Panaginip

92 0 0
                                    

Ren

Nagumpisa lang sa may tabing dagat. Nasa tabi kita hawak mo ang kamay. Nakatitig ka sakin na para bang ako ang pinaka importanteng tao sa buhay. Lumapit ka, at naglapit ang mga labi natin.

hoy Renato gising na may pasok ka pa.

Pagdilat ng mga mata ko ang panaginip nanaman pala.

Nag ayos na ako para sa eskwela. Pero ang nasa isip ko ay ang panaginip ko. Ilang gabi na siyang nasa panaginip ko. Di siya maalis sa isip ko. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Pagdating sa eskwela.

Nakita ko silang magkasama, siya pati si Drew. Biglang sumikip dibdib ko. Ano bang nangyayari sakin.

Tinawag ako ni Drew "hoy Renato"

Lumapit ako. "hi tol"

"Parang di maganda gising mo ah."

"Di naman may iniisip lang"

"Ako di mo man ako kukumustahin". Sabi niya

"ahhh hi morning"

Lumipas ang araw katulad ng ibang araw. Walang kakaibang nangyari.

" masyado ko lang atang iniisip ang panaginip ko"

Pagdating ng last period siya ang katabi ko, di ko alam anung sasabihin ko sa kanya.

"oy anung iniisip mo diyan?" sabi niya

"ahh wala naman"

"ok ka lang"

"oo naman bakit mo naman natanong?"

"ahh wala naman, wala ka kasing tinulugan sa klase natin ngayon eh. Sarap ata ng tulog mo kagabe, anu bang napanaginipan mo? Haha"

"wala naman. Hahaha"

"kasi ako kinilig ako sa panaginip ko. Kasi kasama ko Drew sa panaginip ko."

"oh."

"uy napano ka parang naluluha ka diyan"

" ahh anung sinasabi mo diyan. Inaantok lang ako. Haha"

"ahh sigurado ka?"

" oo naman. Ahh mag ccr lang ako"

Lumabas ako ng classroom. Sa cr.

Alam ko na ano tong nararamdaman ko.

Mahal na ata kita Maria.

(Maria)

Napaka gandang umaga, salamat sa napakagandang panaginip. Sino bang di gaganda ang umaga kung ang nasa panaginip mo ay taong mahal mo. Di man niya alam angnararamdaman ko, kahit na lagi ko siyang kasama.

Kailan niya kaya mapapansin ang nararamdaman ko.

Pag dating ko sa eskwela syempre as usual una ako tapos darating si Drew na parang wala lang. Wala man lang good morning o hi man lang. Basta pag dating upo agad sa pwesto niya.

Tapos dumating si Ren at akalain mo yun binati ni Drew si Ren. Tapos naman etong Renatong to di rin ako pinansin ano to invisible ako.

"ako di mo man ako kukumustahin" sabi ko kay Ren

"ahh hi morning"

Feeling ko talaga silang dalawa magkakatuluyan.

Lumipas ang araw na walang unusual na nang yayari.

At pag dating ng last period dun ako may napansin

Nakita ko Ren pumasok sa room, umupo sa tabi ko. Alam nyo meron palang unusual na nang yayari simula kanina pa di ko lang napapansin. Si Ren WALA PA SIYANG TINULUGAN NA KLASE!! At hindi normal yun.

"oy anung iniisip mo diyan?" sabi ko

"ahh wala naman"

"ok ka lang?"

"ahh wala naman, wala ka kasing tinulugan sa klase natin ngayon eh. Sarap ata ng tulog mo kagabe, anu bang napanaginipan mo? Haha"

"wala naman. Hahaha"

"kasi ako kinilig ako sa panaginip ko. Kasi kasama ko Drew sa panaginip ko."

"oh."

"uy napano ka parang naluluha ka diyan"

" ahh anung sinasabi mo diyan. Inaantok lang ako. Haha"

"ahh sigurado ka?"

" oo naman. Ahh mag ccr lang ako"

Anu kayang iniisip nun?

Katapos lumabas ni Ren pumasok naman si Drew

"saan pupunta yun?" sabi ni Drew

"mag ccr daw siya"

"ahh"

At umupu na rin siya. Eto nanaman kasama ko nanaman siya. Pero di pa rin niya alam na Mahal ko siya.

(hi guys. Update after a long time. Eto na. Sino gusto niyong makita next chapter?)

Tsaka na yung TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon