Prologue

20 2 0
                                    

Third Person's POV

"We will be having two important issues today. Each one of you will be on their legal age in no time, hindi ako maniniwala pag sinabi niyong hindi niyo pa nararanasan ang teenage love besides, on the next few days, you will know why I let you argue on this."

Madaming senior high school students ang nagpakita ng pagkaburyo at pagkadismaya nang maintindihan nila ang ibig sabihin ng moderator nila sa The Debate Club Society. Madami ang umirap at bumuntong hininga lalo na nung sabihin ng moderator nila na si Sir Agustin ang kanilang pagdedebatihan sa araw na iyon.

"We'll have a different agenda for today, I will be allowing you to use tagalog words to defend your answers."

Tumaas ang kilay ni Amara nang marinig iyon. Napangisi rin sya at napatango.

"What happened to sir Agustin today ba? He's kinda weird kanina pa," bulong ni Blythe sa kaibigan niyang si Amara na ngayo'y katabi niya. Kasalukuyan syang naka dekwatro sa ilalam ng mahabang mesa na nasa harapan nila. Nakasuot sya ng puting salamin na may grado habang nakalugay ang kanyang hanggang balikat na itim na buhok. Ivory ang kulay ng kanyang balat, hindi maitim, hindi rin maputi.

"That's very outré of him." Pahayag naman ni Penelope habang nakaharap sa moderator. Nakahalumbaba ito habang nakikinig. Kaka adjust niya lang ng braces kahapon kaya ganon nalamang sya makahalumbaba. Morena ang kulay ng kanyang balat at hanggang bewang ang straight at makintab niyang buhok.

Isa-isa lang silang tiningnan ni Amara na nasa gitna nila.

"Sana you and Zeus will be chosen naman to argue on whatever shit it may be para naman may sexual tension," nakangiting pang-aasar ni Blythe kay Amara. Tinusok-tusok pa nito ang tagiliran ng kaibigan para kilitiin.

"Yieee, don't hide your romantic excitement. We all know kinikilig ka." Asar pa ni Penelope.

"Tigilan niyo ako ano ba!" Mahinahon pero may diing sambit ni Amara sa dalawa niyang kaibigan. Ang buhok niyang hanggang leeg na kulay light brown na may white highlights ay hinawi nya sa magkabilang parte ng kanyang tenga. Maya-maya'y tiningnan niya ang relo sa kaliwang kamay niya para tingnan ang oras. Sa kanilang magkakaibigan, sya ang pinaka maputi, nakuha niya ang kanyang kulay sa tatay niyang espanyol.

Napatikom naman ng bibig sina Penelope at Blythe nang marinig nila iyon mula sa kaibigan. Alam nilang kinikilig ito pero alam din nila na pag sumobra sila ay maiinis at magagalit na sa kanila ito.

Kasalukuyan silang nasa isang classroom kung saan sila palaging nag me-meet tuwing Friday para sa club nilang The Debate Club Society.

Kulay puti ang buong paligid mula sahig hanggang kisame. Ang sahig na marbled ay napakalinis at kintab na halos pwede nang gawing salamin. Sa unahan makikita ang hindi kalakihang table na walang kakalat-kalat at kulay puti rin ito. Nakaupo ang 37 senior high school students sa matibay na plastic chairs na may gulong. May dalawang mahabang layers ng table kung saan magkakatabi ang mga estudyante. Sa  unahang bahagi ng classroom, makikita ang white glass board na may nakasulat na iba't ibang pagkakaiba ng argument sa debate at madami pang bagay tungkol sa pagdedebate.

Sa bandang likod naman ay may mahabang cork board kung saan nakalagay ang iba't ibang estudyanteng nanalo sa mga debate, impromptu speeches at iba't ibang activites na ginawa ng mga naunang senior high school students. Andoon din ang mga announcements at mga assignments ng mga club members.

Maya-maya lang ay kinuha na ni Sir Agustin ang mga index card para piliin kung sino ang dalawang unang magdedebate.

"Before anything else, I wanted to make it clear once more that debate and argumentation are two different things, and for today's agenda, two individuals will be arguing the topics I keep on repeating, This may sound cliché but you're going to argue on this matter..." tumigil sya nang bahagya para tingnan isa-isa ang kanyang mga members. Napangisi sya at nagpatuloy sa pag-shuffle ng index cards.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fairness in DemureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon