00

9 0 0
                                    

"Scars are stories, history written on the body." - Kathryn Harriso.

"M-MAMA, tama na po. M-masakit po." Pakiusap ko pero walang habas niya pa rin niya akong pinaghahampas ng sinturon sa palad ko.


"Hindi ka talaga magtatanda?!" Mas malakas ang hampas ang natanggap ko mula sa kaniya.

That morning when I went to her room, I saw her make-ups and played with it while she’s away. Namamangha akong makita ang mga iyon kaya naupo ako sa harap ng malaking salamin at ginaya ang laging ginagawa ng dati kong yaya.

Naglalagay ako ng lipstick sa labi kocnang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si mama na galit na nakatingin sa akin. Sa takot ko, nanginig ang kamay ko at napadiin iyon sa aking labi dahilan upang mabali ito.

Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko habang nakatitig sa mga palad ko na hindi ko na maramdaman. Namanhid na ito sa sakit.

"Bakit mo pinapakialaman ang mga gamit ko?! Alam mo bang mahal pa iyan sa buhay mo!" Hindi nakontento si mama at itinulak ako. Nabunsol na napaupo ako sa sahig.

Nilapitan niya ako at sinabunutan patayo. "Pahirap ka talaga sa buhay ko! Wala ng nanyaring maganda sa buhay ko nang dumating ka! You're my bag of stones! Get out of my room now! You freaking little monster!"

"Sorry po, m-mama." Nanginginig at
nanginginig na usal ko dahil sa sakit ng pagkakahawak niya.

"Get out!" Pabalya niya akong itinulak malapit sa pinto. Doon na ako tumakbo pabalik sa kwarto ko.

Pumasok ako sa aparador na lagi kong pinupuntahan sa tuwing galit si mama. Dito ako nagtatago tuwing natatakot akong saktan niya ulit.

Bakit ganito mo ako tratuhin, mama? May nagawa ba akong mali? Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?

Napahagulgol nang malaman ang sagot. Ilang beses ko ng narinig kay mama ang dahilan. Dahil ako.. ako ang pagkakamali na nangyari sa buhay niya.

Walang may gusto sa akin. Kahit ang sarili kong ina hindi ako makuhang mahalin. Walang araw na hindi niya ako sinasaktan at sinisigawan.

Ang totoong tatay ko hindi ako pinanindigan. Ang mama ko isang pagkakamali ang tingin sa akin. Hindi nga niya ako mapakilala sa lahat. Itinago ako na parang kahihiyan.

ISANG ARAW nang uwuwi si mama ay galit na galit siya. Lahat ng madampot niya at hinahagis niya. Binunton niya ulit sa akin ang lahat ng galit niya.

"Umalis ka sa harapan ko! Kamukhang-kamuka mo ang tarantado mong tatay!" Linampasan niya ako habang ako natulos sa kinatatayuan ko.

Kahit ilang beses ko ng narinig ang mga masasakit na salitang iyon sa kaniya, nasasaktan pa rin ako.

MALALIM na ang gabi nang magising ako dahil sa ingay na nagmumula sa sala. Tumayo ako at nakinig mula sa nakasarang pinto ng aking kwarto.

"Let me go you witch!" Usal ng isang batang lalaki. "Ibalik mo ko sa mommy ko!"

"Ako ang magiging mommy mo."

"No! My dad loves my mom! My mom only!"

"Really? Busy pa ang daddy mo sa mommy mo ngayon pero magsasawa rin iyon." Humalakhak siya. "He used to be mine, you know?"

"You're crazy! Ugly witch! You're a bad woman! Witch!"

Mukhang hindi iyon nagustuhan ni mama dahil nakarinig ako ng malakas na tunog tila isang sampal.

"I hate you! I hate you!"

"Oh.. likewise."

KINABUKASAN nagising ako dahil may naramdaman akong tumutusok-tusok sa pisngi ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay sumalubong sa akin ang kulay tsokolateng pares ng mata na nakatitig sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unwanted 2: Written In The ScarsWhere stories live. Discover now