Prologue

2.9K 17 1
                                    

     Hindi ko mapigilan maging emosyonal habang nililinisan ang maliit na bahay namin dito sa probinsya. Ito ba kasi marahil ang pinakahuling pagkakataon na masisilayan ko ang tahanang naging saksi sa aking paglaki at pagkakaroon ng isip.

     Kung hindi lang siguro pumanaw si lolo ko na siya ring kaisa-isang kapamilyang meron ako, hinding-hindi ako aalis sa probinsyang ito. Pero ganoon talaga, eh. May mga bagay na kailangan mong kalimutan gaano man kahirap. Malulungkot ka lang kasi kapag patuloy mo pa rin itong inalala.
     Naks naman, Althea. Napahugot ka pa!
     Kamamatay lang ni Lolo ko noong isang linggo. Biglaan nga ang lahat. Hindi man lang ako sinabihan na, "Apo, made-deads na ako. Iiwan na kita. Kthnxbye." Eh 'di sana napaghandaan ko man lang. Kaso wala man lang abiso si lolo. Binigla niya ang prettyness kong katauhan.

     Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang kahit ano'ng sakit o malalang karamdaman. Bigla na lang siyang natumba habang nagbubuhat ng mga kahoy na gagamitin niyang panggatong. Ang sabi ng doctor na nagsuri sa kanya, dala raw ng pagod at katandaan.

     Akala ko nga nun, trip lang ni lolo na matulog sa labas  habang yakap-yakap ang mga kahoy. Hindi ko alam na nag-aagaw buhay na pala siya nun kaya naman gabi ko na siya nadala sa ospital. Charot!

     Kung alam ko lang na magiging ganon, eh 'di sana hindi ko na siya hinayaang gumawa ng mga gawaing bahay. Nuknukan din kasi ng tigas ng ulo si lolo kung minsan e. Nakakaasar.

     Malaki ang nagastos ko sa pag-aasikaso ng libing ni lolo. Kaunti lang ang ipon naming dalawa at talagang hindi iyon naging sapat. Wala rin naman kaming ibang pamilya o kamag-anak. Kung meron man, siguro kinalimutan na nila kami. Bata pa lang kasi ako nang mamatay na ang mga magulang ko.

     Mabuti na lang, dumating iyong katiwala ng mayamang kaibigan ni lolo na taga-Maynila. Nagbigay ito ng pera na siyang nagamit ko sa pagpapalibing kay lolo. Sa telepono ko lang nakausap ang friendshipness ni lolo na si lolo Andres. Ang sabi ko, babayaran ko siya kapag nagkaroon na ako ng trabaho.

     Ang buong akala ko, doon na matatapos ang pagtulong niya, pero hindi pala. Nag-offer din siya sa akin ng trabaho sa Maynila. Sinabi ko naman na pag-iisipan ko muna ang alok niya.

     Unang-una kasi, ayokong lisanin ang probinsyang ito dahil nandito ang buhay ko. Nandito ang mga ka-plastikan ko. Itong lugar na 'to ang kinalakihan ko kaya gamay ko na, hindi tulad sa Maynila na bali-balitang maganda ang lugar nga pero talamak naman ang mga krimen at patayan. Baka pagsamantalahan lang ng mga masasamang tao ang mukha kong kay ganda at ang katawan kong ubod ng alindog. Natatakot akong mangyari iyon.

     Pangalawa, napapaisip ako kung kakayanin ko ba ang buhay doon. Wala akong ibang kakilala doon, hindi tulad dito sa probinsya na marami akong kaibigan at mas maraming ka-plastikan. Wala akong ibang matatakbuhan doon kapag nagkaroon ako ng problema kundi sarili ko lang. Alangan namang kay lolo Andres ako palaging humingi ng tulong. Bukod sa nakakahiya na, hindi pa kami close. Hindi naman ako pinalaking makapal ang mukha ni lolo, no? Pinalaki niya lang akong plastik at snob sa personal.

     Napaisip ako kung sasayangin ko ba ang oportunidad na ito. Pero naisip ko rin naman na kung mananatili ako dito sa probinsya, patuloy ko lang maaalala si lolo. Si lolo ko na pinakamamahal ko sa lahat pero iniwan na ako. Patuloy lang akong iiyak at malulungkot. Isa pa, baka nasa Maynila ang swerte ko. Baka doon ko makikilala ang foreverness ko. O baka naman doon ako makapangasawa ng artista. Kahit si Daniel Padilla o James Reid lang, okay na sa 'kin.

     Maraming taga-rito sa amin ang lumuluwas pa-Maynila dahil maganda raw ang buhay roon. Ang ilan sa kanila, sinuswerte, pero karamihan, lalong minamalas. At dahil pinalaki naman ako ni lolo na madiskarte sa buhay, pumayag na ako sa offer ni lolo Andres. Tinawagan ko siya kahapon at sinabi kong ngayon araw na nga ako luluwas papunta sa Maynila.

That Promdi Girl by Sic SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon