Hi, ako si Lena. :)
Third year nursing student. First day of summer class palang ang dami ng ginagawa. Ni wala nga kaming bakasyon. Pagkatapos kasi ng Nursing Aptitude Test noong last sem ng 2nd year ay diretso na agad kami dito sa summer class.
Hindi madali ang mga pinagdaanan namin. More than 500 kasi ang kukuha ng NAT at top 100 lang ang maswerteng makakapagpatuloy sa summer class at mag-capping. Yung mga hindi makakapasok ay kailangang maghintay ulit ng isa pang taon o magshift sa ibang course.
Sa awa at isa ako sa isandaang nakapasok. Masaya na may halong lungkot kasi ang mga malalapit kong kaibigan at iba pang kaklase ay di pinalad.
It was my first time too na parang feeling ko, ako nalang mag-isa. May takot, pero kailangan kong lampasan yun.
May naging mga na close din naman agad akong kapwa NAT passer during enrollment and preparation ng class.
(So ayun, mahaba na ang explanation ko about sa school. Umpisahan na natin ang maikling pagkakakilala namin ni Radz.)
Summer class! Microbiology at Parasitology. Grabe! Spell TOXIC! Ang Micro at Para yan! Hahaha!
Katatapos lang ng class at papunta na kaming library para mag pa-photocopy ng pahina ng book na pag-aaralan namin.
Grabe lang ha! Ilang pages agad ito ng mga bacteria na kailangang imemorize.
Ang school namin ay located sa mismong town proper. Isang malaking building ito na ang first floor ay puro mga establishment gaya ng pharmacy, bookstores, fast-food chains at etc. Ang secondfloor naman hanggang sa six floor ay ang mismong school na.
Kaming nasa medical course ay nasa tinawag na annex building na nasa fourth floor. May sarili kaming gate dahil di lang kami ang nasa palapag na yun. Bawal pumasok ang ibang courses sa building namin. May mga criminilogy students kasi sa floor na yun. Nandun din ang library ng school na kaharap lang ng canteen. Sa malapad na hallway naman ay may mga table and chairs na pwedeng upuan ng mga students kung wala silang pasok para magsulat o minsan naman, tambay lang.
And mostly talaga, dito tumatambay ang lahat. Sa loob kasi ng library ay di pwedeng mag-ingay masyado. Di din naman pwedeng mag-ingay talaga ng sobrang ingay dito sa labas, pero pwede parin namang magkwentuhan at kumain.
Papunta na kami noon sa may photocopy machine. Kasama ko ang gay friend/classmate kong si Dennie.
Habang naghihintay matapos sa pag-photocopy ang naka-assign na staff sa photocopy machine, si Dennie naman, sa kasamaang palad, ay umiral ang kalandian at nakipagchikahan na sa mga criminology students.
Tanong dito, tanong doon at kung ano ano pa ginawa niya.
Noon ko unang napansin si Radz. (Try to google Amir Khan "the boxer" and imagine a much younger version of him. Yun ang kamukha ni Radz.)
Natapos ng iphotocopy lahat. Time to pay. Nilapag ko muna sa table ang bag ko at kinuha ang wallet ko. Chika to the max parin si Dennie sa mga boys. Habang silent mode lang ako. Suplada ako.
As in dedma ako sa mga nagsasalita. Pero yung ramdam mong may nakatingin sa'yo? Grabe lang! Sa peripheral vision ko, nahuhuli ko siyang nakatingin. Sino kaya to? Na concious na tuloy ako. May dumi ba sa mukha? Oily na ba masyado ang face ko? Di naman kasi ako yung tipong pansinin ng iba. Napaka -oooooordinary ko. Walang kakaiba. So kung titingnan man ako, baka may dumi sa mukha.
Sa sobrang concious ko di ko namalayan na mali ang nabuksan kong parte sa wallet ko. Yung nabuksan ko ay yung kung saan nakatago ang mga lumang coins ko.
Yes, may mga lumang coins ako na tinatago. Nang marealized ko yun, ay ibabalik ko na sana ulit, ng ang isang lumang piso ay nabitawan ko.
Tumunog ang pagkakahulog nito. At saka gumulong gulong papunta sa, yes po mga dyosa, gumulong siya papunta sa direksyon ni Radz
BINABASA MO ANG
Lumang Piso (One shot short story)
Short StoryOne shot lang ito. At sinasabi ko na. Walang happy ending. Ginawa ko lang ito para ishare ang isang episode ng buhay ng isang "simpleng estudyanteng" si Lena. Heto na ang Lumang Piso.