Katatapos lang ng klase namin ngayon at kasama ko si Clara dito sa washing room, naglalaro kami habang may hinihintay. Sakto naman at tumunog na ang bell, isang hudyat na break time na ng mga pang-hapon. Nag tago kami ni Clara sa cr ng makita namin na papunta na sila Kelvin sa washing room.
Nasa huli pala ng pila si Kelvin kaya naman naiwan siya sa washing at nasilayan siya habang naghuhugas siya ng kamay. Kaya lang may isang lalaki ang pumunta din sa washing room at hinaharangan niya si Kelvin. Nakakainis naman 'to. Hinarangan si Kelvin, ayan wala na tuloy siya. Bumalik na din sa classroom nila.
"Clara, nakakainis yung lalaki na humarang kay Kelvin!" I said, sulking.
"Kalma ka lang, Ayel. Meron pa namang bukas para makasilay ka ulit. Ikaw talaga." Clara said, assuring me.
"Eh, sayang din yung kanina no, tuwing breaktime ko nga lang nakikita 'yon. Hays!" Humarang kasi yung isang lalaki kanina.
Agad namin hinanap ni Clara si Anne para ikwento kung ano ang nangyari kanina sa washing room. Maging si Anne medyo nainis dahil bakit naman daw biglang sumulpot yung lalaki kanina.
"Sayang 'yon ah! Yaan mo, bukas silay ka ulit." Anne said, comforting me.
Kinabukasan, ganoon nga ang ginawa namin. Tatlo na kaming nasa washing room at inaabangan ang break time nila Kelvin, malapad ang aking ngiti ng masilayan siya.
The next school year, I don't know if i'm lucky because he's my classmate. Kalat na din sa buong room namin ang tungkol d'yan. Normal lang naman ako kumilos tuwing andiyan siya. Tahimik lang din naman ako lagi at kaonti lang din ang kaibigan dito sa room at school.
Sadly, on the next year, I heard that he transferred school. Hindi ko na ulit siya nakita. Some of our classmates are telling me that he also have crush on me. But sadly, we didn't even care to confess our feelings for each other. Come on, we're so young for that!
"Hey! Are you listening?" Clara shouted.
"Huh? What is it?" I said while shaking my head.
Kanina pa pala ako tulala, hindi ko na napansin na tinatawag niya na ako.
"Ang lalim ng iniisip mo, ayos ka lang ba?" Clara asked.
"Ayos lang. Naalala ko lang yung mga ganap natin nung elementary palang tayo." sabi ko sa kaniya bago uminom sa inorder kong frappe.
Look at this girl, she's smirking at me now. Mukhang alam niya kung anong iniisip ko.
"Naks, reminiscing ba 'yan?" She chuckled.
"But! Halos hindi ko na 'din maalala 'yon. Yung bassist lang ang familiar." She said while drinking her coffee, hiding her teasing smile.
Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Minsan talaga biglang bumabanat si Clara ng ganiyan. Nakakagulat minsan, pero malapit ko na 'to bigwasan. Well, up til now naman, nakakasama pa 'din namin siya. That's why familiar kay Clara.
YOU ARE READING
In The Right Time [Prayer of Love #1]
RomanceErick Dave De Villa, A great bully and a bassist at their school and church. He was also a graduating student in the High School Department until he met his new target. Ayel Hadley Santos, A responsible student and also a keyboardist at their schoo...