Roniell's POV
Ngayon nalaman ko na ang tunay na hangarin ng mga bading na ito. Samantalang dati ay takot na takot ako sa kanila.
Mag tatatlong buwan nako dito. Madame na sa aking naturo, kaya ko nang protektahan ang aking sarili at kaya ko na ding gumamit ng iba't ibang sandata, kumpleto dito, kahit isang zombie ay hinde magtatangkang pumasok dito.
Bukod pa dun, nakilala ko dito ang isang ninjang love guru at isang ninjang historian. Well, hinde ko inakala na makikita ko silang muli.
" Shanai, Lester kamusta na kayo? Ang sarap ng ulam na ipinakaen sakin ni Bonjing. Ang init nga lang kaya maya't maya ay luwa ako ng luwa. " Kwento ko sa dati kong kamag aral.
" Tsk tsk tsk, parang pag ibig, takaw mata pero iluluwa din pala, sa una lang magaling tas papaasahin ka tapos lolokohin ka tapos sasaktan ka, tapos mukha kang TANGA. Tsk tsk tsk " Isa nanamamg payo ni Shanai.
" Shanai ang layo naman ng ulam sa pag ibig. Parang mga 9 miles, ganun. " Corny kong joke.
" Hinde ah, ang pag ibig, Kahit malayo, pag ibig pa din! Wag mong mamalitiin ang power of love. " Isa pang hugot ni Shanai.
" Tss. Pag ibig. Wala yan. Di uso dito yan, katapusan na ng mundo tas pag ibig. Alam niyo kung ako sa inyo mag dream team nalang tayo, nga pala Roniell, ikaw ba? Naranasan mo na bang umibig? " Tanong saken ni Lester.
" Si Roniell? Torpe yan eh, mas madalas pa tayong dalawin ng zombie kesa sa pamamansin niyan, hnde nga marunong manligaw yan e, Torpe. HAHAHAHAHAHAHAHA! " Pang iinis sabay tawa ni Shanai.
" Lester, ikaw talaga pinunta ko dito e, sino ba tong kasama mo? Ang Ingay, parang tambucho. " Patama ko.
" Roniell, hinde mo pa sinasagot yung tanong ko. " Tanong ni Lester.
At dun , Saktong dating ng isang maganda, sexy, cutie, at mabangong babae.. Nakakabighani..
" Lester, Shanai, pinapatawag na nga pala kayo ni Bonjing sa barracks. " Sambit ng dalaga.
" Ahhmm!! " Clearing my throat.
" Bakit? " Tanong ng binibini.
" Ah, Eh, Uhmmmm. Ah,...
.
..
...Hi? " Napakahabang pag tigil ng aking pag sasalita.
" Ah, Roniell, siya nga pala si Sofia, isa siya sa mga nurse dito. Sofia si Roniell, yung isa sa mga knight. " Pag papakilala saken ni Lester.
" Nice to meet you Sofia. Ah. Sofia. Nanggagamot kaba ng broken heart? " Tanong ko.
" Ha? " Tanong niya.
" Ahhhh, I mean broken bone! Ouch! Aray! Ang sakit, feeling ko kinagat ako ng bading! Ouch! " Arte ko.
" Neeeeh, papansin si Roniell oh! " Asar ni Shanai.
" Uy! Mas lalong nasaket! Ahhhh! Binti ko!! " Arteng arte nako.
" Tara sumama ka saken " Inakay niya ako. "Lester, patulong naman oh mabigat siya e! " Pag hingi niya ng tulong.
Tinulungan kami ni Lester hanggang makapunta sa clinic niya.
" Sofia, ikaw na bahala sa kaibigan namin ah, alagaan mo yan, pupunta na kami sa barracks. " Pagpapaalam ni Lester.
" Roniell, wag mong landiin ha?! " Asar nanaman ni Shanai.
"OOOOUUUUCCCHHH!! ANG SAKET BEBE KOOOO!! AY!! NURSE SOFIA PALAA!" Pagpunas niya ng alcohol sa sugat ko.
" Wala ka namang broken bones e, sugat lang madame ka, pero okay na, mag heal na sila. Wag kang mag alala. " Nakangiting paliwanag saken ni Sofia.
" Nurse, pwede makahinge ng favor? " Haha. Natatawa ako sa ginawa ko nung time na yun.
" ano yun Roniell?" Tanong niya.
" Pwede pa hug? Yung mahigpit ha? " Epal ko :D
" Bakit naman? " Tanong ng bebe ko. Chos!!
" Hinde kaso ako sanay ng hinde hinahug matapos gamutin sugat ko e. " Hahaha! Chansing ako XD
" Sige na nga, eto na! "
Biglang niyakap ako ni Sofia!!!!! HEAVEEEENN!!
" Salamat ha? Una nako. Babalik ako bukas. " Pag papaalam ko.
" Bakit kapa babalik bukas? Magpapagamot ka ulet? " Tanong niya.
" Oo! Pinagod mo puso ko sa sobrang pagpapatibok sa kanya, hahaha! " Nilalandi ko na siya.
" Joker ka talaga, Bakit nga? " Isang tanong pa ulet.
" Dadalawin kita. Osiya, mauna nako, baka formation na namin, maraming salamat." Pag papasalamat ko.
" It's my duty. You're welcome. " Sagot niya.
Ang ganda talaga niya, ewan ko dun. Pinatibok niya ulit yung puso kong naging bato.
Tingin ko siya na talaga. I love her. #LandeniRoniell