Sa tuwing may nagaganap na kasalan sa bayan namin doon sa probinsya, palagi akong present sa simbahan. Kilala ko man o hindi ang ikakasal, imbitado man ako o hindi, napunta pa rin ako para panoorin iyong nagaganap na seremonya. Mahilig kasi akong manood ng kasal o anumang eksena ng dalawang taong nagsusumpaang magmamahalan habang buhay.
Na hindi kinalaunan ay maghihiwalay din naman. Charot!
At sa tuwing nakakapanood ako ng kasalan, hindi ko mapigilan ang sarili ko maging emosyonal. Para sa akin kasi, ang maikasal at maiharap sa altar ang isa sa pinakamagandang bagay na maaaring mangyari sa buhay ng isang babae. Walang katumbas na kaligayahan iyon.
Hindi ko na matandaan kung paano nagsimula o kung ano'ng edad ko itinatak sa isip at atay ko na kapag ikinasal ako, dapat sa lalaking mahal ko. Wala akong pakialam kung magarbo o simple lang ang mangyayaring kasalan basta ang mahalaga, mahal namin ang isa't-isa.
Sa kasal ko, hindi dapat ako iiyak kundi ang mapapangasawa ko. Siya ang iiyak kasi sobrang ligaya niya na ikakasal siya sa akin. Choosyness pa ba siya sa ganda kong 'to? Isang Althea Josefa Marinduque ang ikakasal sa kanya kaya kailangan niya umiyak. Best in English kaya ako noong elementary ako.
Kaya naman nang sabihin sa akin ni Lolo Andres na ang pangalawa niyang apo na si San Goku na masungit version este, Elton ang mapapangasawa ko, gusto kong mahimatay. Mabuti na lang tinamad ako. Pinigilan ko lang ang sarili ko kahit hindi ko ma-takeness ng utak ko iyong sinabi niya. Naalala ko kasi iyong sinabi noon sa akin ni lolo ko na masamang himatayin kapag kinakausap ka ng isang tao. Kausap ko pa si Lolo Andres ngayon kaya mamaya na lang ako mahihimatay kapag mag-isa na lang ako. Pakiramdam ko mahihimatay ako nang tatlong beses mamaya. Mga apat na pala kapag sinipag.
Bigla akong napatayo saka ko pinagypayan ang aking sarili. Bigla kasing uminit ang paligid at hindi ko na maramdaman iyong ibinubugang hangin ng aircon dito sa study room ni Lolo Andres. Pakiramdan ko talaga mahihimatay na ako ngayon. Oo, as in ngayon na.
Mamaya ka na mahimatay, Althea, paalala ko sa sarili ko. Hindi ka pinalaking bastos ng lolo mo. May kausap ka pa. Napasimangot ako. Okay, pushness.
"Pakiramdam ko, mahihimatay ako, Lolo Andre."
Agad napatayo ang matanda at nag-aalalang tumingin sa akin. "Wait. Gusto mo ng tubig?"
"Yes, please," pag-e-English ko.
Dali-daling pumunta si Lolo Andres doon sa may study table niya at sumalok ng tubig sa may pitsel na nakapatong sa ibabaw. Mabilis naman niya itong ibinato---este, iniabot sa akin.
Iinumin ko na sana ang tubig pero natigilan ako bago pa dumampi sa labi ko iyong tubig. Na-disappointness kasi ako.
"Oh, hija, bakit hindi mo pa inumin iyang tubig?"
Tiningnan ko si Lolo Andres nang seryoso. "Hindi po malamig, eh. Wala po bang coldness water d'yan?"
"Cold water iyon, Althea." Napahagikgik ang matanda. "Meron naman. Sandali lamang."
"Meron naman pala pero bakit itong tubig na hindi coldness ang ibinigay?" bulong ko sa sarili ko.
Binuksan niya iyong isang cabinet na refrigerator pala. Taray. Hindi ko inaasahan na ref pala iyon. Akala ko cabinet lang. Pagbukas niya, nalula ako sa sobrang sami ng laman nito.
May iba't-ibang bote na mukhang alak ang laman. May mga bote rin ng tubig. Kumuha siya ng isang bote at ibinigay sa magandang si ako.
Inubos ko ito nang isang lagukan lang. Pero iyong kaba ko, nananatiling nasa dibdib ko pa rin at hindi naibsan. Napahawak ako sa dibdib ko habang kinakalma ko ang aking sarili. Para kasing maloloka ang buong pagkatao ko sa ideyang hindi pala trabaho ang ipinunta ko rito sa Maynila kundi pag-aasawa,
![](https://img.wattpad.com/cover/313555454-288-k262800.jpg)
BINABASA MO ANG
That Promdi Girl by Sic Santos
Teen FictionMasaya at kontento naman si Althea Josefa Marinduque sa province life niya kung saan siya isinilang at lumaking best in English. Pero dahil namatay na ang kaisa-isa niyang kasama sa buhay na si Lolo Philip, kinailangan na niyang pumunta sa Maynila u...