buntis ako tapos gusto niya pang gawin 'yon? At hindi ibig sabihin na gusto ko yung baby, e, okay na kaming dalawa! I need more time!

Iniwas ko ang mukha ko sakanya. Pulang pula ang labi niya habang titig na titig din sakin.

"Are you in love with me again, Twyla? Hmm?" Hinaplos niya ang pisngi ko. "Because I am..." He was about to kiss me again pero umiwas na 'ko. I don't think I can still push him if ever. "Twyla..."

"At anong mapapala ko kung sakaling sabihin kong mahal pa kita o mahal na ulit kita?" His mouth slowly opened.

"You love me?!" Para siyang mas naliwanagan sa sinabi ko.

Hindi pa 'ko nakapag-salita ulit nang yumakap siya sakin bigla. I didn't hug him back. There's no point kung itutulak ko siya palayo. He won't let me, of course.

"Garret--"

"Fuck. I'll be the best husband, I promise." He whispered. "If I didn't, then teach me how... tell me how, Twyla. I'm willing to learn," Hinaplos niya ang t'yan ko. His eyes are sparking already. "I'll do my best to be a good father. I promise."

Nasa pag-aasawa na agad ang iniisip niya. I don't even know kung napatawad ko na ba siya nang buo! Katulad nga ng sabi ko, masyado niya akong minamadali to the point na hindi ko na naiintindihan ang mga pangyayari.

Pagkabalik ko rito sa Pilipinas, he insisted to go out with me and have deal with him. Tapos bigla na lang akong may baby. Bigla na lang kaming nagkaro'n ng anak.

How can I fully forgive him if he will put everything in rush? How can I love him again?

"I love you..."

Sinayaw sayaw niya kaming dalawa habang mahigpit parin ang yakap niya sakin.

"Garret..." I already have the guts to push him away.

"Hmm?" Punong puno ang mga mata niya ng saya. Ni ayaw niyang bitawan ang mga kamay ko.

"I still need space."

Bumagsak agad ang ngiti niya. Napangiwi ako dahil para akong sinikmuraan nang makita kong naglaho bigla yung saya niya.

"W-what?"

"I don't totally agree about having you as my husband, but I think that I can still think about it. My decision can still change. I just need more space. I need to think about it first. What will going to happen to us is a life changing and I just can't take risk just because we already have a baby."

Bumaba ang tingin niya sa t'yan ko. He looked away before he slowly nodded.

"I understand," Mariin siyang pumikit bago ako hinarap ulit. "I'm sorry for rushing things. I just want to have you already." Namula bigla ang ilong niya.

Kusang gumalaw ang kamay ko at pinisil 'yon saglit.

"It's okay. I just need more space. I'll tell you my decision, don't worry."

Playing with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon