Rawson's Pounds
~MATABA
~PANGIT
~OBESE
~TABACHOY
~BABOY
Yan ako.. Rawson Prince O. Delavega isang mataba na sikat sa school sa pagiging isang LAMPA.. Lagi kasi akong nadadapa.. Pag naglalakad, Kasalanan ko ba na Mahina ang aking mga paa ? Naglalakad ako sa may hall ng biglang..
"Anu ba yan ang TANGA TANGA mo! MATABA na nga LAMPA pa !" Sabay tawa ni Jerry pati ng mga kaibigan niya. Ganyan nila ako asarin rito sa School. Totoo naman kasi yung sinabi nila... Nadapa pa kasi ako eh..
Tumakbo na lang ako at Pumunta sa classroom. "Taha na.. Yan ka nanaman eh.. Dapat kasi pinasuntok mo sa akin yung 'loko na 'yun eh. " Sabi sa akin ni Darren..
"Wag mo nang anuhin.. Sabi ko naman sa 'yo na OKay lang sa akin 'yun. Sanay na ako Darren. " Sabay punas ng Luha.
"Tss. Dapat kasi sa mga yan tinuturuan ng Leksyon. " Galt na Galit na sabi ni Darren.
"Sabi sayo Okay lang ako Tsaka hayaan mo na totoo naman mga sinasabi nila tungkol sa akin eh." Pagkakalma ko sa kanya.
"Tss. Anung totoo ? Na Lampa ka ?"-Darren
"OO. Tsaka na Mataba ako."
"OO. Mataba ka pero-"-Darren
"Edi sinabi mo rin ang Totoo." *sigh*
*Kriiiiiiiiiiiiiiing *Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing
"Sige na uuwi na ako. " Inayos ko na ang mga gamit ko at Umalis na..
Habang naglalakad ako.. May nakita akong babae na maganda.. Nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.. Ang Cute niya.. Anu kaya Pangalan niya.. Nagulat ako.. Tumabi bigla sa kanya si Jerry then nakita niya ako nag smirk siya.. Hinawakan niya yung kamay ng girl aww. Wala pa nga busted na agad ako..
Naglakad na lang ako at umuwi na..
"Leche bahay 'to, Puro problema.." Hay nako nag aaway nanaman sila mommy and daddy.
"Duon ka sa babae mo! Diba dun ka masaya ? Go !"- Mommy
"Anu bang babae Pinagsasabi mo ? Galing ako sa TRABAHO ! PAGOD AKO ! GUSTO KONG MAGPAHINGA !" -Daddy
"Anung wala ? Nakita ka raw ng kaibigan ko ! You're with other woman , Siguro kaya hindi ka umuwi kahapon !"
Hay.. Lagi ganyan ang inuuwian ko sa bahay.. Away rito. Away diyan. Kailan kaya matatapos away nila ?
Pumunta na lang muna ako sa may Park. Umupo ako sa may swing at nag isip-isip.. Pero pag upo ko nahulog ako.. Leche 'to. Pati ba naman duyan may size na ? Hayz..
"Ang TABA TABA kasi kaya hindi kinaya ng Duyan ! Hahahaah !" Sabi ng isa
"Hindi lang MATABA ! Ang Pangit pa ! Haha !" Sabi naman ng kasama niya.
Hayyy.. Kailan kaya nila ako titigilan sa pag-aasar nila ? Yaan mo na nga Sanay na rin naman ako.
"Ito oh.. Bakit ka malungkot ? May problema ka ba ? " Sabi sa akin ng isang melodic voice ng isang babae. Nakayuko kasi ako kaya hindi ko makita itsura niya.. nag bigay rin siya ng panyo sa akin

BINABASA MO ANG
My BIG Love Story (ON GOING)
Teen FictionSometimes, we don't expect to meet our special one in times of sadness and loneliness. We gain some strength to overcome a problem and have the knowledge to solve it. Here's a story that almost all teens can relate though I added some stuff that cou...