The Conan Edogawa Memory Lost Case! (Part 7)

1.8K 63 71
                                    

The Conan Edogawa Memory Lost Case! (Part 7) -- The Detective Boys' Badge

"Conan! Nandyan ka ba Conan?!", sigaw ni Genta sa 'Detective Boys' Bagde'.

"Conan, naririnig mo ba kami Conan?!", sigaw naman ni Ayumi.

"Pakiusap Conan, kung naririnig mo kami, sumagot ka naman!", ang sigaw naman ni Mitsuhiko.

--

"Mitsuhiko, bakit kasi ngayon lang natin naisip ang tungkol sa mga 'Detective Boys' Badge'?", tanong ni Ayumi.

"Masyado kasi tayong naguluhan ng mga panahon na iyon kaya hindi tayo nakaisip ng maayos...", sagot ni Mitsuhiko.

"Hayz..." ni Genta.

--

Inulit nila ang pagtawg sa DB Badge pero wala pa rin...

"Baka wala kay Conan ang badge niya...", sabi ni Mitsuhiko.

Nalungkot ang tatlo...

"Wala na ba talagang paraan para mahanap si Conan?", maluha-luhang sabi ni Ayumi.

--

"Ah, H-Hello?"

"C-Conan!!!, sabay-sabay nilang sabi.

"H-Hindi ako pwedeng magkamali! B-Boses ni Conan!", masayang sabi ni Genta.

"Ay hindi, hindi! Nagkakamali kayo... hindi ako si Conan na tinutukoy niyo... Ako si Loki...", sagot ng bata sa kabilang linya.

"C-Conan! Huwag mo nga kaming lokohin!", sigaw ni Ayumi. "Alam kong ikaw yan Conan... Ang boses na iyan!  Ikaw na ikaw!"

"P-Pasensya na... Ako talaga si Loki... Loki Kuonji... Kay Conan ba ang bagay na ito... yung gamit ko ngayon? Pasensya na nasa akin ah... Hindi ko alam kong paano ito napadpad sa kwarto ko..."

--

Mitsuhiko's POV...

Malakas ang kutob ko na si Conan ang kausap namin... Kung tama ako, baka nagka-amnesia siya! Pero hindi pa ako sigurado...

"Ah, Loki... pwede bang makipagkita sa iyo?", tanong ko sa kanya. Gusto kong makita kung siya si Conan.

"Ah, eh... Hindi kasi akong pwedeng lumabas ng bahay eh...", sagot niya. "Pinagbawalan kasi ako matapos akong mapahamak..."

"Mapahamak?!", sabay-sabay na sabi naming 'Detective Boys'.

"Sa totoo niyan, wala akong maalala na kahit ano... Pwera sa mga alaala ko mula isang Linggo na ang lumipas, wala na akong ibang alaala..

"Isang Linggo ang nakalipas?", tanong ni Genta. "Hindi ba wala nasa si Conan nun?"

Katulad ng hinihinala ko... Si Conan si Loki! Nagka-amnesia si Conan!

"Saan ka ba nakatira, Loki?", muli kong pagtatanong. "Kung hindi ka pwede umalis sa bahay niyo, kami na lang ang pupunta!"

"Hindi ko alam... Pero... tapat ng bahay namin ang isang 'Convenience Store'."

"Loki, pwede mo bang i-describe sa amin kung anong itsura ng Convenience Store?", tanong  ni Ayumi.

"Kulay asul ang bubungan neto tapos puti ang mismong store."

"HAA!", ni Genta. "Alam ko kung saan yan! Minsan na akong nakabili ng pagkain diyan!!!"

Magaling Genta! Ngayon mahahanap na namin si Conan!

--

Maya-maya...

"Mitsuhiko, may naiisip ka ba?", napatingin si Ayumi sa akin.

"Ayumi, Genta, si Loki si Conan!", agad kong sabi.

"T-Talaga!", sabay nilang sagot.

Nagpaliwanag ako sa kanila.

"A-Amnesia?!",sabay uli nilang sabi...

"Oo. Kaya ano pang hinihintay natin, halika na! Genta, ituro mo na ang daan!"

Tumungo si Genta.

Author's Note: This is Part 7! Unti-unti ng mahahanap ang mga kasagutan! Tutok lang!

Ahehe... Nagustuhan nio ba? Sana naman :) Marami pang dapat abangan sa kwento! Medyo matagal pa ang revelation kung sino ang may sala sa lahat!

Kung sino si Mr. Hishikawa?

Kung sino ang Taxi Driver?

Kung sino ang mag-asawang inanggkin si Conan?

At kung ano talaga ang tunay na nangyayari!!!

Mahaba-haba pa ang subaybay na gagawin niyo pero sana hindi kayo magsawa! :)

Abangan na lang po ang Part 8! >.<

Check my other stories! Thanks! ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Detective Conan / Case Closed : The Conan Edogawa Memory Lost Case! &lt;ON-HOLD&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon