(B)

1 0 0
                                    

"Hoy!"

"Ay pusang gala!" napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaking matang nilingon si Janice. "Ano ba naman yan, Nice! Kitang nananahimik yung tao e."

"Tulala ka na naman tanga," umupo sya sa tabi ko saka ako inakbayan.

Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila Tito Esmee. May kaunting handaan kasi sila Tita dahil top 1 si Erika sa buong school nila.

Kahit kailan talaga napakasupportive masyado ni Tita sa mga anak nya, lalo na kay Erich.

"Iniisip mo na naman yung ex mo?" tanong ni Janice sakin.

"Hindi ano," umiling ako. "Bakit ko naman iisipin ang pangit na yon?"

"Ewan ko, kasi mahal mo pa?" inalis ni Janice ang pagkakaakbay sakin saka sumandal sa couch at nag dekwatro.

Totoong hindi si George ang iniisip ko kasi ang swerte naman nya masyado kung sya ang iisipin ko. Pero hindi totoong pangit si George, may maipagmamalaki ka talaga when you date George. She's surreal.

I am so done with George and her lies, I can't keep up with her. Si Rina ang palagi nyang sinasabihan—not that I have a problem with Rina because she's such a kind and wonderful person. Pero pakiramdam ko hindi ako deserving enough to know her secrets or her problems.

"Minahal ko sya, Nice. Past tense." umiling ako saka sumandal rin sa couch.

"Wala na ba talaga? Ganon ganon nalang iyon? Nawala nalang bigla ang pagmamahal?"

"Hindi nawala ng bigla yon, Nice. Mahal na mahal ko si George sa mga panahong iyon, witness pa nga si Erich sa mga katangahan ko. Alam mo bang nakakahiya yon?" pagtawa ko. "Pero nagising nalang ako na napapagod na ako hanggang sa hindi ko namamalayan gumagawa na ako mga bagay—nagpapanggap bilang isang persona para lang sa kagustuhan ni George. Hindi ako peke, Nice."

"Triny mo bang ayusin?" curious na tanong ni Janice sakin na ningitian ko.

"Oo naman, mahal ko sya noon e. Lumaban ako para samin kahit nakakapagod—kahit nakakaubos."

Kung noon umiiyak ako kapag naaalala ko ang mga nangyari noon, ngayon? Wala ng luha ang lumalabas. Para akong naging manhid.

"Paano kung nagbago si George?" hindi na ako nabigla ang tanong ni Janice dahil paulit ulit na yan naitanong saakin.

Sasagot na sana ako nang makarinig kami ng mga nabasag na kagamitan sa kusina.

Agad na napalingon ako at napatayo nang makita ko si Erich na dumudugo ang mga kanang kamay.

"Dyan ka lang, may bubog." sabi ni Erich sakin nang makitang papasok ako sa kusina.

"Pinaggagawa mo ba kasi sa buhay mo, Erich. Dumudugo yang kamay mo o!"

"Ayos lang ako. Nadaplisan lang yan, hindi naman masakit." sabi pa nya pero nakangiwi sya habang nakatingin sa sugat nya.

"Ano yang mga nabasag?" rinig kong tanong ni Tita Esmee na nasa mini garden nya't nagdidilig sa mga minamahal nyang halaman.

"Nadulas ang mga plato, Ma." sagot naman ni Erich kay Tita habang lumalapit sa sink at binuksan ang faucet at hinugasan ang kamay nya.

Nakatalikod sya sa gawi namin ni Janice. Napatingin ako sa katawan ni Erich at bahagyang nainggit.

Sobrang ganda at ideal ng katawan ni Erich, wala akong mapintas sa katawan niya.

"Baka matunaw, Belle." biglang nudge ni Janice sakin sa braso.

Mas matangkad pa ako kay Janice pero hindi naman ito pandak. Sakto lang naman ang height nya na nasa 5'1.

"Sira," napailing nalang ako at tinulungan si Janice na linisin ang mga bubog sa sahig at itapon ito sa basurahan.

Sinigurado talaga ni Janice na walang natirang bubog sa sahig dahil may mga bata pa namang bisita sila Tita Esmee.

Iyon ang isa sa mga hinahangaan ko kay Janice. Sobrang thoughtful at mabait. Natural ata sa babaeng ito ang maging mabait.

"Baka matunaw si Nice, Belle." napatingin ako sa biglang tumabi sakin. Si Erich.

"Sira," tumawa ako. "Kamusta ang sugat mo? Nilinisan mo na?" tanong ko saka tinignan ang naka plaster na kamay nya.

"Oo, buti nagiiwan ng medkit si Tito sa banyo nya." sabi nya saka tinignan ang kamay nya.

"Dapat kasi nagiingat ka,"

"Nagiingat ako. Madulas kasi ang mga pinggan."

"Nako talaga, Erich. Ang sabihin mo lampa ka lang talaga."

"Hindi ako lampa, sating dalawa ikaw yon."

Kinunotan ko sya ng noo. "Anong ako? Mema ka ah. Aba'y bat ako naging lampa?"

Bumuka ang bibig ni Erich pero agad nya ding isinirado at saka nagiwas ng tingin. "Tss."

"O diba, wala kang masay." ngumisi ako sa kanya and stuck my tongue out.

"Si Erika o si Rina kasi ang naghuhugas ng plato kaya ganyan," naiiling na sabi ko. "Senyorita ka kasi." pangaasar ko pa kay Erich.

Halos magdadalawang taon na ang lumipas mula nang lumipat si Rina kasama ang mga step brothers nya, pero ang balita ko lumipat sya sa isang unit kasama si George.

George.

Hindi gaya noon na kapag naaalala ko sya, naririnig ang pangalan nya ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tila nakikipag-marathon ako. Ngayon puno na ng lungkot ang nararamdaman ko.

"Senyorita? Wow, nahiya naman ako sayo, Belle." inirapan ako ni Erich saka tinalikuran, natawa nalang ako dahil para syang batang nagtatampo kung umasta.

Akmang aaluin ko si Erich nang biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon.

"Rina babes!" masiglang tawag ko sa kanya saka tumakbo papunta sa gawi nya.

"Hi, Belle." sinalubong nya din ako ng yakap.

"I missed you!" niyakap ko sya ng mahigpit. "Hindi na tayo nakapagusap the other day kasi may asungot." kumalas ako sa yakap namin saka kinuha ang dala nyang paperbag saka sinilip sa loob.

Doughnuts!

Tumawa si Rina. "Sira. You were so whipped before, ngayon tinatawag mo ng asungot si George."

"Totoo namang asungot sya e." nilapag ko sa center table ang dala ni Rina.

"Hey, Nice." bati ni Rina kay Janice na ningitian lang din si Rina. "Fancy seeing you here,"

"Wala kasi akong trabaho kaya napadpad ako dito."

"Nandito kasi ako kaya nandito yan, crush ako nyan e." pangaasar ko kay Janice na tumawa lang saka umiling.

"Hoy, hindi mo dineny!" I pointed out nang binuksan lang ni Janice ang box ng doughnuts at saka kumuha ng isang piraso doon.

"Hindi kita crush, kapal ng mukha mo."

"Sos, in denial ka pa e. Ayos lang yan, Nice." tumabi ako kay Janice saka sya inakbayan. "I will reject you nicely naman e."

"Tarantado!" napatawa nalang ako dahil sa reaction ni Janice.

"Siraulo ka talaga, Belle." tawa ni Rina saka naupo sa single sofa. "Si Kaolin nga pala, Erich? She asked me to meet her here."

"Tulog. Gisingin mo nalang sya, nasa kwarto ko yon."

Agad na nawala ang ngiti sa labi ko at tinignan si Erich—na nakatingin pala sakin.

"Oh, bakit?" tanong ko sa kanya with matching taas kilay pa.

Pero ang gaga tinaasan lang din ako ng kilay. "Ano?"

Tabi kaya sila natulog?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAMAGED ITEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon