The Story of You And Me
~~~
Nakakalungkot ang story kung walang 'Happy ending' totoo naman diba? pero hindi lahat ng happy ending nagtatapos ng masaya hindi lagi fairytail ang buhay ng tao.
Sabagay lahat tayo umaasa na mangyayari sa atin yun. Pero kung pano kung yung taong mahal mo mawawala nalang bigla sayo.
Masakit isipin pero kelangan talagang tanggapin may mga bagay na nawawala nalang sa buhay natin.
Kung mag i-stay ba siya jan para sayo o iiwan kadin niya sa bandang huli.
~~~
Hi Ako si Felicity. Matagal ko narin inaalala to, ang isang taong importante sakin at hanggang ngayun hindi parin ako nakakamove-on.
Siya kasi yung taong nagpasaya sakin at siya ang nagbigay ng tunay na kahulugan ng 'special' yun si Mattew.
Nagkakilala kami sa library ng school may hinahanap kasi akong libro. Hindi ko naman alam na yun din ang hinahanap n'ya kaya nag-aagawan kami sa libro nung nakita namin.
Inaamin ko inaway ko siya, hindi kasi ako nagpapatalo lalo't na sa mga gusto kong makuha hindi ako sanay na matalo, dahil nga doon na paguidance pa kami. Dahil sa librong yun. Kinausap kami ng principal "Student's maliit na bagay pinapalaki nyo, parang wala kayong manners para kayong mga bata !"
Kinabahan ako, hindi siya nagsasalita tahimik lang reaksyon niya, ayaw n'ya din siguro ng away kasi bago palang siya sa school. Pagkatapos nun kinausap niya ako.
"Sorry."
"Anong sorry? Hindi ako natanggap ng sorry! Wag mo akong kakausapin hindi ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko ka-level! "
Kitang kita ko na hindi niya ginusto ang nangyari at sincere s'ya sa sinabi niya, hanggang ngayun pag-iniisip ko yun? Para akong nahihiya sa sarili ko yung tipong gusto mong balikan ang nakaraan at bawiin ang sinabi ko.
Pagkatapos noon pumunta ako sa may locker uwian nadin kasi, kaya ilalagay ko yung gamit ko.
Tamad rin kasi akong mag dala ng mga kahit anong gamit lalo na pag-libro at notebook feeling ko kasi parang ang bigat-bigat ng dinadala ko except nalang sa mga accessories ko.
Papauwi na at nakasakay na ako sa bus, naniningil na ang kondoktor sa mga pasahero. Sakto naman nung nakapa ko yung bulsa ko naiwan ko yung wallet ko sa may locker room, hindi ko alam ang gagawin ko nung araw nayun natingin tingin na ako at malapit na akong singilin konti kembot nalang.
Tumigil ang bus at may sumakay na lalaki at tinabihan niya ako hindi ko akalain na magkakatinginan kaming dalawa " Ano bang iniisip nyo siya yung inaway ko sa school, si Matts " s'yempre nangyayari talaga ang mga bagay-bagay siguro univerese na ang gumawa ng chance, then kinausap ko siya.
"Oy pahiram ako ng pera."
"Ayuko!"
"Dali na wala akong perang dala dito, malapit na ang kondoktor, please???"
"Spell A-Y-U-K-O!"
"Babayaran kita doble o gagawin kong triple."
Nilayuan niya ako at humanap siya ng ibang upuan, at lumipat din ako at tinabihan ko siya hanggang makarating kami ng dulo ng bus.
"Please?????????"
"Kala ko ba hindi ka nakikipag usap sa mga taong dimo ka-level?"